Chapter 23: Rings and Letters
______________________________________
Victoria's POV
Ha, device. That creepy stalker. Geeze.
Stalker ko pala si jarred? Talk about low types! Sa nerd pa talaga nagkagusto.
"Nice try, better luck next time" sabi ko sa device niya at tinapakan. Narinig niya naman iyon dahil sa earphones na suot niya. I know those things, may ganyan din si tanda. And I'm pretty sure na masakit sa tenga ang nangyari sa kanya.
Good for him!
FROM: GS
This is a private message. Hawkgang, which is the top 5 in the Gangster's World-Philippines, would like to have a battle with you and your partner, the Deadly Duo. Would you like to accept the offer?
Nag-reply naman agad akong yes kahit hindi ako sure kay Jansen. Kakayanin ko naman yun mag-isa kung hindi siya pwede eh.
FROM: GS
Battle accepted. Tonight, at 10 in the evening, your battle starts.
"Busy?" Bungad ko nung sinagot na ni Jansen yung tawag ko. Langya. Nakadalawang ring ako dun ah.
"Not at all. Nagbabantay lang ako sa kapatid ko. Why?" Tanong niya.
"Can you go out tonight as senatorious? I accepted the offer anyways. Are you available at 10?" Tanong ko hoping na sana makasama siya. Marunong naman siya makipaglaban eh, pero itrain ko pa siya para mas lumakas.
"Ah oo. An---"
"What about 8 in the evening?" Tanong ko ulit. Mas magandang mas maaga. Gaya ng sabi ko, itratrain ko lang muna siya ng saglitan.
"Hindi eh. 8:30 pwede pa. Depende sa oras na dumating si nanay" sabi niya.
"Sabi mo yan ah. Sunduin ngarud kita jan sa inyo" sabi ko sa kaniya at saka ibababa na sana ang tawag.
"Ha? Sa bahay? Wala ako dun. Andito pa rin kami sa hospital. Hindi pa din nagigising kapatid ko kahit stable na siya eh" malungkot na sabi niya.
"Ah, sige. Diyan nalang ngarud" sabi ko. May tumapik naman sa braso at napansin ko na andito si Ynah kaya tinaas ko lang saglit ang kamay ko na parang nagsasabing hintay.
"Sige, una na ako. Ingat" sabi ko kay Jen at inend na yung call. Humarap naman ako kay Ynah.
"Bakit? Akala ko naglilibot ka?" Tanong ko sa kaniya.
"Stress ako sa manyak eh" sabi niya. Ugh, guys this days. Do they even know privacy or space bubbles? Heller, girl here! Girl needs privacy, ya know?
"Ahh, samahan mo nalang ngarud ako" sabi ko biglaan. Nagulat naman siya at napatingin sa akin.
"Saan?"
"Sports zone tayo?" Sabi ko. Tumango naman siya at ngumiti. Mahilig yan sa sports. Boyish kasi eh. At isa pa, ayoko na maghinala siya at tanungin ako kung sino yung caller. Pati ako ngarud maiistress. Ayokong malipat yung stress niya sa akin.
Jayce's POV
"Oh, may nagpapabigay" sabi sakin ng secretary ko saka binaba sa lamesa ko yung mga letters. Andami naman.
"May nagpapabigay din pala ng box na ito" sabi niya at binaba na din yung box na buhat buhat naman nung lalaking kasama niya.
"Geh. Salamat" sabi ko na lamang at umalis na sila. Bakit parang ang weird ng amoy? Lol. Makaligo na nga muna. Kakatapos ko lang naman kase mag-rehearsal eh.
*****
Dumiretso agad ako sa kusina at kumuha ng inumin. Gutom na ako. Baka pagkain ang laman nung box?Agad akong pumunta sa kahon na nasa ibabaw lamang ng lamesa at binuksan ito.
PAKSHET. BAKIT MAY GANITO DITO?! ANONG GINAGAWA NG PATAY NA DAGA DITO?! PUTEEEEEKKKKK! MAGRERESIGN NA TALAGA AKO NEXT TIME!
Isasara ko na sana agad yung box ng may nakita akong kuminang sa loob. Kumuha ako ng pencil at tinakpan ang ilong ko saka inabot yung kuminang na bagay na may dugo pa. Yuck. Ew. Shet. Sino ba nagpadala sakin nito?
NEW WAY OF PROPOSING? BAGONG SINGSING BA ITO NA USO? SINGSING NA BALOT SA DUGO AT MAY LAMANG LOOB PA NG DAGANG NAKASABIT? HINDI ITO PROPOSAL! HUDAS YUN!
Agad agad akong dumiretso sa cr at nilubog yung singsing sa isang tabong puno ng tubig. Bahala na muna yan jan. Inaantok na ako at pagod pa ako.
Pagkahiga ko sa aking malambot na kama ay may naramdaman akong parang may tumusok sa akin.
Kinapa ko ito at may napansin na isang sulat galing sa isang anonymous person.
Binuksan ko ang black envelope with a bloody red design on the sides. Creepy man at nakakatakot pero tinuloy ko pa ding basahin ito.
346 days to wait
13 explosions for a bait
2 will be decreased
4 is missedHope memories come back
And secrets you will know
Important things and deep secrets
I'll kill you before it showTiring night isn't it?
It's better than your past days
But time will come and can't deny
You need to separate waysXXXBLOODXXX
Yan ang nakasulat. Pero aanhin ko yan? Galing siguro sa isang hater or basher ko. Weird kung paano nila napasok ang kwarto ko, pero bayaan na nga.
Inaantok na ako kaya wala na makakapigil na matulog ako!
Geeze, once naman patulugin niyo ako dahil pagod na talaga ako....
Seth's POV
Kakatapos lang ng photoshoot session ko at huta, tatlong magkakasunod pa talaga? Sira yata utak ng secretary ko.
"Patulugin niyo ako leche!" sigaw ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"S-sorry. May nagpadala lang ng box" sabi ng secretary ko at nilapag ang box sa lamesa at kusang umalis na. Tss. Saan ito galing? Fans o basher?
Kinuha ko na lamang ito at tinapon sa basurahan. Baka mamaya ay makakita na naman ako ng palaka na binalatan. Pag nalaman ko kung sinong nagpadala dun, papatayin ko! Walanghiya ang gago!
Simula ngayon, di na ako magbubukas ng kahon!
Agad akong humiga sa kama ko. Finally, I can get some rest. Pero huta, bakit naman may singsing naman ngayon dito sa kama ko? Hudas, ansakit pa ng tusok ng brilyante! Pero ayos lang, mukhang mamahalin eh. Haha. Pero pamilyar ang singsing na ito. Nakita ko na ba ito somewhere? At isa pa, hindi ako babae o binabae! Bakit singsing ng babae ang pinadala sa akin?! Walanghiya talaga!
Nilagay ko na lamang sa bedside table ang singsing at tuluyan ng napahiga sa kama ng biglang may tumusok na naman. Isang letter naman ngayon. Ano na? Pati ba lalaki gusto ng magpakasal sa akin?
Your days are counted
You are being warned
You're still uncrowned
You are being watchedKnow the truth before it ends
Or be killed with your friends
Behind those deceitful eyes
Lies the biggest liesMemories will return
And the tables are being turned
Time is ticking, time is running
Can you kill the one who's killing?XXXBloodXXX
Isang malaking marka ng 100. Hindi ako ganun ka-proffessional sa English. Sa kagwapuhan lang. At isa pa, aanhin ko itong poem na ito? Hutangina. Hindi ako guro na nagtuturo. Ako'y isang modelo na super gwapo.
Please be reminded. Ayos na?
Bago ako humiga ay tinignan ko muli ang malambot kong kama na gusto kong pakasalan at buti na lamang wala na. Baka mamaya tao na pala ang naka higa dito. Shet lungz. Tinatakot ko na naman ang sarili ko!
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...