Chapter 15: Phone calls
______________________________________
Victoria's POV
Naghihintay lang kami para makausap ko sana yung bata at formally na mag-introduce kaso tulog pa din. Tulog mantika pala kapatid niya. Aalis na sana ako nang biglang nagbukas ang pintuan.
"Anak, bakit tayo andito sa kwarto na ito-- at sino siya?" Tanong nung babaeng kakapasok lamang.
"Ma, upo ka muna. Ipapakilala ko po pala best friend ko sa school" sabi ni jansen at pinaupo ang nanay niya.
Naka-cap kasi ako kaya di gaanong halata mukha ko at medyo magulo buhok ko. Nakabun style kasi tapos nakahiga ako sa sofa. Kakaupo ko palang eh.
"Aba, may best friend ka na pala ulit. Osige, ija, anong pangalan mo" sabi niya. Pinigilan naman siya ni jansen.
"Ma, ano naman yan. Uhm... Tor-Sama-"
"Good evening po tita. Ako po pala si Samantha Anderson, best friend ni Kansen" sabi ko at nginitian ko siya. Nagulat naman nanay niya.
"samantha anderson? Teka, familiar ka. Nakita na ba kita?" Sabi ng nanay niya na bahagyang gulat.
"Uhm, opo siguro sa mga balita at magazines or kung ano pa" sabi ko at tinanggal ko yung cap.
Inayos ko naman yung buhok ko. Ngayon, mas nagulat siya.
"Ikaw yung Anderson na model?" Biglang tanong niya. Tumango nalang ako.
"Ako naman si jane ochoa, nanay ni Jamille" sabi niya habang nakangiti.
Oo nga pala, Jamille Nica Ochoa pala pangalan niya. Yung sen ay galing sa middle name niyang sensile.
"Mauna na po ako, may klase pa po kasi bukas" sabi ko. Tumango naman nanay niya.
"Osige ija, Jamille, hatid mo na siya sa baba" sabi ng nanay niya. Tumango naman si Jamille or jansen. Ugh.
"So, anong itatawag ko sayo niyan?" Natatawa kong tanong.
"Jansen nalang or jan. Undercover pa din naman ako eh" sabi niya habang nakangiti.
"Osige, Tory din sakin. Undercover din naman ako" sabi ko.
Pumasok na kami sa elevator at nasabi niya din yung mga assignments na kailangan gawin. Nagpasalamat naman ako.
Nakaalis na ako ng may nakalimutan akong itanong sa kanya. Anong nangyari sa kapatid niya at nandun siya sa hospital? Baka naaksidente siguro. Andaming sugat at pasa yata yun.
Teka, pasa? Hmm....
Bigla namang nagring yung phone ko. Hindi ko naman pwedeng kunin dahil nakafocus ako sa drive at nakakatamad kalkalin sa bag ko kaya hinayaan ko muna. Mamaya nalang sa bahay.
Nakarating na ako sa bahay ng mga past 12 at dumiretso agad sa kwarto. Nagbihis at nag-tooth brush lang ako sabay hihiga sana sa higaan nang may naalala ako. Sakto din kasi nag-ring.
Napatingin ako sa caller, unknown ang nakalagay. Hmm, gangster kaya ito?
"Is this the anderson's residence?" Tanong ng isang babae na gumamit ng voice translator. Halata lang eh.
"Mhm, why?" I coldly asked.
"This is samantha if I am not mistaken?" Tanong niya.
"Yeah, who are you?" Tanong ko. Instead na ibigay niya pangalan niya ay nagtanong pa siya.
"You're in the philippines, right?" Tanong niya.
Sino ba ito? Tss, fc ang loka. Inend call ko na. At wrong timing naman, tumawag si tanda.
"Anong kailangan mo?! Fuck, inaantok na ako!" Sabi ko.
"Relax, baby. Kalma lang. Are you still doing fights there as deadly viper?" Tanong niya. Umiling ako kahit hindi niya nakikita.
"No, is that it?" sabi ko nalang.
"Pero nakikipaglaban ka pa din jan sa gangster's world gamit ang ibang pangalan?" Tanong niya. Napa-sigh naman ako.
"Yes, I can't get enough of it tanda" sabi ko.
"Magiingat ka jan. Marami nang galit sayo" sabi niya. What the heck? Matagal ko ng alam yan noh.
"Yan lang ba? Alam ko na yan. Tss, porket rank one kami" sabi ko at napairap na lamang sa kawalan.
"Hindi yan, it is because of the legendarium you possess. Ang alam na nila ngayon ay you are trying to steal the queen and princess's position" sabi niya. Napamura naman agad ako.
"What the fuck?! How dare they think na ako ang umaagaw sa trono?!" sabi ko at pinipilit kong hindi magalit.
"Calm down. Wag kang pahalata. And now, almost all of them are trying to search for you. Infact, they already know you're in the philippines" sabi niya. Napahawak ako sa ulo ko.
Is it because of the call awhile ago? Ambilis na talagang kumalat ng balita.
"Is that it?" Sabi ko using my cold voice.
"Yes baby. Anyways, tulog na. Love ka ni gwapo~~~ lalalalala~" bigla niyang sabi.
"Shit. Fuck you tanda. Tigil tigilan mo ko sa baby na yan, at tigil tigilan mo yang pagiging childish mo. Para kang abnormal" sabi ko at inend yung call. Nabato ko naman yung phone ko sa higaan.
"Ano? Sinong susunod na magcacall sa inyo?!" Sigaw ko sa cellphone ko. Amputek lang.
Sakto biglang nag-ring. I grabbed my phone angrily at chineck yung caller.
Wala pala. Sign lang na palowbat na. Tsk.
Chinarge ko na ito agad. Naku po. In off ko naman na agad yung phone ko. Para wala na munang makakatawag. At siyempre, natulog na.
Inaantok na ako, kanina pa noh!
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...