Chapter 10

6.5K 175 0
                                    

Chapter 10: Fire prank

______________________________________

Victoria's POV

Nagising ako dahil sa bwisit na tumutunog kong cellphone. Kinapa kapa ko kung nasaan sa lamesa yung phone ko at sinagot yung tawag.

"Tory? Ok ka lang? Second day mo palang, absent ka na" sabi ni blair sa kabilang linya. Well, halata na sa boses eh.

Napaupo ako sa higaan at 10 na pala ng umaga. Hmm... Absent nga ako.

"Ok ka lang ba?" Tanong niya.

"Migraine, I think" sabi ko.

Masakit talaga kasi yung ulo ko. Siguro dahil sa paginom namin kagabi.

"Ay, hindi ka nagsasama. Uminom ka kagabi?" Tanong niya.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Tumayo ako at pumunta sa bathroom.

"Dapat sinama mo ako eh!" reklamo niya na parang bata. Tss.

"Bawal. Teacher ka" sabi ko at hinugasan ko yung mukha ko. Niloud speaker ko nalang muna.

"Tss, oo na. Eh at least pwede naman akong uminom. Kahit konti lang" sabi naman niya.

"Edi may sakit ka pa din niyan. Tss, isip isip din. Kain na ako" sabi ko at inend yung call.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Nadatnan ko naman na andun na yung mga katulong nagluluto. Nakaupo naman si george sa upuan. Nakita nila ako kaya tumayo agad si george.

"Okay ka na po ba princess? Masakit pa po ba ulo niyo?" Tanong niya.

Di ba halata? Nakahawak na nga ako sa ulo ko, tapos tatanungin niya pa ako ng ganyan? Shonga lang?

Binigyan niya ako ng gamot at tubig at pinaupo niya ako. Ininom ko naman agad ito. Kakain na din sana ako nang naalala kong may kasama pa ako dito at bukas na ang flight nila.

Oh well, prank mode on.

"George, kuha ka ng smoke at usukan mo kung nasaan man yung dalawang itlog. Magkasama naman siguro sila nung inakyat mo kami noh?" Tanong ko. Tumango naman siya.

Good. Bwahahaha.

"Good. Maglagay ka ng usok dun at dumiretso ka na agad dito, baka ikaw pa sisihin" sabi ko.

Tumango naman siya at umalis na. Ilang minuto ang dumaan at bumalik na siya.

"Done, princess" sabi niya sa akin. Tinanguan ko nalang siya.

Tumayo na ako at dinial ko yung cellphone ni Seth. Buti naman at sinagot niya ito.

"Hello?" Tanong niya.

Oh well, I ain't an actress for nothing.

"Seth? Asan kayo?" Problemadong tanong ko.

Gaya ng sabi ko, I ain't an actress for nothing. Useful din naman pala ito kahit papaano.

"Uhm... Nasa kwarto. Bakit?" Tanong niya.

Halata pang masakit ang ulo niya. Haha, perfect timing. Hindi niya maiisip na prank lang ito ulet.

"Halla, hindi pa kayo nakalabas diyan?! Kalaki na ng sunog na galing sa kusina! Lahat ay nakalabas na! Lumabas na kayo jan ni Jayce! Dali! Andito na kami sa tapat ng bahay" sabi ko. Problemadong problemado.

Bigla naman nagreact, "halla! Jayce gising! May sunog!-- ha? Sunog? Sunog! Halla, paano nagkaroon ng ganyan?-- malay ko! Alis na tayo dito! Anlakas na ng usok!--- ayokong iwan yung mga damit ko sa kwarto ko!--- Jayce, nasunog na yun kanina pa! Anlakas na nga daw ng sunog! Nasa labas na si hime!--- ha? Osige. Bilis! Labas na tayo sa pintuan. May fire exit naman diyan"

See? OA na yang dalawang yan. Ganyan din sila dati nung gumawa din ako ng prank para sa kanila.

Narinig ko namang binuksan nila yung pintuan, siguro nalaman nilang fake smoke lang yun. Wahahahaha!

"Sam! Hindi nakakata---" sabi ni seth at inend ko yung call. Psh, lame.

"Samantha, hindi nakaka--ouch! Migraine!" Sabi ni Jayce at Seth. As in sabay na sabay din.

Ang kambal naman talaga, nagkakasabay sila ng sasabihin tapos parehas na parehas pa yung sasabihin.

"Alam ko. Walang sunog diba? Paano kayo masaskatan? Migraine? Lasing kasi kayo kagabi" sabi ko habang nakahawak sila sa ulo nila.

Binigyan ko naman silang gamot at ininom din nila agad. Sabay sabay na kaming kumain.

"So, papasok ka?" Tanong ni seth. Umiling ako, "Nakakatamad pa"

"Malling tayo?" Sabi ni Seth. Dinaig pa ako nito kaya inirapan ko siya.

"Mas babae ka pa sakin ah" sabi ko sa kaniya in a bored tone.

Inirapan din naman niya ako, "Mas maganda naman ako sayo"

Bakla ba siya?

Binatukan naman siya ni jayce.

"Tigil tigilan mo nga yan" sabi niya.Naiinis kasi yan sa mga bakla eh. Bakit? Enjoy nga silang kasama. Ewan ko kung bakit ayaw niyan. Siguro dahil kay Nica haha.

"Please? Bonding nalang natin before na magkakahiwalay tayo" sabi niya.

At dahil bukas naman na pala flight nila, tumango nalang ako. Enjoyment is written all over his face.

Pumanik na ako sa kwarto ko at naligo. At dahil nabasa buong katawan ko dahil nga naligo ako ay bumalik na sa dati yung kulay ng buhok ko at nawala na yung magic cream. Sinuot ko lang naman yung pants, cultured shirt, at jacket na ni-wrap ko sa waist ko. Sinuot ko din yung locket ko, dahil lagi itong nakasuot sa akin. Nagsuot ulit ako ng boots na below the knee nalang at cap.

Bumaba ako nang may biglang tumawag kaya sinagot ko naman ito without looking kung sino.

"Hey, sam! Kamusta na diyan? Masaya? Bilhan mo ko ng candies!" Tanong ni tanda.

Yep, si tanda itong kausap ko. No other than him. Halata naman sa boses na punong puno ng kakulitan.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Ah, right! About that. Kailangan si George sa organization kaya kailangan niya na ding bumalik dito bukas" sabi niya.

Ay, wala pang one week eh!

"Sige. Sabihin ko mamaya" at inend ko yung call.

"George!" Tawag ko habang nakaupo ako sa couch at nakataas ang paa.

"Yes, princess?" Tanong niya pagkadating niya.

"It's your day off. Visit your family here. Sabi ni tanda, babalik ka daw bukas. Kailangan ka sa organization" sabi ko.

May good side naman ako gaya ng sabi ko sa inyo nun. Yun nga lang, kung close ka lang sa akin, dun mo lang makikita ang good side kong yun.

"Thank you princess" sabi niya at nag-bow. Umalis na din naman siya.

What? May kotse naman siya na binigay sa kanya. 10 cars. 4 na galing sakin na nandun sa america, at 6 na andito. 3 from daddy and same as with mommy. Hays, speaking of them, I miss them so much!

"Oh, look what do we have here. You and Seth thought that girls need time. Well, I guess boys need them more" sabi ko at napasmirk nung nakita ko silang pababa na.

Lumabas na ako at ginamit namin si dark. Katamad kayang mag-drive lalo na kapag ganito ang sitwasyon mo. May sakit ako. Sakit ng katamaran. Oh diba? Lalo na sa pagaaral, diyan nakukuha yan.

Pinark ko ito sa parking lot at bumaba na. As always, all eyes on me. Ang ganda ko talaga!

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon