Chapter 45

3.7K 98 2
                                    

Chapter 45: A Game of Truth or Dare PART 2

______________________________________

Yra's POV

"Well, someone like you"

Yan sana ang gusto kong isagot kaso ayokong pagtripan nila ako, baka masaktan pa puso ko.

"Huy, ano na?" Tanong sakin ni Ynah.

"Well, yung sweet and caring. Tapos mabait din at gentleman. Then gwapo. At may confidence sa sarili, pero hindi yung confidence na kasing taas mo" sabi ko kay Darren sabay irap.

"Wahahaha, boom panis ka insan!" Sabi ni Karl sabay akbay kay Darren. Binatukan naman siya neto.

"Tss, daldal mo. Manahimik ka nga" naasar na sabi naman ni Darren na mukhang nawala sa mood.

"Okay, next na!" Sigaw ni Roanne. Pinagpasahan namin yung stick at napunta kay Anne.

"Kapag tinadhana nga naman, oo" pagpaparinig ko. Inirapan nalang naman niya ako.

"Roanne, truth or dare?" mabait akong bata kaya nagtanong muna ako.

"Truth, malamang" sabi niya. Napaisip naman ako ng tanong. Nang may naisip na ako, binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti na kaniyang ikinabahala.

"O-oy, parang ayoko na yata ah. Yang ganyang ngiti mo, nakakakilabot" sabi niya habang nakakunot ang noo sa akin.

"Anne, nung pumasok ako sa kwarto mo para gisingin ka, may nakita akong poem sa table mo. Para kanino yun?" Tanong ko. Nanlaki naman mata niya, "W-what did you just say? P-poem?"

"Yep. Hehehe, wala kang takas ngayon" sabi ko habang nakangisi.

"Para kay Iya yun! Tama, kay Iya!" Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay, "Kay Iya? Eh bakit may boy pang nakalagay dun at mukhang love poem. Your blon--"

"Manahimik! Bulong ko nalang sayo" sabi niya naman at napabuntong hininga.

"Wala! Sabihin na yan. Walang madaya!" Sigaw ni Jarred. Namula naman si Anne.

"Ah, hahaha. Wag na pala yung tanong na yun. Mukhang kilala ko na" sabi ko at tumawa ulit. Nakakahiya naman eh.

Binulong ko kay Roanne kung si Jarred nga ba, ayun parang naparalyze. Sabi na eh haha. Ang galing ko, nyeta!

"Uhm... Ano,.... Next na. Alam naman na niya yung sagot" sabi ni Anne at ngumingiti ngiti pa.

"Yes naman, may kinikilig!" Pagpaparinig ko habang tumatawa.

"Tss, anywayas game na" sabi niya. Pinagpasahan namin yung stick at napunta sa meant to be niya.

"May nagkakainlovan sa ganyan" pagpaparinig ko. Mukhang nagets ni Ynah, "oo nga. Hahaha, gets ko na pala kung sino"

"Huh? Sino?" Tanong ni Calvin. Binelatan lang siya ni Ynah at tumawa. Shonga yata itong kambal ko.

"So, uhm.... Jared or Red.... Uhm. Kung may nagugustuhan ka sa barkada, sino yun at bakit? Bawal wala" sabi ni Roanne. Yes naman, para-paraan ang bata.

"Si Tory. Kasi maganda siya kahit nasa nerd look siya. Nakatago yung kagandahan niya. Tapos mabait siya, walang arte, may pagkacold nga lang, mataray, at ipinapakita niya yung tunay na siya" mahabang sagot niya.

"Weh? Tss. Pft.... Di ko kayang hindi tawanan. Hahahaha" sabi ko at sinubukan kong pigilan tawa ko. Pero di ko nakayanan kaya tinawanan pa namin siya lalo.

"Anong meron?" Tanong niya. Umiling nalang kami at sinubukang pigilan ulit yung tawa. Pero napatawa ulit ako.

"Tss, boom peyns ka din Roanne. Pft.... Hahaha" sabi ko. Napatawa naman si Ynah, sumunod si Jansen at si Irish.

Nagpoker face lang si Anne, "Tss, next na!"

"Sungit naman ng isa diyan" pagpaparinig ni Irish. Pinagpasahan na namin yung stick at napunta ito kay Jansen.

"Jansen. Uhm.... Wala akong alam patungkol sa iyo ah. Pero... Paano kayo naging close ni Tory?" tanong niya ng may pagkakaalinlangan. Oo nga pala, paano sila naging close?

"Well, nung una ay naiinis siya sa akin. Pero kinulit ko lang siya ng kinulit hanggang sa magkasama na kami araw araw sa break, lunch, at uwian. Na pati sa hospital ay pinuntahan niya ako bilang totoong siya. Hindi na namin napansin kung kailan pero yun yung story namin" sabi niya.

Weird.

"Hospital? As in real hospital na white rooms with nurse and doctors?" Tanong ko. Tumango naman siya, "Bakit? May problema ba?"

Nagkatinginan kaming apat. Well, it is not our phobia to say. She has a phobia of hospitals too for an unknown reason. Kaya ang resulta, umiling nalang ako. I think she is trying to forget her phobia by fighting it.

"Calvin, tatanungin ka ni Jansen. Unfair naman kung ikaw ay hindi matatawag diba?" Sabi ni Kei na may nakakalokong ngisi.

"Oo na. Ano tanong mo Jansen?" sabi niya at napatingin kay Jansen.

"Uhm... Madali nalang dahil hindi tayo ganung kaclose. Magkwento ka patunkol sa childhood mo. Ano bang meron nun?" Tanong niya at talagang nakikinig si Jansen sa kwento niya. May gusto ba ito kay Calvin?

"Well, may childhood friend akong si Andie. Tawag ko yun sa kanya, tawag niya naman sa akin ay Rickie, Rick, at minsan ay Ri---"

"Rickrick" sabi ng isang babae. Napatingin kami sa likod namin.

"Nandito ka na pala Tory" sabi ni Karl. Nakakgulat naman siya. Akala namin kung napano na.

"Yeah, uhm... Kararating lang" sabi niya. Napakunot naman ng noo si Irish, "Okay ka lang ba?"

Tumango naman si Iya, "Yeah.Nahihilo lang"

Lumapit sa kanya si Irish at inalalayan.

"T-teka, uminom ka ba ng alak?!" tanong niya. Tumango naman si Iya.

"Ilan ang nainom mo?" Tanong ni Irish at nakakunot pa rin yung noo niya.

"Isang baso lang naman" sagot niya. Napailing naman si Irish, "no way. High tolerance ka. Impossibleng ganun lang kaonti ang nainom mo at nahilo ka na agad"

"Isang baso. At tsaka mga apat lang naman na bote" sabi niya. Inalalayan na siya ni Irish umupo.

"Shonga. Bakit ka ba nagpapakalasing?" sabi niya pero natahimik naman siya.

"Grabe. Di ko akalaing madadaigan pa ako ng babae sa alcoholic drinks" sabi ni Karl at nagkamot sa batok.

May lumapit naman sa amin na lalaki, "Eto na po yung order niyo"

Binaba yung case. May nakita naman kaming limang bote ng alak at tsaka 12 na baso. Umalis din naman agad siya.

"Yes! Inuman na!" Sabi ni Kei. Nauna naman sila sa pagkuha sumunod naman kami. Pero may nakadaig pa din sa amin. Kinuha agad ni iya yung isang bote at diniretso sa paginom.

"Tory, dahan dahan lang" suway ni Jeydon pero hindi siya pinakinggan.

Naubos na ni Tory yung isang bote at nahilo na talaga siya. Sinalo naman agad siya ni Jeydon bago matumba.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jeydon. Tumango naman si Tory nang nakapikit.

Ilang saglit ay minulat niya na mata niya. Parang nanlalabo na yata paningin niya eh.

"Okay ka na ba?" Tanong naman ni Calvin pero parang walang naririnig si Tory kaya sinigawan na namin pero wala pa din. May sarili yatang mundo.

Tinaas niya kamay niya at hinawakan ang pisngi ni Jeydon. At lahat kami nagulat bigla sa sumunod niyang ginawa.

HINALIKAN NIYA LANG NAMAN SI JEYDON SA LABI!

Bumitaw naman na si Tory sa halik.
Nope, hindi pala siya bumitaw. Nakatulog lang pala.

Shit, ano bang nangyari kay Iya?!

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon