P62- In The Falls

3.2K 75 1
                                    

-------------------------

Victoria's POV

Mga 9 na ng gabi kami nakauwi at dumiretso agad kami sa unit ko kaso i found them standing infront of my door.

Napatingin naman sila sa akin, "finally, andito ka na" sabi ni anne.

"Bakit?" Tanong ko sa kanila. Napakapit sakin si tin ng mahigpit. Natatakot yata sa boses ko. "Oh well. We just want to remind you yung swimming natin mamayang 10" sabi ni ynah.

"Geh" sabi ko saka ko inenter yung code ko. Pumasok na ako sa loob, "kita nalang sa labas, mamayang 9:30" sabi ko saka sinarado yung pintuan.

"May swimsuit ka ba?" Tanong ko kay tin. Umiling naman siya. Oh, what do you expect. May swimsuit ang isang batang nasa loob ng kulungan? Tss.

Pumunta ako sa may telephone, "hello. Magdala kayo ng swimsuit na pang-8 years old dito sa room ko. Asap" sabi ko saka inend yung call.

"Dito ka lang. Wag mong ioopen yung door hangga't hindi worker yung nandiyan ha" sabi ko. Tumango nalang siya kaya pumasok na ako sa loob ng room ko.

Nagpalit lang ako ng two piece swimsuit na red. Saka tinapalan ko ito ng robe. Hinigpitan ko yung wig ko saka ko nilagay yung rubber sa leeg ko para matakpan yung tattoo ko.

"Mommy, andito na yung swimsuit" sabi niya. Binuksan ko yung pintuan ng kwarto ko at pinapasok siya. Nagbihis lang siya saka nilagay din yung robe.

"Okay lang ba mommy?" Masayang tanong niya. Tumango ako. Bagay naman sa kanya eh. Bukod sa maputi siya, maganda talaga siya.

Kinuha ko lang phone ko saka lumabas na ng kwarto. Dumiretso kami sa labas at nandun naman na sila naghihintay.

Agad kaming lumapit kay jansen. "Tara na sa beach" sigaw nila.

"Tss, beach lang pala. Akala ko mas maganda" sabi ko.

"Oh, and may alam kang mas maganda? Saan? Turo mo nga" sabi ni anne.

Sumakay kami sa cart, bale 3 carts kasi kaya nakasama ko si jeydon saka si tin. Si jeydon nag-insist eh. "Kuya, usual" sabi ko.

Tumango naman si driver at umandar na. Sumunod naman yung dalawnag cart.

"Usual? So.... Ilang beses ka nang pumunta dito?" Tanong niya. Napaisip ako, "uhm.... 5 times na yata or 6 so bale 6 time ko na ito or 7" sabi ko saka nanahimik.

"Ma'am, bagay kayo. Para kayong pamilya. Isang nanay, isang tatay, isang anak" comment nung driver. Binigyan ko lang siya ng glare kaya nanahimik na.

Natawa naman katabi ko, "bagay pala tayo eh. Gusto mong magkaroon ng tayo?" Sabi niya saka nagtaas baba ng kilay.

"Umalis ka na nga dito. Sipain kita at ihulog diyan eh" sabi ko saka inirapan siya.

"Mommy, malayo pa ba?" Tanong ni tin. Umiling ako, "malapit na. Bilang ka ng 10" sabi ko naman.

Nagbilang naman siya at saktong andito na kami. "Manghuhula ka pala?" Asar sakin ni jeydon.

Hinawakan ko nalang si tin sa kamay saka inirapan ulit siya. Nagsidatingan naman yung iba. Nagtaka sila kung nasaan daw. Di sila makapaghintay eh.

Pumasok na ako sa isang entrance door na akala mo luma, pero pagkapasok mo dun ay tutumbad sayo ang mga magagandang halamanan. Dumaan lang kami dun saka tumawid sa bridge. Di kalayuan, makikita mo na yung falls at nasa pinakatuktok kami.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon