P60- Mommy?!

3.2K 88 1
                                    

-------------------------

Victoria's POV

Fourh day na ngayon ng USF at hanggang ngayon, walang pinagkaiba.

7:30 ice skating
9:00 swimming
10:30 skate boarding
2:00 dance competition
4:00 singing competition
7:00 official ending of USF

Papansinan lang kami kung may importanteng sasabihin patungkol sa program. Pero nagpapansinan pa din naman na parang friends lang at kailan lang nakilala. Masyado silang iwas. Kaya lagi ko lang kasama si jansen. Minsan sumasabay si calvin pero si jeydon, gulo pa din.

"Tory, malapit na daw mag-start. Labas ka na diyan" sigaw ni jansen mula sa labas ng restroom.

Nagbihis lang ako ng swimsuit ko at halatang halata ang curves ko. Hinigpitan ko din yung wig ko para hindi matanggal. Okay naman ako sa contact lens eh.

Binabaliwala ko nalang hapdi sa mga sugat ko, lalo na sa tama ko sa tiyan at sa paa. Paika ika nga ako naglalakad kapag mag-isa ko, pero minsan nalang.

Nag-robe muna ako at nagsalamin saka lumabas na. Nagtaka naman si jansen, "oh? Bakit di mo pa tanggalin robe mo?" Tanong niya.

Sa three days kong kasama siya, napapakita na niya yung tunay niyang ugali sakin, and i'm proud of that.

"Di pa naman game" sabi ko.

Umupo kami sa isang banda ng may lumapit sa aming player, "wow. Di porket nanalo ka sa four games na sinalihan mo ay mananalo ka na sa swimming laban sakin" sabi niya saka umirap.

"Tss, whatever" sabi ko. Yes, four games. Archery, badminton, ranger and rock climbing. Madali lang naman lahat ng iyan eh.

"Ugh, brat" bulong sakin ni jansen nung lumayo na sila. Tss, bratinella.

Magsisimula na daw after one minute kaya tumayo na ako saka lumapit malapit sa pwesto ko.

Madaming nagsisigawan na ampangit ko kaya magback out na daw ako. Whatever, hindi hadlang ang pangit sa ganyan noh.

"Jansen, lagay mo salamin ko sa bag ahh. Then bigay mo sakin agad robe ko kapag natapos yung match" sabi ko. Ngumiti naman siya saka tumango.

Buti yung swimsuit ko ay takip hanggang leeg kaya di makikita yung tattoo ko.

Binigay ko na sa kanya salamin ko kaya nilagay niya agad sa bag. Tss, di man lang makapaghintay sa robe. Tinggal ko naman na robe ko saka binigay sa kanya.

Lahat naman ng tao napatingin sa akin.

Pumunta na ako sa pwesto ko at naghanda na. Pumosisyon na ako para mag-dive at ilang saglit lang ay may bumaril na hudyat go na.

Nag-dive na ako sa tubig saka ginawa ang freestyle. Nag-tumbling naman ako saka nag-butterfly papunta sa finish line na kanina ay starting line. Dali lang naman gawin eh. Ayun, panalo ulit ako sa bilis ko.

Ikaw ba naman, palanguyin ang dagat sayo. Hay naku, ewan ko kay daddy noon........

Nang umahon na ako sa pool, lahat napanganga. Tinanggal ko na yung cap ko kaya lumaylay yung wig ko na bumabagay sa swimsuit ko. Ayun, ang ganda ko daw. Tss, ewan ko sa kanila. Kanina, halos patayin nila ako sa kapangitan ko eh.

Agad ko naman sinuot yung robe ko at yung salamin ko. Naligo lang ako saka lumabas na din. Loose shirt lang naman suot ko saka jogging oants. Bawal shorts, makikita sugat ko. Okay pa kung nasa pool pa ako, di gaano kahalata.

Nakita ko naman si jansen na kasama si calvin at yung phantoms saka gangmates ko. Lumapit ako kay jansen. "Tara na"

"Sama daw tayo sa kanila para naman masaya" sabi ni jansen. Di bale, 10 palang, 10:30 pa ang skateboarding.

Tumango nalang ako at sumama na sa kanila. Nananahimik lang ako sa likod ng kausapin ako ni Karl, "congrats pala at pang-apat na panalo mo na yan. Sexy mo pala at ang ganda mo"

"Tss, welcome nalang" sabi ko.

Bumili lang kami ng pagkain dito sa canteen. Bubuksan ko na sana yung piattos kung hindi lang kinuha ni jarred yung piattos at tinaas. Aish, mas matangkad pa man din siya sakin!

"Jarred, bigay mo sakin yan" sabi ko. Nag-smirk naman siya, "abutin mo muna. Tiptoe ka lang saka reach out ng hand oh" sabi niya.

Napataas ako ng kilay. Anong meron dito?

Ginawa ko naman yung sinabi niya at onti nalang ay maabot ko na.

"Iya, anong nangyari sa tiyan mo?" Biglang tanong ni darren. Napatingin naman sila lahat sa akin. "Tss, alam mo pala. Bwisit ka" sabi ko kay jarred.

Bumili nalang ako ng bagong piattos saka lumabas na ng canteen at dumiretso sa skater park dahil dun gaganapin yung event.

Sinuot ko nalang yung mga gears saka napaisip, paano kapag nalaman nila ito? Edi malalagot na ako.

Mapapatawad niyo pa kaya ako sa gagawin ko? Nakakainis lang isipin na bakit kailangang ganito ang mangyari. Best man ako mostly, pero hindi ko hinangad yan. Mas gugustuhin ko pang worst kasama ang mga kaibigan at pamilya ko, lalo na si angelo.

"Mommy, okay po ba kayo?" Tanong ng isang babae. Napatingin ako sa kanya, "okay naman. It hurts but its okay. Ano ginagawa mo dito? Diba sabi ko dun ka lang sa loob ng room?"

"Eh, boring na ako mommy. Gusto kong maglibot" sabi niya. Napangiti ako ng onti. Buti pa itong batang tinutulungan ko, may pagasang makita ang magulang niya.

Mommy din tawag niya sakin dahil para daw ako ang mommy niya. Inaalagaan at binabantayan ko daw kasi siya.

"Dito ka na muna. Mamayang gabi maglilibot tayo. Okay?" Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya ng mabilis saka ngumiti.

"Iya? Sino yan?" Tanong ng babaeng nasa likod ko. Oh, andito lang pala sila.

"Mommy, sino sila?" Tanong ni tin habang nakatingin sa akin. "Mommy?!" Gulat na tanong nilang lahat.

"Omg! Kaya ka ba nagtatago ng sikreto kasi may anak ka na?!" Biglang nasabi ni anne. Napakunot naman noo ko, "anak? Wala. Hindi. Di ko siya anak. Tara na tin" sabi ko.

"Osige mommy. Bye po mga ate at kuya!" Sabi ni tin saka sumunod sa akin.

Anak? Bakit ako magkakaroon ng anak? Di ba halatang hindi ko siya kamukha? Sheeze...... Okay, kamukha ko man siya, super onti lang. Okay na ba?

"Jansen, batayan mo muna si tin habang maglalaro ako" sabi ko. Tumango naman siya at lumapit kay tin. Umalis na sila at pumunta sa bleachers.

Nagready na muna ako. Anytime ay magsisimula na ang laro, magsisimula na naman ang pandaraya ng Greathills University. Tch.

At sana, hindi agad agad maaaffect yung laro ko dahil lang sa tama ng baril sa paa at tiyan ko.

-----------------------------

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon