Chapter 44

4K 90 1
                                    

Chapter 44: A Game of Truth or Dare

______________________________________

Victoria's POV

Dumiretso naman agad kami sa may bonfire namin. Umupo ako sa log ng mag-isa. Gusto akong tabihan nung tatlo kaso sila nalang pinagtabi ko dahil pinagaawayan na nila.

"Haba ng hair ah" sabi ni Irish sakin. Inirapan ko nalang siya.

Tss, hanggang ngayon, hindi ko pa din gets bakit ganun sinasabi nila.

"Truth or dare tayo guys!" Sigaw ni Yra. Tumango naman sila.

"Ganito. Kakanta tayo ng chorus part ng isang kanta habang pinapasa ito stick. Kung kanino hihinto ay siya ang matatanungun ng truth or dare. Tapos ipapasa din itong bato at kung kanino huminto, siya magtatanong" sabi ni Ynah. Tumango naman sila at ngumiti.

"Game!" Sabi nilang lahat except for me. Wag niyo akong isasali diyan dahil hindi naman ako nag-agree.

Kinanta nila yung kantang "Believe" at nagpasahan na. Saktong tumapat sakin agad yung stick at kay Kei yung bato.

"Wala akong sinabing sasali ako" sabi ko kaya pinasa ko kay Anne yung stick.

"Kj. Wala. Kinuha mo yung stick eh. Ikaw ang tatanungin" sabi ni Anne at binalik yung stick sa akin.

Inirapan ko nalang siya, "sige. Once. Sayo na yung stick. Truth"

Napaisip naman si Kei sa tatanungin niya.

"Uhm.... Ah! Bakit suot mo lagi yang kwintas? Lalaki siguro nagbigay sayo niyan noh at ganun siya ka-special sa buhay mo" sabi niya. Nakangiti pa at nagtaas baba pa ng kilay.

Binatukan naman siya ni Yra, "Tanga! Sa lahat ba naman ng gusto mong itanong iyon pa!"

Hinawakan naman agad ni Kei yung part kung saan siya binatukan, "Sornah. Ano bang meron?"

Tumayo ako at binigay kay Roanne yung stick. Umalis muna ako dun pero bago ako tuluyang umalis.

"Kukuha lang ako ng inumin. At oo, ganun sila ka-special sa buhay ko" sabi ko. Naramdaman ko namang may tumulong luha galing sa mata ko. Hinayaan ko nalang ito, hindi naman nila makikita eh.

Tuluyan naman na akong umalis dun.

Irish's POV

Nag-walk out na siya. Ayaw na ayaw niyang pinaguusapan patungkol sa necklace niya. Tinanong na namin siya dati at wala rin siyang sinagot saka umalis. Lahat kami napatahimik at napayuko, especially girls.

"Ano bang masama dun?" Tanong ni Kei.

May alam ako patungkol dun sa necklace na yun. Necklace siya na may pendant na nabubuksan.

Andun picture ng mommy at daddy niya, then silang kumpletong family at buntis pa si mommy niya nun. Yun lang naman ang sinabi nung kambal niyang kuya.

"Aish! Dapat hindi mo yun tinanong eh" Sabi ni Yrah.

"Ano bang meron sa necklace na yun at importante ng sobra?" Tanong naman ni Karl. Sumingit naman si Darren, "Oo nga. Ex niya ba nagbigay dun?"

"Nagkaroon na ng boyfriend si nerd/Tory nun?!" Gulat na tanong nung tatlo. Si Calvin, Jeydon, at Jarred.

"Actually, wala kaming kaalam alam sa necklace na yun kung bakit sobrang importante sa kanya" sabi ni Ynah.

Napayuko na lamang ako, may alam ako patungkol dun eh.

"Dati, nawala yung necklace niyang iyon at halos mabaliw na siya kakahanap. Tinanong namin siya kung bakit niya hinahanap yun at sobrang importante pero di niya kami sinagot at nag-walk out" pag-confess ni Anne.

"So, walang nakakaalam sa inyo kung anong meron dun?" Tanong ni Jansen. Tumingin naman sa akin si Yra, "Ikaw Irish? Ikaw ang pinakamatagal na nakasama ni Iya. May alam ka ba? May nakuha kang info kay Iya?"

Umiling ako, "wala eh. Wala akong nakuhang info kay Iya. Pero alam ko yun. Tinanong ko kay kuya Shin" sabi ko.

"Ano ngarud? Bakit ganun kaimportante yun?! Wag mong sabihing ex niya?!" Hysterical na sabi ni Jeydon. Hinawakan naman siya sa braso ni Calvin, "kalma lang pre. Hindi niya yata ex yun"

"At paano ka nakakasiguro? Kasama ka ba niya nung binigay yung necklace?" sabi ni Jeydon. Napailing nalang ako sa inaasta ni Jeydon. Mukhang gusto na niya si iya.

"Hindi niya ex yun" sambit ko.

"Eh ano?" Tanong niya at napatingin pa talaga sa akin.

"Y-yung..... Yung necklace na yun ay pendant na nabubuksan. Andun sa loob yung p-picture na k-kumpleto pa silang....... Silang p-pam-mil-lya....." Sabi ko at yumuko.

"Pamilya? Kumpleto? Nagkawatak watak ba sila?" Tanong ni Jarred. Umiling ako.

"Namatay yung mommy at daddy ni iya. Alam niya yung dahilan kung bakit pero wala siyang kinekwento patungkol dun. Ayaw na ayaw niyang pagusapan. Ni picture nga sa necklace niya hindi niya tinitignan" sabi ko na lamang. Totoo naman eh.

"Eh bakit naman ayaw niyang tignan? Hindi niya ba namimiss yung pamilya niya?" Tanong ni Calvin.

"Sa tingin ko, kaya ayaw niyang tignan yun ay dahil pagod na siyang umiyak. Ikaw ba naman, makita mong pamilya mong patay na hindi ka ba mapapaiyak? Last na nakita naming binuksan niya yun, it was 2 years ago. After 3 weeks nung inilibing na yung mommy niya. Kakadating lang namin nun sa kanila kasi nasa Korea kami, sila nasa America. Yun lang alam namin pero sa necklace, wala as in none and zero" sabi ni Anne.

"Wow. Deep" sabi naman ni Darren.

"Okay, guys. Truth or dare nalang ulit para naman masaya! Andito tayo para mag-enjoy diba? Wag ng malungkot" sabi ko. Nag-agree naman sila kaya nag-truth or dare ulit kami.

Napunta ngayon yung stick kay Jeydon, yung rock kay Anne.

"So, Mr. Jimenez, bakit parang worried ka kay Iya? Possible kayang gusto mo na siya?" Sabi niya habang nakangisi. Nice one anne.

"Uh.... Ewan? Maybe yes, maybe no" naguguluhang sabi niya.

Pinasa naman yung stick, pero hindi na yung bato. Napunta naman yung stick sa akin kaya tinanungan ako ni Jeydon, "Irish, alam kong may nagugustuhan ka dito. Kilala ko, at alam kong alam mo kung sino tinutukoy ko. Possible ba na siya ang dahilan para mawala ang pagka-play girl mo?"

Shet naman, tinutukoy niya yata si Kei.

"Uhm maybe? Hehehe. Siguro. Baka. Oo. Hindi. Ewan. Basta! Yun na yun. Depende na" sabi ko at nag-stutter pa talaga ako! Nakangisi tuloy siya ~•~

Tumama naman yung stick kay Darren.

"Ren, sabi eh the more you hate, the more you love. Tapos sabi pa, isang way ng pagpapapansin ng isang lalaki sa isang babae ay ang pang-aasar. Agree ka ba dun at bakit?" Sabi ko.

"W-well.... Oo, kasi malay mo torpe yung lalaki. Takot siya maamin yung feelings niya sa taong mahal niya. Na ayaw niyang mabusted" sabi niya at ngumiti na parang kinakabahan sabay tingin kay Yra at balik agad sakin.

"Ah, so torpe ka?" Diretsahang tanong ko.

"H-hindi ah! Well, siguro? Teka! Tapos ka nang tanungin ako eh! Next na" sabi niya. Nagpasahan naman ng stick at napunta ito kay Yra. Yes naman.

"Uhm... Yra, kung sakaling may manliligaw sayo. Ano ang gusto mo sa mga nanliligaw sayo?" Tanong niya habang nagkakamot sa ulo.

Namula naman si Yra. Kita ko, huwag kayo.

Hindi naman siya agad nakapagsalita at parang natulala pa.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon