Chapter 42: Joshua's courting
______________________________________
Victoria's POV
Sumakay na ako sa kotse kong si Dark at sinabay ko na yung mga kaibigan kong babae.
Sorry Calvin, hindi mo pa pwedeng malaman...
"Kain muna tayo. 12:20 na oh!" Sabi ni Yra. Tumango ako at tinawagan si Amie. Sinagot naman agad niya ito.
"Hello po?" pambungad niyang tanong.
"Amie, tanungin mo nga kung saan gusto ng mga estudyante. Malayo layo pa ang byahe at lunch time na" sabi ko.
"Uhm.... Pinapatanong po ni Victoria kung saan po ninyo gustong kumain at sabay sabay na daw po tayo kakain" sabi niya. Narinig ko naman na nag-suggest sila ng madami hanggang sa naging isa nalang.
"Ma'am Ander- ehem, Victoria, sa Max nalang daw po" sabi niya.
"Ah, sige. Itrack mo kotse ko at sundan niyo ako" sabi ko sabay end ng call. Nagmaneho na ako at inopen yung GPS ko, manually. Hindi pa nila pwedeng malamang upgraded ito eh.
Nakarating din naman agad kami sa Max at nagsibabaan naman agad sila. Pinark ko nalang yung kotse ko sa may ilalim ng puno. Lumabas naman agad ako at pumunta sa loob ng max.
"Yes ma'am, meron po ba kayong reservation?" tanong sa akin ng isnag lalaking waiter.
"None. Papa-reserve ako for this day na rin gagamitin" sabi ko. Tinanggal ko salamin ko.
"Reservation for Samantha Anderson. Isang buong room. And then mag-serve kayo ng madaming kanin, good for 40 persons. Then 12 different dishes, good for 40 persons din"
"Sige po Ms. Anderson. Sasabihin ko nalang po sa staff" sabi niya saka nagbow at umalis na. Sinuot ko naman agad salamin ko at lumabas na. Ilang saglit lang ay dumating na yung bus na sinasakyan nila. Bumaba na rin naman agad sila dahil sa gutom na sila.
"Leader, libre niyo?" Ngiting tanong nung isa naming kasama. Tumango nalang ako at pumasok na ako.
Naghiyawan naman sila at sumunod din.6 persons per table kaya magkakasama kaming babae. Kasama naman ni Calvin yung phantom dahil close naman si Calvin, Darren, Kei, at Karl.
May nag-text naman sakin habang sineserve yung pagkain kaya nag-excuse naman ako. Tumayo ako at lumabas na.
"Pwede ka bang lumabas tory? May gusto sana akong sabihin sayo" sabi sa text ng unregistered number.
Nang makalabas ako ay napansin ko si Joshua na nasa labas. Joshua na bagong kaklase namin, Joshua Michael. Nilapitan ko siya.
"Josh? Bakit ka nandito? Osiya,tutal andito ka na din naman pumasok ka na din sa loob. Sineserve na yung pagkain. Tar--" sabi ko at hinila ko siya papasok kaso hinila niya ako papunta sa kanya kaya napayakap ako sa kanya.
Aalisin ko sana pagyakap ko sa kanya kaso nagsalita siya.
"Saglit. Huwag ka munang aalis sa yakap. Ako nagtext sayo at may gusto akong sabihin" sabi niya kaya naman hinayaan ko nalang siyang nakayakap sa akin.
"Naaalala mo yung mga letters na nakikita mo sa locker mo at yung flowers na ipinapadala ko sa bahay mo? A-ako lahat na-nagpad-dala n-ng mga y-yun...." sabi niya. totoo sinasabi niya. Paguwi ko, may nakikita akong flowers kaya pinapasok ko kaagad yun. Pati din yung love letters, iniiwan ko sa locker. Nakatago sa isang box.
"Sa totoo lang, nakakahiya mang amin pero sasabihin ko na lahat ng gusto kong sabihin. Uhm.... Nung first day namin, sayo agad napunta yung paningin ko. Ewan ko ba, pero kahit na nerd ka, nagustuhan kita. Uhm... I-i l-like you, t-tory. No, I think I l-love you" sabi niya. Nagulat naman ako dun, hindi ko naman kasi inaakala na ganun na pala nararamdaman niya sakin.
"P-pwede ba a-kong m-manl-ligaw?" Tanong niya at humiwalay sa yakap. Binigay niya agad yung rose sakin habang nakayuko. Kinuha ko naman agad ito at ngumiti, "Pwede naman"
Pwedeng manligaw, but that doesn't mean na kami na. That doesn't mean na sasagutin ko din siya ng oo balang araw.
"T-talaga?" Tanong niya. Ma-effort ang tao kaya tumango ako. Yinakap niya naman agad ako pero di naman ako yumakap pabalik.
"Salamat asdfghjkl" bulong niya pero hindi ko na narinig yung iba niyang sinabi.
Humiwalay na siya sa yakap at hinila na ako na may ngiti sa labi.
"Tara, kain na tayo" sabi ko. Oh well, sulitin na. I know everything. Kaya enjoy nalang muna.
Pumasok na kami sa room at madaming napatingin sa amin na gulat pero kumain nalang sila ulit. Uso kasi yung mind your own bussiness.
Kumain nalang kami at umalis na din kami agad. Chineck ko kung kumpleto na sila at ayos naman na. Sumakay na agad kami kay Dark at pumunta sa starbucks. Well, maliban kay Joshua. Dahil hindi naman siya kasama sa players.
"Ano sa inyo?" Tanong ni Anne.
"Frappe nalang lahat" sabi naman ni Irish. Tumango naman si Anne, "osige, frappe nalang Iya"
"Strawberry shake sakin" sabi ko. Tinanguan naman ako ni Jansen.
"Ganun na din sa akin" sabi ni Jensen. Pumunta ako sa counter at inorder na. Iseserve nalang daw kaya bumalik na ako sa upuan ko. Naguusap naman sila.
"Guys, alam niyo na yung balita?" Tanong ni Yra.
"Hindi kami nanunuod ng news" sagot naman ni Anne. Inirapan siya ni Yra, "About GW or Gangster World"
Napalingon naman silang lahat sa kanya maliban sakin. Like duh, wala akong pakialam dun sa ngayon.
"Anong meron?" tanong ni Irish na halatang hindi updated.
"May nakapag-open na ng account ng tunay na Gangster Princess" sabi niya. Nagulat naman sila, "Nabuksan na ng Gangster Princess account niya? So, bumalik na alaala niya?"
"Apparently, no. Hindi si Gangster Princess ang nakapagbukas. Account talaga iyon ng gangster princess, pero nagwa-warning siya na magkakaroon ng laban. Binabalalaan niya yung princess at queen ngayon, pati yung Spent's Territory at saka yung Skelenials yata"
"Teka, so totoo yun? Ang sabi ay naghihiganti daw si Deadly Viper sa kanila" sabi naman ni Ynah. Sumingit naman si anne, "Kilala niyo ba si reaper?"
Umiling naman sila, "Ang sabi ay si Reaper ay ang pinaka the best in killing. Red ang mata kapag over na ang galit, pink kapag galit at grey yata kapag normal lang. Tignan mo mata niya at parang wala kang buhay kapag grey eh. Tapos sabi ay iisa lang si Reaper at Deadly Viper"
Bigla naman silang napatingin sa akin.
"Totoo yun? Ikaw at ang Reaper ay iisa at naghihiganti sa GW at Spent's Territory?" Tanong nila sa akin. Wala namang kaalam alam si Jansen dito kaya nananahimik siya.
"No. Pero may alam akong katotohan" sabi ko. Nanlaki naman mata nila at kinulit ako kung ano daw yun.
"Si Deadly Viper at Reaper ay magkaiba. Parang clone ko dahil parehas kaming malakas at halos parehas na talaga kami ng itsura. Nagkaroon ng away yung royalties ngayon. At mahabang storya pa" sabi ko na lamang.
"Paano mo nalaman at paano ka naman nakasigurado?" Sabi ni Ynah habang nakakunot ang noo.
"Three sentences. I was there. I saw it. I know everything" sabi ko. Magtatanong pa sana sila ng binigay na yung order namin. Lumabas na kami at sumakay na sa sasakyan ko.
"Gets ko na. Ikaw yun and you're covering yourself up" bulong sa akin ni Jansen. Napangisi na lamang ako sa sinabi niya.
"Talino ah" sabi ko sabay tawa ng mahina. Inistart ko na yung engine ni Dark at bumyahe na kami ng mabilis papunta sa ASH.
"Shet, racer ka pala!" oa na sabi nila. Tss, ngayon lang nila naalala.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Acción[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...