Chapter 35: Skelenial deal
______________________________________
Jeydon's POV
Umakyat naman agad ako sa taas at pumunta sa kwarto ni nerd. Binuksan ko yung pinto kaso naka-lock.
"Nerd, tulog ka pa ba?" Tanong ko ng malakas. At dahil curious ako ay sumilip na ako sa loob gamit yung key hole.
Wala siya sa higaan niya. Asan kaya siya? Baka naliligo. Tss, mamaya ko na nga lang kausapin. Bumalik ako sa kwarto ko at naligo. Sakto, pagkatapos kong maligo ay may nag-text sa akin.
"Bro, may meeting daw. Gangster's Underground" text sakin ni Kei.
"Geh, sunod ako" sabi ko. Nagbihis agad ako at sinuot ko na yung mask. Pumunta agad ako sa meeting room sa underground.
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Ewan. Gusto daw kausapin ng Queen at Princess ang top 5 gangsters eh" sabi ni Kei. Hmm, bakit naman magpapatawag ng meeting agad agad? Diba dapat top 3 lang? May bagong patakaran na ba ngayon?
"Andyan na sila" sabi ni Karl na kakapasok lang ng meeting room at umupo.
Jarred's POV
Yes, I know her.
She is Deadly Viper. And she is also Reaper, infact she's the best solo reaper of all.
She was a famous singer and dancer last times but she quitted, now she is known as famous model.
I hate her, not the fact that she is a nerd, but she killed thousands of innocent. I could never forgive her for that. Not unless she can bring the dead ones back to life, or she has a good reason why.
Add the fact that she wants to kill the Queen and the Princess, come on! Anong ginawa nila sa kanya! Do they even know her? Tss, bullshit na Tory na yan. Walang kasalanan ang Queen and Princess sa kanya o sa iba man noh!
"Good morning everyone" bati ng Queen. Bakit parang hindi ako takot? Bakit pakiramdam kong may mali? Aish. Nahihibang lang siguro ako.
"Good morning, majesty" sabay sabay naming sabi. This is insane! Pati top 4 at 5 sinama sa meeting?! Bakit ba nila binago? Hindi ako komportableng kasama ang top 4 at top 5.
"As we all know, target ako ng kilala niyo at pinaka best sa killing na si Reaper. Tama ba? Now we know, they only have one real identity with Deadly Viper" sabi nung Queen at bigla naman nagkaroon ng bulungan.
Nagbulungan naman yung iba, "sino po siya? Ano po ang pangalan niya?"
"Hindi pa namin alam. But to make us secured and safe, we have a deal with the skelenials" sabi nung Queen. Now, I know this is not right. Bakit kakampi sa amin ang skelenials kung pinakamalaking kalaban ng gangster world ay sila? We could beat the hell out of those weaklings.
"We promised to give them lands to rule" sabi niya at ngumisi. Napatingin ako sa prinsesa, nananahimik lang siya.
"Meeting is finished. You may all go now" sabi ng queen. I admit nag-try hard siyang maging cold. Siguro masaya siya at hindi niya mapigilang maging happy? Yun na nga siguro ang dahilan. Pero bakit? Anong ikinasaya niya?
"Dude, bakit parang hindi nakakatakot ang queen ngayon?" takang tanong ni Kei at bigla naman siyang binatukan ni Darren.
"Ikaw ahh, kung ano ano nalang napapansin mo" sabi niya lang.
"Totoo naman kasi. Pati nga yung prinsesa parang ang tamlay" sabi ni Kei. Binatukan naman siya ngayon ni Karl, "Woy, wag kang maingay. Palapit ang prinsesa sa atin"
Hinawakan nalang ni Kei yung part na dalawang beses siyang binatukan. Tch, ayan kasi.
"Good morning sa inyo" sabi niya. Nagulat naman kami, hindi ba dapat galit sa amin ang prinsesa sa nagawa namin noon?
"U-uhm... Good morning din sayo princess..." bati naming apat na parang nagtataka. Si Jeydon? As usual, poker face na naman. Anlalim nang iniisip eh.
"Kilala niyo ba si Victorious or si Reaper? Kahit si Deadly Viper man lang?" Tanong niya. Shet, alam ko pero aminin ko.
Para sa akin, gusto ko maging kaibigan ko si Tory. I feel like she has a greater part in me. At isa pa, wala ako sa posisyon niya para sabihin sa iba na siya si Reaper or Deadly Viper.Umiling nalang kaming lahat.
"Okay.... So---"
"Princess, let us go now" sabi nung Queen.
"Coming mother. Just a sec" sabi niya at napaharap sa amin ulit, "Usap nalang tayo sa January. Wala kami dito sa Pilipinas hanggang December. January lang ako may available time. Text ko nalang kayo" sabi niya. Binigay niya sa amin number niya.
"Text niyo ko para malaman ko number niyo privately" sabi niya lang at pasimpleng may inabot na papel.
"Eh bakit hindi mo nalang sabihin sa text?" Tanong ni Karl
"Dahil alam kong may malalaman kayong hindi maganda" sabi niya at ngumiti.
"Bye now. Salamat pala. Congrats din for holding top 1 for almost 5 years in a row" huling sabi niya in a happy tone bago tuluyang makalayo sa amin.
"Anong sinabi mo sa kanila, princess?" Tanong ng mommy niya. Ngumiti sa kanya yung princess.
"Nothing, Queen. I just congratulated them" sagot niya. Huh? Pero, diba?
"Okay. We need to go now" sabi nung Queen at umalis na silang parehas.
"What just happened?" Tanong ni Kei. We shrugged at nagsialisan na. We are waiting now for 3 months, the exact date of January. I wonder what will happen that time?
Jeydon's POV
Well, that was..... Weird.
Umuwi na ako sa bahay agad agad dahil gusto kong kausapin si nerd patungkol dun.
Dumiretso agad ako sa kwarto ni Nick baka kasi naglalaro sila kaso wala man.
Pumunta ako sa kwarto ni nerd at kumatok. Walang sumasagot kaya binuksan ko na. Huh, nakabukas siya ngayon ah? Pinasok ko na agad kaso wala siya dito, kahit bag niya!
Nyetang nerd. Pagtapos niya kaming maknock out ng ganun ganun lang kahapon, tingin niya titigilan na namin siya? Psh.
Pumunta ako sa baba at tinawag ko yung isang kasambahay namin, "Nakita niyo ba si nerd at Nick?"
"Ay nako, ijo. Umalis sila. Umuwi na si Tory at sumama si Nick sa kanya" sabi niya. Napatango na lamang ako. Hindi na ako pwedeng mamayang gabi, gusto ko ulit makita na lumaban si Victorious.
Pumunta ako sa bahay nila nerd. Tss, dito ako dumadaan kaya nakikita ko siya kung pupunta siya sa school minsan. Kumatok ako sa pintuan kaso walang tao.
May kotse namang tumigil at bumaba. Si Jarred? Anong ginagawa niya dito?
"Anong ginagawa mo dito?" Sabay naming tanong kaya napakunot ako ng noo. Importante ba ang kaniyang sasabihin at kailangan niya pang puntahan ang nerd?
"Gusto kong kausapin si nerd/ Gusto kong kausapin si Tory" sabay ulit naming sabi.
"Bakit?" Sabay naming sabi. Ilang beses pa ba kami magsasabay?
"Basta/ Wala" sabi namin. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Naka-lock ang pinto" sabi ko. Pinuntahan niya ito at naka-lock nga. Napaisip naman siya at agad na napaharap sa akin.
"Uhm.... Sige, una na ako" sabi niya at umalis gamit ang kotse niya. Kita mo yun? Aalis din naman pala kaagad kung wala si nerd dito. Pero saan naman kaya pupunta yun?
Tss, pake ko ba.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...