Chapter 25

5K 124 0
                                    

Chapter 25: Dor, the private room

______________________________________

Victoria's POV

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya ngunit gaya kanina ay hindi ko siya sinagot. Napahinto naman ako sa isang tagong pintuan.

Inenter ko yung passcode ko, 451208 which means DEATH. Ang nakakaalam lang ng password nito ay ako at ang pamilya ko.

"Welcome back, GP 451208" sabi nung pintuan.

Well, it is automated door. GP short term for Gangster Princess. Sinabihan ko siya na walang makakaalam na buhay pa ako. And name niya pala ay DOR, short for dorothy.

Don't blame me on the Door's name. Si Tanda ang nagpangalan niyan.

"GP? Ano yun? At yung 451208?" Tanong niya.

"Don't mind that. Anyways Dor, no one must know our secret" sabi ko.

"Yes, GP. As promised" sabi naman niya. Pumasok na ako ng biglang nakulong si Jansen sa isang cage.

"Dor, she is my visitor" sabi ko lang habang pumunta sa isang control para buksan ang ilaw.

"I'm so sorry GP. Please enter, visitor" sabi niya at nawala na parang bula yung cage. Mukhang gulat pa siya sa nangyari kaya hinila ko na siya papasok.

"Welcome, to my training room number 1. Only me and my family knows about this. And now, you. Don't you even dare say this to anyone. I might terminate you" sabi ko coldly.

"Yes, sure. Hindi ko ipagsasabi kahit kanino" sabi niya. Bakas sa mukha niya ang takot. Tinanggal na namin mask namin at nilagay sa isang tabi.

For your info, private room ito at walang basta basta makakasilip dito. This is highly secured from everyone.

"Okay, shall we proceed to the training? Good. Start by doing 100 push-ups" sabi ko. Nagulat naman siya.

"100?! Di ba pwedeng 50 nalang or pull ups nalang?" reklamo niya habang nanlalaki ang mata niya.

"Pasalamat ka yan ang unang pinagawa ko sayo. Baka naman gusto mong gayahin ang unang training ko na 500 push ups?" Sabi ko.

That is true. 500 push ups in just a day. Pinapagawa sakin yan ni daddy quadruple times every month. Then iba pa yung exercises and activities. At siyempre iba din yung test.

"Don't worry. Gagawa ka din naman ng 100 pull ups mamaya. Malakas kasi ang kalaban at pwede ka nang patayin agad. Unless you want to die, you may do as you want" sabi ko at hinubad muna ang leather green jacket. Dumapa na ako at nagsimula na akong mag-push.

Sinimulan ko na yung 500 push ups gaya ng dati. Napatingin ako sa kanya at ginaya niya din ako. Good.

9:30 nang pinatapos ko na yung excercise namin. Pagod na pagod siya at uupo sana siya ng pinigilan ko.

"Huwag kang uupo hangga't hindi ko sinasabi. Mapapagod ka kaagad mamaya sa ring kung umupo ka. Punasan mo muna pawis mo then magpahinga ng 5 minutes ng nakatayo at maligo na. Mamili ka nalang ng damit dun sa cabinet sa may bathroom" sabi ko at inistretch ng mabuti ang kamay ko.

"Sure, hehe-he. Naka-kapagod pa-la ang trai-ni-ng m-o, gr-abe! He-hehe" sabi niya. Nagpunas na siya ng pawis at nagpahinga habang nakatayo. Sinunod naman niya sinabi ko. At least she knows how to follow rules.

Ilang minuto ang lumipas at lumabas na kami nang nakamask. Nakaligo na ako at nagbihis ng all black. Silver nga lang yung chains sa neck and right wrist ko, pati na din yung killer heels ko.

Lumabas ulit kami sa backdoor at sumakay sa sasakyan. Alangan namang lakarin namin hanggang sa harap?! Tss, anlayo kaya. Sa laki ba naman ng staduim plus yung ibang rooms sa loob at yung training rooms pa namin? Tss.

We have 3 training rooms here by the way.

Nagpark kami sa may puno katulad dati dahil delikado kapag si iba pa. Andito rin naman yung apat na sasakyan pero iba yung kotse ngayon, alam kong parehas lang ang nag-mamay ari niyan.

Sinenyasan ko si jansen na pumasok muna sa kotse dahil alangan namang nakamask siya habang nakahelmet?

"Bakit?" Tanong niya.

"Dito ka maglakay ng mask, I can't risk na sa labas ka maglagay ng mask. May tao pa sa loob ng kotse na yan" sabay turo sa isang kotse na Delorean DMC- 12. Tinignan naman niya iyon.

"Oo nga noh. Ang galing mo, kahit black tinted nakikita mo" sabi niya.

"Bilisan mo na maglagay ng mask" sabi ko. Sinuot naman niya agad yun at bumaba na kami.

********

Pumasok naman na kami agad sa gangster's stadium. Madami ang naghiyawan na top 5, samin mabibilang mo lang sa daliri.

"Are they here yet?" tanong ko sa isang side referee dito.

"Oh, so you must be one of the members of victorious, please fill your name he--"

"I am Victorious. Can't a human change a mask?!" Sabi ko coldly. People nowadays are really dumb and stupid. Can't even tell who's who under the simple mask. Napayuko naman siya agad.

"Sorry. Uhm, head to the center when they call your group. Your group hasn't been called yet" sabi niya. Tumango nalang ako at umalis.

Umupo kami sa gitna at sa pinakagilid  para hindi muna masyadong mapansin.

"Handa ka na?" Tanong ko. Tumango siya.

"Kakayanin mo ba silang labanan?" panigurado kong tanong.

"Oo naman" sabi niya.

"Remember to focus on your enemy, huwag ka magpapadala sa sinasabi nila. Mostly, show no emotions. And show no mercy. Tonight's gonna be a bloody one" sabi ko at humarap na sa gitna kung saan may naglalaban.

Tumingin tingin ako sa paligid. Hindi ito yung stadium na katulad sa America. Dito kasi makakapasok ka as long as may card ka, member, bronze, silver, or gold. Bronze  kapag top 20 ka, silver sa top 10, at gold card sa top 3. No worries, wala kaming balak pumasok sa mga top na iyan.

Nakita ko naman na madaming manunuod, infact ay kumpleto ang top 3. Tatlong groups ang meron na golden card eh.

Napatingin ako sa taas kung saan nakaupo ang gangster princess.

Wala ang gangster queen? Hm... Impossibleng princess lang ang pwede dito without bodyguards or ang nanay niya lang.

Well, makes that easy work for me alright.

Guess what ang plan ko? Simple, talk to her. Oh diba? Tapos tatakutin ko. Pero siyempre, asa ka naman.

"Okay, congratulations sa PoisonX na nanalo sa match. Please proceed to the side where you can get your prize" sabi nung emcee. Mukhang naboring sila sa laban.

Honestly, nakakaboring talaga yung laban. Masyadong girly sila maglaban. Tss....

"Let us welcome, the HawkGang!" Sabi nung emcee at tumayo na sila. Pumunta naman agad sila sa center at kumaway kaway pa. Andami namang naghiyawan.

"And let us welcome, the Deadly Duo" sabi niya. Nagtaka naman yun mga tao kung bakit magisa lang si Senatorious.

Tss, tumayo na din ako at sumunod sa kaniya. Nagkaroon na naman ng bulungan.

Yeah, people here really are stupid and dumb. They're too ridiculous.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon