Chapter 20: Short Kiss
______________________________________
Irish's POV
Nagsialisan naman kami at dumiretso ako sa isang book store. Tinignan ko yung mga books at wala akong nagustuhan dito. Hinahanap ko yung the four bad boys and me.
Balita ko maganda raw yun eh. Totoo ba?
Pinuntahan ko na yung tatlong bookstore kaso wala talaga. Masubukan nga sa NBS.
"Okay ka lang ba Yra?" Tanong ko nung napadaan sa akin si yra. Napatingin naman siya sakin.
"Shit! Oo, okay lang. Geh, una na ako" sabi niya at pumasok sa jollibee. Lumabas din ng after 3 seconds at pumunta naman sa mcdo.
Problema nun?
Pumasok ako sa loob at kilala naman nila ako. Pumunta ako sa may reading section at hinanap yung the four bad boys and me. Kinuha ko agad yun dahil last book na siya at nagbayad na agad sa counter.
Pumunta ako sa garden nila sa mall at nagbasa. Habang papunta dun ay may nakabunggo sa akin.
"Sorry miss" sabi niya at tinulungan ako pulutin yung nalaglag kong gamit.
Nakabukas pala bag ko kaya lumabas yung mga gamit ko. Pero buti hindi yung Gangster's Stuff. Phew!
Napatingin ako sa kanya, shet! Ang gwapo niya! kinikilig ako. Wahahaha, player girl here!
"Wow, nagbabasa ka pala ng the four bad boy and me? Maganda yan, yun ang sabi. Hindi ko pa yan nabibili kasi sabi ay out of stuck na" sabi niya at napatingin siya sa akin.
"Ah eh, oo ang hirap hanapin niyan. Nabili ko lang yan kanina sa NBS as last stock for the month" sabi ko. Muntikan na akong mautal dun ah.
"Ahy, ganun ba" sabi niya habang papalapit sa akin.
I hear my heart beating, my heart pounding, and I look like i'm melting kung hindi ko lang narinig yung yapak ni iya.
A-ano yung pinagsasasabi ko?
I snapped out of it at napalingon sa gawi ni Iya. Woah! Anong nangyari sa kanya? May away ba? Hahaha, basang basa at andaming spaghetti at fries sa kanya.
Lol, nakakatawa talaga yung itsura niya eh. Hahaha, priceless yung mukha niya kahit poker face pa din.
Ayt, speaking of Iya, may lalaking gwapo pala ang nasa tabi ko. Napalingon agad ako sa kanya.
"Hey, hahaha, i'm sorry for laughing. Hindi ikaw ang tinatawanan ko ah" sabi ko. Nagtaka naman siya.
"Sino?"
"It is my friend over there. Napaaway yata" natatawang sabi ko. Napatawa na din siya nung nakita niya yung itsura ni Iya kahit poker face.
"Sino yun?" takang tanong niya ulit habang nakatingin sa gawi niya.
"Si iya" sabi ko. No whole name! Alam kong mas maganda siya sakin kahit hindi pa siya naaayusan kaya no whole name nalang.
Aba, baka maging crush pa niya si Iya!
"Whole name?" sabi niya.
"Secret nalang muna hahahaha. Basta Iya, short for victoria" sabi ko na lamang at ngumiti.
"Familiar. Hindi naman siya si Victoria Anderson na nerd sa school namin noh?" Tanong niya.
Victoria anderson? Siya yun ahh. Makapag enroll nga dun. Nyahahaha.
"Nope, pero may kilala din akong Victoria Anderson na nerd" sabi ko.
Well, hindi ako sigurado kung si iya talaga yun. Duh! Hindi ko naman alam kung anong ginagawa ni Iya nung nandito pa siya.
"Hey, wanna read this book together? Hindi mo pa naman siguro nababasa noh?" Tanong ko.
"Hindi pa nga, pero sige. Tara" sabi niya.
"Tara sa garden, kaso bili muna tayo ng shake" sabi ko. Tumango naman siya.
"Sige. My treat" sabi niya. Yehey! Gwapo, plus parehas kaming type ang books pero hindi nerd, gentleman pa! Pero player ako, wahahaha. Player din siya. Oh diba? Meant to be. Choss, walang forever!
Date na po ito. Siyempre, joke lang ulit.
"Teka, ano palang name mo?" Tanong niya habang hinihintay namin yung order naming shake.
"Ikaw muna" sabi ko.
"I'm Keifer Gonzales, also known as Kei. You can call me baby. Eh ikaw?" sabi niya. Playboy pala siya haha.
Pero ano daw? Pakiulit? Ang ganda ko naman na. Sabog na yata kagandahan ko para paglaruan ng isang gwapong playboy.
"Cate Zallejo, obviously Cate" sabi ko at napairap nalang mentally.
Bigla naman tinawag yung number namin kaya kinuha niya na yung shakes namin na may kasama pang pizza.
Mas inlove ako sa pizza kaysa sa kanya noh! Pakisabihan na wag siyang feeling, kahit kayo, now that you know.
Keifer's POV
She is something. Hot. Sexy. Parehas na hilig yung story na the four bad boys and me na hindi ko pa nababasa. At halatang mayaman. Not that mukha akong pera ah.
But take note, this is a playboy.
First time ko siyang nakita ngayon, and I bet na hindi ko na rin naman siya makikita the next days. Sulitin na ito!
Nandito nga pala kami sa pinagbibilhan ng shake. Umorder na rin ako ng pizza para sa amin. Kaya naman naghintay kami ng 30-40 minutes.
Naalala ko pala na hindi ko pa alam ang name niya. Shonga ka na gwapo kai! Hindi mo din naman matatandaan yan eh. Di bale na.
"Teka, ano palang name mo?" tanong ko sa kaniya.
"Ikaw muna" sabi niya at ngumiti.
I admit, nakakatunaw yung ngiti niya. Shet lang, nababakla na yata-- no, erase that crap.
"I'm Keifer Gonzeles, also known as Kei. You can call me baby. Eh ikaw?" Tanong ko.
Tinignan ko kung kinikilig siya pero hindi ko siya masyadong mabasa. Parang may nakablock na something eh.
"Catelyn zallejo, obviously Cate" sabi niya.
Zallejo? Ito yata yung kaibigan nung Anderson na may ari ng mall na ito ah. Yung leader ng isang dancing crew. Hindi lang nga ako sure kung siya ito.
Kinuha na namin yung order namin at pumunta sa garden. Sosyal diba? Sa loob ng mall may garden?
Kumain lang kami habang binabasa yung nasa book. Nagkwentuhan lang naman kami at hindi na namin natapos yung story.
Hindi ko na nga napansin na papalapit na pala ako sa kanya para halikan siya, pero boom peyms! Nahalikan ko na siya.
After 3 seconds, bumitaw na kami sa kiss. Napatingin siya sa relo niya.
"Shit, 4:30 na pala?! Anyways, mauuna na ako ahh. May usapan kami ng mga kaibigan ko eh. Thanks for the short kiss anyway" sabi niya at tumayo na.
"Short kiss? So you mean you have kissed someone, and even longer?" Tanong ko ng may pagtataka.
"Yes I have kissed a lot of boys, and yes they are longer. What? I am not a nerd after all, I just love reading books. And don't think too much, cause I have never fallen for you, and never will" sabi niya habang nakangisi at umalis.
Wow, playgirl?
Hindi ko masyadong napansin yun ah. Nahh, hindi ko naman na din makikita yun. At never akong maiinlove dun noh.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...