Chapter 48: Develop of Feelings
______________________________________
Jeydon's POV
Nagising na ako mula sa pagkaupo ko sa tabi ng higaan ni Tory. Tulog pa din siya. Nilibot ko paningin ko sa buong kwarto ko.
Nagsialisan pala mga kaibigan ko kahit yung mga babae. Tss, di man lang sila nanggising.
Nakita ko namang minumulat na ni Tory yung mata niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Tory, okay ka na ba? May masakit ba?" tanong ko.
"Okay naman ako. Nag-do-double vision lang" sabi niya at humawak sa ulo niya. Tinanong ko siya, "Anong iniinom mong gamot? Papabili ako"
"Wala. Hinahayaan ko lang. After 2 hours or more, back to normal na rin" sabi niya. What? Hinahayaan niya lang hang-over niya?
Bumangon na siya at tumayo kaso naout balance, sinalo ko naman siya.
"Oh, dahan dahan lang. May hang-over ka pa" sabi ko. Tumingin naman siya sakin, "salamat Jeydie"
"J-jeydee?" Utal kong tanong. The heck with this girl? Tawagin ba naman akong ganun? Ano ako, babae?
"Yep. Jey lang sana dinagdagan ko nalang ng dee" sabi niya.
"A-ahh" sabi mo nalang. Shet, bakit ba ako nauutal? At bakit ba ang lapit ng mukha namin sa isa't isa?!
Napaubo naman ako at tumayo na ng maayos.
"Breakfast na tayo?" Pagiiba niya ng topic. Tumango nalang ako at inalalayan siya palabas ng kwarto. Pumunta na kami sa elavator at dumiretso naman kami sa breakfast hall habang inaalalayan ko siya.
"May nagkakadevelopan sa ganiyan" pagpaparinig ni Darren. Tss, hindi ko nalang siya pinansin at pinaupo na sa upuan niya.
"Kaya mo na ba?" Tanong ko. Tumango siya. Binulungan ko naman siya, "Tawagin mo ko kung may nararamdaman kang masama. Puntahan din kita dito mamaya pagtapos kumain. Hatid kita sa kwarto mo"
"Sige. Salamat Jeydee" sabi niya. Bumalik na ako sa upuan ko.
"Uy! Si leader nakangiti~" sabi ni Kei. Bumalik naman ako sa poker face.
"Tss, ingay niyo. Kain na" sabi ko at sinimulan ko nang kumain. Habang kumakain, inasar asar naman nila ako.
"Kung hindi kayo titigil at tatahimik, ako mismo magpapatahimik sa inyo" sabi ko. Ayun, nanahimik yung tatlo.
Yung dalawa kasi anlalim ng iniisip nila. Anong problema naman ng mga ito? Tss.....
Victoria's POV
Bumalik na sa upuan si Jeydee at humarap na ako sa lamesa. Kumunot naman noo ko nung nakatingin sila sa akin.
"What?" tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.
"Madaming nagkaka-develop sa mga ganyan" asar ni Irish. Develop?
"Bakit? Pinicturan niyo ba kami?" Takang tanong ko."Hay nako, antalino mo nga at magaling sa pakikipaglaban, walang wala naman sa pag-ibig. Tss, slow" sabi ni Anne. Kulang na nga lang eh mag-palm face silang lahat sa harap ko.
"Tell me, may gusto ka kay Jeydon noh?" Tanong ni Yra at tumaas baba pa kilay niya. Sumingit naman si Jansen.
"Meron yan. Jeydee pa nga tawag niyan eh" sabi niya habang nakangisi.
"Ikaw ahh. Di mo sinasabi sa amin yan" sabi naman ni Ynah. Di ko nalang sila pinansin at kumain nalang.
Shit, ito ba yung sinasabi nilang pag-ibig?
Kusang titibok puso mo, hindi mo alam gagawin mo at sasabihin mo pag nasa harap mo siya, kinikilig ka sa simpleng sinasabi niya, ano pa ba? Nakalimutan ko na yung iba eh.
No Way!
Simula ngayon, iiwasan ko na si Jeydee. Delikado mundo ko, because I'm a threat and I'm dangerous to everyone. Ako lagi ang nagdadala at magdadala sa kanila sa kapahamakan.
Ngayong may nakakaalam na ng identity ko, dapat iwasan ko siya. Iwasan siya at yung grupo niya. Iwasan sila Calvin at Jansen. Iwasan ang grupo ko hangga't wala akong maskara. Mas importante ang kaligtasan nila kaysa sa buhay ko na nasa gitna ng kamatayan.
Tumayo na ako at napatingin naman sila sa akin.
"Excuse me. Sorry" sabi ko at umalis na dun. Tapos na din naman akong kumain. Hinabol naman ako ni Jeydon.
"Tory, diba sabi ko hintayin mo ko. Bakit ka umaalis agad?" parang naiinis na sabi niya.
"Ah, di na muna kailangan. Magpapahinga muna ako" sabi ko at naglakad ulit. Hinawakan naman niya kamay ko.
"Hatid na kita" sabi niya. Binawi ko naman kamay ko.
"Di na. Umaayos naman na paningin ko. Salamat na lang" sabi ko at naglakad na.
Pumasok na ako sa elavator at dun ako napahawak sa railings niya nung sumara yung pinto. Napaupo naman ako sa isang corner.
Shit, nahihilo pa talaga ako.
Nagopen na yung pintuan at lumabas na ako ng elavator. Pumunta agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Kailangan ko muna magpahinga ngayon.
Nagising ako ng mga 10:30 ng umaga. Nakatulog pala ako. Di ko man lang napansin na nakatulog ako.
Bumangon na ako at nagunat unat muna. Tinanggal ko yung salamin, wig, at contact lens ko saka pumasok sa bathroom. Naligo ako at nagbihis naman agad. Sinuot ko lang yung high waisted shorts ko at crop top na pink saka pinatungan ko ng blazer like.
Sinuot ko na din yung contact lens ko at yung wig saka yung salamin. Tinakpan ko naman yung mga tattoe ko gamit yung magic cream.
Lumabas ako ng kwarto ko ng walang ingay saka dumiretso sa fire exit. Bumaba ako papunta sa parking lot at nag-drive sa isang restaurant. Pumasok na ako sa loob.
"One piece chicken, large fries, and coke float" sabi ko. Nagbayad naman agad ako at naghanap ng mauupuan. Kumain lang ako at umalis din naman agad. Ramdam ko na may sumusunod sa akin ngayon eh.
Pinark ko lang si Dark sa parking lot at saka dumiretso sa hopeful garden. Maganda dito, peace and calm. Gusto ko muna makapag-isip ng maayos na walang magulo at maingay.
Totoo ba na gusto ko si Jeydon? O ginagawa ko lang siyang panakip butas sa pagmamahal ko para kay Angelo? Pero paano kung mahal ko na pala siya? Ayokong masabit buhay niya sa buhay kong napakadelikado. Ayoko ding mapahamak ang mga kaibigan ko.
I've made up my mind. Hindi ako makakapayag na masaktan sila. I know that by doing this, I am a coward, pero at least kaligtasan naman ang kapalit. Kamatayan lang ang naghihintay sa akin ngayon.
"Sorry. But I have to do this. For me, and for all of you. I love you guys" sabi ko. Pinikit ko naman ang mata ko at dinamdam ang hangin.
"Balang araw ay maintindihan niyo din ako. Think positive nalang" sabi ko. Ano ba yan, emote much peg ko ngayon.
Pinakinggan ko lang ang huni ng ibon, ganun na din sa paligid ko. Alam kong may tao sa likod ko. Pinaputukan naman niya ako ng baril.
Bang!
"Fuck" sabi ko.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Боевик[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...