"I love you"
"Don't leave me, please..."
Bigla naman akong napaupo at nakita ko kaagad ang aking sarili sa salamin na kaharap ko. Napahilamos naman ako ng mukha at bumalik sa pagkakahiga.
3 years na magmula nung huling pagkamatay ng mga mahal ko sa buhay. Hanggang ngayon kabado pa rin ako dahil hanggang ngayon hindi ko alam kung sino ang pumapatay at kung sino ang isusunod.
Napatingin naman ako sa kabuuan ng kwarto ko. Right, nasa Pilipinas pala ako. I got back home awhile ago.
Umupo naman ako at napatingin sa orasan. I just slept for less than an hour yet my dream felt so surreal.
Napatingin naman ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Pagod man, kinuha ko ang phone ko at sinagot ko ito.
"Samantha" sambit ng isang lalaki sa kabilang linya. Napataas naman ang kilay ko.
"Ninong?" takang sambit ko. His voice is familiar. And as far as I can remember, ganiyan din ang boses ni ninong when I last met him.
"I never thought that you'll be awake at this time since you've just arrived. Naistorbo ba kita sa pagtulog?" kalmadong tanong niya.
"Nah. Can't sleep ninong" sambit ko habang kinukuha ang slippers ko.
"Kung ganun, mamaya ang schedule mo. Around 10:30" sambit niya. Schedule? Ah right.
"About that ninong. Contact lens right?" tanong ko at napatingin sa salamin dito sa cr. Those eyes.
"Yes, no worries dear" sambit niya.
"I'll be coming at exactly 10:30" sambit ko naman.
"Eric's gonna pick you up since nandito naman siya ngayon sa Pilipinas" sabi niya kaya napakunot naman ang noo ko. Eric? Yung anak niya?
"I'll send his number para siya ang i-contact mo mamaya. Medyo busy pa" sabi niya. Binaba ko naman ang phone call after at naligo na.
---
Dumiretso ako sa ASM after. ASM meaning AnderSon's Mall. One of the huge mall in the Philippines na pagmamay-ari namin.
Since may isang oras pa naman bago ang schedule ko, I decided to take a look around.
"Good morning miss Anderson" biglang bati ng head ng security ng mall ko. Tinanguan ko lang naman siya at dire diretsong pumasok sa office.
"Miss Anderson, what a pleasant surprise" bati ng secretary ko habang may hawak hawak na listahan yata.
"How are things going on here?" sabi ko bago kami pumasok ng office. Nagsialisan naman ang lahat ng nasa loob.
"Well, everything's going smoothly. Though nagkaroon po ng fire accident last month, nacover naman po financially. For now, wala naman pong problema" sabi niya. Naupo naman ako sa upuan.
It's been almost 3 years since nandito ako. The last thing I remember about this place was mom sitting on this very chair while planning to expand this mall at ako na nakaupo sa couch habang nilelecture niya sakin ang plano niya for this mall.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...