Chapter 14: She's a street fighter
______________________________________
VIctoria's POV
*bang*
Nakapitong beses na siya ah. At muntikan na akong natamaan dun. Pagkaharap ko palang, nagpaputok na agad siya at nakaiwas naman ako kaso nadaplisan pa din ako sa left shoulder ko.
Akala ng lahat ay natamaan at namatay ako, pero nasa likod na po niya ako. Sinaksak ko siya ng kutsilyo sa likuran niya. Nagulat naman siya sa nangyari at natumba nalang. Work is done.
Napatingin ako kay Senatorious at gulat na gulat siyang nakatingin. Pumunta ako sa kanya nung bumukas na ang cage.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko. She nodded slowly na para bang natrauma sa nangyari.
Pumunta kami sa announcer na gulat na gulat.
"Where is my prize?" Tanong ko. Mukhang nagising sa katotohanan,
"U-uhm, and we have t-the new w-winner. Deadly Duo" sabi niya at nagsigawan na yung iba.
Tss, ano ba yan....
"Here is your prize, M-ms. Victorious" sabi niya at binigay sa akin.
Napatingin ako sa taas kung nasaan ang impostor na reyna kasama ang kanyang impostor na anak. Tss, hindi ba nagtataka ang mga gangsters kung bakit wala yung dalawang prinsipe at hari?
Fools, 2 years na...
Napatingin din naman sa akin ang reyna at prinsesa, nakita nilang nakatingin sa akin kaya nag-bow ako para hindi mapaghalataan.
Umalis na kami dun sa arena dala dala yung prize namin at dumiretso sa pinagparkan ng motor ko. Kaninong mga kotseng ito?
Tss, basta, wala akong pake.
Sumakay na kami sa motor ko at dumiretso na sa bahay.
"Dito ka muna matulog" sabi ko kay jensen. Napatingin naman siya sa akin.
"Ha? Di pwede. Babantayan ko pa kapatid ko sa hospital kasama si nanay" sabi niya. Buti naman hindi siya naiilang sakin.
"Jen, may tanong ako sayo" sabi ko. Tumango naman siya bilang 'ano yun'.
"Bakit hindi ka naiilang sakin? Nakita mo akong pumatay ng tao nang walang kahirap hirap diba?" Tanong ko."Ahh, kapag street fighter ka kasi, dapat masanay ka na. Hindi man kami pumapatay, pero nakakakita na kaming dugo. Kasi hindi ka masasabihan na street fighter ka kung takot kang makakita ng ganyan" sagot niya. Ahh, yun lang pala.
"Maligo ka muna sa bathroom namin. Diyan, diretso ka sa main hallway na yan then lumiko ka sa left at pumasok ka sa pinakaunang pinto ng left" sabi ko. Tumango naman sya at may sasabihin sana ng inunahan ko na siya.
"Kuha lang ako ng twalya at pahiramin na kita ng damit. Madami pa akong hindi ginagamit dun eh" sabi ko at tumayo na.
Umalis naman agad ako at pumunta sa kwarto ko. Pumasok ako sa walk in closet ko at kumuha ako ng twalya at damit na kakasya sa kanya.
Maluwang sa akin ito eh, plus mas mataba siya sakin kaya kasya na niya ito siguro. Pumunta ako sa isang cabinet at binuksan ito. Itong mga panloob, and I mean lahat ng nandito sa loob ng cabinet ay hindi pa nagagamit. Mga bagong bili pa lahat. Kabibili lang last week.
"Chef luto ka ng dinner, good for two persons" sabi ko sa chef at umalis na. Dumiretso ako sa bathroom.
"Jan, andito sa labas yung gamit mo. Ilalapag ko nalang sa tabi ng pintuan. Yung lamesa dito" sabi ko sa kanya.
"Ah? Osige, salamat" sabi niya.
"Diretso ka nalang sa kusina pag natapos ka na" sabi ko. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at pumunta na agad sa kusina.
"Anong niluluto mo?" Tanong ko.
"Sinigang na bangus, tilapia, at kare-kare, ija. Okay na ba yung mga yun?" Tanong niya. Tumango nalang ako.
Eh sa anong magagawa ko, kanina pa kaya siya nagluluto diyan. Feeling ko tuloy andaming ako dito kung wala pa si jansen.
"Maliligo muna ako sa kwarto ko" sabi ko at umalis na. Hindi pa din naman tapos yung niluluto eh.
Pumunta ako sa kwarto ko at naligo na. Tanggal naman na ang contacts, magic cream, at kulay ng buhok ko eh. Nagsuot lang ako ng shorts na white at pink loose shirt. Nagsuot din ako ng vans. At lagi ko namang suot yung necklace ko, alam ko, nakaunli ako eh. Nagsuot din ako ng cap para hindi mahalata.
Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Nandun naman na siya naghihintay.
"Mas bagay mong hindi ka nerd" sabi ko nalang bigla. Napatingin din siya sakin.
"Ikaw din" sabi niya at ngumiti.
Kumain lang kami at umalis na din kami. Pumunta kami sa hospital ng CLDH gaya ng sinabi niya. Aston Martin DB9 lang naman gamit namin kaya lumilipad yung buhok ko.
Nag-park lang ako at bumaba na kami. Dumiretso kami sa room 309 na pinag-stayan ng kapatid niya. Ano ba yan, bakit andami nila dito?
"Kaano ano niyo yung iba dito?" Tanong ko habang nakatingin sa iba.
"Wala, hindi namin kakilala yang mga yan" sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay kaya nag-explain kaagad siya.
"Mahal ang mga kwarto dito. Hindi namin kayang bayaran" pagpapatuloy niya kaya napatango na lamang ako.
"Ah. Teka lang, may pupuntahan lang ako" sabi ko. Tumango naman siya.
Pumunta ako sa nurse's desk at nagtanong.
"Meron pa po bang available na malilipatan na room ng kapatid nung kaibigan ko?" Tanong ko sa isang nagbabantay.
"Yes ma'am, according to this, we still have. It will cos--" sabi niya habang nakatingin sa laptop niya ngunit agad naman akong nagsalita.
"Hindi ko tinatanong kung magkano. I'll take it. The cleanest at nicest room you have, and the largest room, for the patient of room no. 309, Ochoa" sabi ko. Tumango siya kaya may tinawaganna siya. Ililipat na siguro.
"Here is the payment" sabi ko sabay abot ng check na 1,000,000. What? It is okay right? Pwede naman na siguro iyan.
Kinuha niya ito at parang namukhaan niya ako.
"Oh, my, gosh! You're samantha anderson! The famous model!" Bulalas niya bigla. Tumango nalang ako at nag-sign ng ssh.
"Can I have a picture and an autograph with you?" Tanong niya. Tumango na lang din ako.
Nag-selfie kaming dalawa at i admit, hyper siya. Naka-10 photos na yata kami eh. Tapos sinign ko yung dala niyang walong posters na ako ang laman. Aish, creepy! Umalis na din agad ako pagkatapos.
"Anong nangyayari?" Tanong ko kay jansen. Lumingon siya sakin,
"Sabi eh ililipat daw sa mas magandang room. Teka, ikaw lang naman ang kakilala kong gagawa niyan ah" sabi niya. Ngumiti ako ng onti.
"Halla, hindi na. Ma---" oa niyang reaction kaso hinawakan ko siya. Masyado nang oa eh.
"Tama na. Baka mahawaan pa siya lalo na't kasama niya ay may mga sakit din" sabi ko at hinila ko siya sa kung saan man dinala yung kapatid niya.
Aminin ko, heartless man ako sa pagpatay, may puso pa din ako sa mga kaibigan ko...
![](https://img.wattpad.com/cover/67590619-288-k560898.jpg)
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...