Jayce's POV
"Ano? Meron ka bang koneksyon sa kanila at sa mundong iyon?!" Sigaw ni shin sa akin.
Umupo nalang muna ako sa couch namin at nagsalita sa kalmadong paraan, "Apparently ay parehas tayong tatlo na may koneksyon dun. Isang malaking koneksyon"
"J-jayce? So t-totoo ngang g-gangsters tayo noon?" Tanong sa akin ni ni shin. Napabuntong hininga na lamang ako, "Iyang tanong na iyan ay hindi ko masasagot dahil hindi ko pa tuluyang naalala ang aking mga alaala"
Napatahimik naman kami. Lahat nagiisip.
"Speaking of, asan yung iba?" Tanong ko sa kanila na nagpabalik sa kanilang realidad.
"Si Jeydon ay nasa bahay nila kanina, may pupuntahan daw yatang concert? Tapos si red ay nowhere to be found--"
"Parang pagibig lang. Nowhere to be found ang itinadhana para sa akin" pagsingit naman ni kei. Inirapan naman siya ni Irish, "Whatever! Di ikaw ang kausap ko noh!"
"Guys, mahiya kila kuya" singit ni Ynah. Bigla namang nagsalita si anne, "Alam naman nating mga babae na mas maingay pa ang dalawang yan kaysa sa atin" sabi niya.
Inirapan ko nalang siya, "Pwede ba, ang tino magtanong nung gwapong nilalang oh" sabat ko.
"Sa pagkakaalala ko, di pa ako nagtatanong" singit ulit ni kei na dahilan kung bakit binatukan siya nung dalawa niyang katabi. "Isa Kei! Ang tino magtanong ni KUYA Jayce" sabi ni anne na katabi niya lamang.
Magsasalita pa sana si shin ng naunahan ko siya, "QUIET GUYS!!"
Pinakiramdam ko ang paligid. May nararamdaman akong vibration. Tila bang may sumabog sa malayong parte ngunit nararamdaman ko ito sa lakas ng pagsabog.
"May nararamdaman kayo?" Tanong ko. Tahimik kasi ang lahat na para bang nagtataka sila sa ikinikilos ko.
"Bukod sa gutom kami at pinagtatakahan ang ginagalaw mo ay wala na" pilosopong sabi ni kei at tinaas ang paa sa lamesa. Binaba naman ito ni Anne. Itong kei na ito, kelan kaya ito magbabago?
"Seryoso" sabi ko ulit.
Pinakirmdaman naman nila ang paligid at tila bang inaalam kung anong naramdaman ko. Ngunit bigo sila. "Wala man. Ano ba yun?" Tanong ni Irish.
"Oo nga. Wag mong sabihing gutom ka lang din" sabi sa akin ni shin. Danang lalaking kambal ko to. Kambal ko ba talaga ito?! Kung ganoon, baka naman kamukha ko lang ang kambal niya at inakalang ako ang tunay na kambal niya? Geeze.
Napatingin naman kami kay Darren na tahimik sa tabi ni Ynah dahil sa pag-ring ng kanyang cellphone. Kinuha naman niya ang cellphone niya na nagpakaba sa akin. Bakit parang ayoko na gusto kong malaman kung bakit may tumawag?
"Hello?" Tanong niya saka ni-loud speaker.
"Ay lalaki! Wrong send! Sorry po" sabi naman ng isang babae sa kabilang linya saka pinatay ang tawag. Napabuntong hininga kami. Bakit ba ganito ang atmosphere dito sa loob? Tila bang may masamang mangyayari? O nangyayari...
Nagulat kami nung hinablot ulit ni Darren ang phone niya at sumigaw, "kung sino ka mang wrong send ka, tigilan mo ako! Hindi nakakatuwa!" Sabi niya.
Papatayin niya na sana ang tawag ng may biglang nagsalita sa kabilang linya na parang pagod na tila bang sumabak sa isang gyera. Ito na naman, yung kaba ay nararamdaman ko ulet. Hindi tuloy ako mapakali, at pansin ko ay ganun din sila.
"G-guys. A-asan kayo?" Tanong ng isang lalaki. Boses niya ay pamilyar. Tila bang narinig at nakipagusap na ako sa kanya. Baka fans ko lang kaya pamilyar.
![](https://img.wattpad.com/cover/67590619-288-k560898.jpg)
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...