Chapter 21: Difference between Tomboy and Boyish
______________________________________
Ynah's POV
As my best friends all know, pupunta ako sa department store. Well.... Tama sila. Tumingin ako ng sapatos at caps dito pati bowlers.
Inuna ko yung shoes at may nakita akong 6 pairs na nagustuhan ko kaya nilagay ko agad sa cart nung natapos na nilang isukat sa paa ko. Sinunod ko yung bowler at may nagustuhan akong 8, kaya naman eh nilagay ko rin sa cart ko.
Pumunta naman ako sa cap section at tumingin ng caps. May nagustuhan akong apat at nilagay din iyon sa cart ko. May nakita naman akong isa pa kaya agad kong pinuntahan iyon at tumingin sa salamin.
"Pwede na!" Sabi ko.
"Pft, lalaki ka ba?" Sabi nung isang lalaki na malapit at nakatingin sa akin. Tumingin naman ako sa kanya.
"Di ba halata?" Iritadong tanong ko.
Tumingin siya sa cart ko then sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Tomboy" sabi niya at tumawa. What the fuck?! Sino ba siya?
"Hindi ako tomboy! Boyish ako!" Depensa ko. Tumawa naman siya na parang wala ng bukas.
"Sige lang, tawa pa. Malagutan ka sana ng hininga. Tss" sabi ko at umalis na.
Dumiretso ako sa counter at binayaran ang lahat ng iyon. Kilala naman nila ako eh.
"Can you take it near the 3'rd floor parking lot. I'll get it there later" sabi ko. Tumango naman sila at tinandaan ko pangalan nila.
Jimmy Andrews, Nicole Bondoc, Lesther Rennards. Oh diba?
Lagot sakin mga yun kapag wala dun mamaya. Pumunta naman ako sa toby's sports at naningin ng mga sapatos.
"Tomboy ka talaga" sabi nung lalaki at tumawa ulit. Siya yung kanina ahh!
"Palibhasa, bakla ka. Boyish nga lang ako!" inis na sabi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Ako? Bakla? Ew, bakit naman ako bakla? Sa muscles kong ito?" Sabi niya at pinakita niya yung muscles niya.
Ah, so ayaw niyang tinatawag siyang bakla huh? *smirks*
"Wow, andaming taba ah" sabi ko at tumawa. Umalis na ako dun at tawa pa din ng tawa. Nawalan ako ng gana eh.
Hindi naman kasi ako tomboy, boyish ako! Boyish! Alam ba nila ang pinagkaiba ng dalawang iyon? Tss.
Diba magkaiba naman ang dalawang iyon? T.T
Pumasok ako sa pizza hut at nag-order ng dalawang slice ng pizza. Eh bakit ba? Gusto ko sa loob eh. Kilala na din naman nila ako bilang kaibigan ni Samantha.
Tss, mas sanay akong Victoria pangalan niya. Samantha lang ang alam ng lahat eh. Kapamilya at kaibigan niya lang nakakaalam ng Victoria.
"Yow, excuse me miss, makikiupo lang" sabi ng isang lalaki at umupo sa tapat ng upuan ko. I mean, tapat ko pala. Teka, ito yung bakla ah?
Tss, makaasar wagas eh. Akala niya papatalo ako? Hindi ah!
"Oh, ikaw pala, bakla. What brought you here?" Inosenteng tanong ko. Binigyan niya ako ng glare.
"Bawal bang mag-introduce formally?" inis na sabi niya.
"Bawal. Depende naman. May gusto ka sakin noh?" Pangaasar ko.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Боевик[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...