P69- Oh Mr. Genius

3.1K 77 1
                                    

------------------------------

Jeydon's POV

Bwisit. Anong problema nung pilot at ganun ang landing? Masusuka yata ako eh.

"Anong klaseng pilot ang meron ngayon? Bakit ganun mag-landing?" Reklamo ni darren at Karl. Sumingit naman si kei na hawak hawak ang ulo, "mga shonga talaga kayo eh noh? Yung pilot, kanina pa nandun sa likod nakaupo kasama yung mga flight attendant"

"Edi sino nag-patakbo?" Tanong ni calvin. We just shrugged.

"Teka nga, asan na yung mga girls?" Tanong ni kei. Tinignan naman namin paligid namin at wala sila. Pero nakita na rin namin sila na pababa na. Nauna pa nga si anne kasunod si red eh. Hmm, may code red yata?

"Naks naman, red?" Salubong ni kei. Di nalang siya pinansin ni red saka dumiretso sa amin. Problema nito?

"Ow? Bakit parang may kulang?" Tanong naman ni calvin. Oo nga noh? "Asan si nerd/tory?" Sabay na tanong namin ni calvin.

"Kung di naman atat, malay ko. Nag-iba yata ng eroplano sa kaingayan ninyong dalawa" sabi ni anne saka inirapan kami. May saltik ba ito sa ulo at pati ako ay iniirapan na?

"Seryoso, asan siya?" Tanong ko. They just shrugged.

"Ir---"

"Irish! Girls! Si tory? Asan siya?" Tanong ni joshua na kadadating lang. May dalang flowers, chocolates, and teddy bear?

Lumapit ako sa kanya, "what the hell are those?"

"Stuffs para ibigay sa mga nililigawan" sabi niya. Umiinit ulo ko dito sa lalaking ito ah. Bigla ko siyang sinuntok, "huwag kang feeling. Hindi mo naman nililigawan si nerd noh?"

"Si nerd? You mean si tory? Oo, siya nga. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ako napasabay sa lunch niyo nung nasa southern isle ako?" Tanong niya habang nakangisi.

"Bwisit kang hayop ka! Sino ka sa tingin mo para manligaw kay tory ng ganun?!" Galit na sabi ko.

"Guys,.... Whoo.... Stop muna. Hoo...... Stop it. *gulps* teka. Whooo.... Okay na. May pinuntahan lang daw muna siya..." Sabi ni jansen na kadadating lang.

Hingal na hingal, ang gulo ng buhok. Mukhang tinakbo ang amazona eh. Tapos may pasa din?

"Jansen? Saan ka galing at puro pasa ka? Ang dungis mo pa" sabi ni calvin. Lumapit naman sa kanya si jarred at may binulong. Anong meron sa dalawang ito?

Tinanguan nalang siya ni jansen saka humarap sa amin, "bye guys. We need to go" sabi niya saka umalis kasama si jarred at ibang babae. "Hmm, chicks ba lahat ni jarred yun?" Tanong ni karl.

"Hoy, hindi ah!" Sabat ni kei saka dumiretso na sa van.

"Anong meron sa kanya?" Tanong ni darren. We just shrugged. "I wonder kung bakit sila magkakasama at hindi sa van sumabay?" Tanong naman ni karl.

"Uhm... Sige. Una na ako. Mukhang nauna na rin yatang umuwi si tory. Bye" sabi ni joshua. Tss...... ~.~

"Ambilis naman ni tory at inunahan tayo" sabi nila at sumakay na din sa van. Hmm, ano kayang meron sa nerd na yun at naunahan pa kaming umuwi?

Victoria's POV

Booooom!

Nasalo ko din naman agad si jansen bago pa sumabog yung sasakyan niya. Sabi ko kasi sa kanya na ipush niya yung eject button.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon