P87- Elijah Caamore

2.5K 62 3
                                    

Jeydon's POV

Lumapit kami papunta kay red. Mukhang di niya kami napansin. May pinaguusapan silang di namin alam. "Ah. Nga pala, wala naman siyang sinasabing next move niya. Kailangan mo diyan si kei. Mas close sila sa amin"

"Sigurado ka jan? Sino yun?" tanong naman nung babaeng kasama niya. Napakunot ako ng noo, si kei close kay? sino naman yun? at anong next move?

Napatingin ako bigla kay kei. Nakita kong nakakunot ang noo niya at napaisip. Pero mukhang may naisip siya tapos bigla nalang siyang umalis. Ano bang meron?

"Kaibigan ko daw. Kaibigan din daw ni tory. May alam na siya sa mga nangyayari. Yun ang sabi" sabi naman ni jared. Bigla namang inakbayan ni karl si red, "Uy red, kanina ka pa namin hinahana-- At sino naman itong magandang dalagang ito?"

"O, bakit?" tanong ni red.

Kinuha ni karl ang kamay nung babae saka niya hinalikan ito, "Magandang hapon binibini. Ako si Karl, ang iyong gwapong prinsipe. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?"

Nakita ko naman ang reaksyon nung babae. Napairap siya nang mabilis pero ngumiti din, "ako si e--

"Dude wag girlfriend ko" sabi naman ni red. Nagtaka kaming lahat. Girlfriend? Bago ito ah. "Since when?" tanong ko.

"Matag- ahem.... kahapon lang" sabi niya. Hmm? Weird. "So wala kang balak na ipaintroduce ang girlfriend mo sa amin?" sabi naman ni Darren na parang walang gana.

Napatingin ako dun sa babae at parang iba ang tingin niya sa akin. Sinusuri niya ako ng maigi saka napasmirk. Umiwas nalang ako ng tingin. One thing I know is that I know I won't like her.

"Hi! Ako si elijah caamore. You guys can call me eli" she said as she stares straight right at me and smiled.

Pinakilala lang kami ni red sa kanya isa isa at umalis na agad ako dun. I don't really like her.

I think I just need some time to clear my mind off of things.

Tory's POV

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko pero napahinto nalang ako sa tapat ng isang puno. Tinanggal ko na muna ang aking cover up at tinago sa loob ng drawer ng sasakyan ko.

Nasa itaas na pala ako ng isang bundok namin. At nandito ako ngayon sa isang cliff na tinatawag na sightcliff. Dahil dito, dito mo makikita ang kabuuan ng city namin.

An alam ko ay nakapunta na ako dito noon kasama ang isang lalaki. Pero nakalimutan ko na kung sino. Si rickrick siguro. Pero di ko na talaga matandaan. Basta dito ako nakaranas ng unang halik sa pisnge, unang yakap, at unang pagiyak sa harap ng taong hindi ko kakilala.

Humiga nalang ako sa puno na iyon saka pinikit ang aking mata. Ilang saglit ang lumipas at may nagtext sa akin. Si kei. "Hey tory, I think we need to talk. Something weird is happening at school lately. Some girl and jared."

"K. Meet me at my house. 5 p.m. We'll talk about that. Skip class" reply ko sa kanya. Nagvibrate ulet phone ko. Siya lang naman na nagsabi ng okay kaya naman ay natulog muna ako.

Ilang oras na naman ang lumipas ng may nagdistorbo sa pagtulog ko. Ilang beses pa ba?!

Naramdaman ko siyang papalapit sa akin at bahagyang napahinto. Pinakiramdam ko muna ang kanyang presensiya at si jeydon ito. Minulat ko ang mata ko habang nakatingin sa city, "what do you need?"

"Oh hi... I thought that it wasn't you. Sorry for disturbing" sabi niya. Nagsalita naman ako na parehas namin ikinagulat, "no, that's fine. You can stay here if you want. Don't be afraid or be shy"

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon