Jayce's POV
Tinakbo ko simula dito sa aking pinagparkan hanggang sa loob ng sira sirang concert hall upang malaman kung ano ang mga kaganapan. Sabi na eh, tama ang hinala ko. May sumabog dito.
"Sino ka?" Tanong sa akin ng isang lalaki sa likod ko. Naalerto naman agad ako at humarap sa kanya habang nakahawak sa katana ko. Lima sila. Ngunit hindi ko pa din siya sinasagot.
"Sino ka?" Tanong niya ulit. Napasmirk nalang ako sa idea that's forming inside my head. "Sino ka?" Tanong ko sa boses babae.
He just shot me a deadly glare, "wag mo kong gayahin"
"Wag mo kong gayahin" sabi ko sa boses babae ulit. Hahaha, halata sa kanya na naiinis na siya. Pero ewan ko ba at tila ba ang saya saya ko.
Napatingin ako sa left side ko at napakunot ng noo. Si Sam ba yun?
"Ayun yung babae!" Sigaw nung isang lalaki at nagsipuntahan sa direksyon ni sam yata. Ngunit hinarangan ko sila sa kanilang dinaraanan.
"Hoy mimick! Umalis ka diyan!" Sabi ng isang lalaki. Tinaasan ko lamang siya ng kilay, "Or else what? Bark at me?"
"Aba't sumosobra ka na ah!" Sabi niya saka nakipaglaban sa akin.
Suntok at sipa lang naman ang nagagawa niya, pero mas malala sa akin. Iwas iwas lang ginawa ko. Two moves versus one. At dahil na-curious na talaga ako kung nasaan si sam ay sinipa ko na siya sa mukha niya.
Pupunta na sana ako sa direksyon ni sam ng may humarang muli sa dinaraanan ko. Ang natirang apat.
Nag tumbling lang naman ako sa likod ng isang lalaki at binaliktad ito. May susugod na sanang isa pa ngunit sinipa ko ang kaniyang paa, causing him to stumble and fall. Kinuha ko naman ang kamay nito at hinagis papunta sa lalaking ibinaliktad ko.
Nagulat ako nung may humawak sa dalawang kamay ko, "Game over kid"
Napa-smirk nalang ako sa sinabi niya. Game over na nga ba?
Tumalon ako pataas at sinipa ang kaniyang mukha. Hinila ko ang paa niya saka siya inihagos papunta sa iang lalaking hindi pa nabigyan ng tsansang atakihin ako.
Agad agad ay tumakbo ako papunta sa direksyon ni sam ngunit laking gulat ko ay wala na siya dun. This is a dead end dahil hanggang second floor ang pader na ito kaya imposibleng matalunan niya ito.
Napatingin ako sa likod ko at napansin kong may apat na lalaki dito. Napatingin ako sa right ko at may napansin ko ang pintuan. Agad ay pumasok ako dito at sinara ito.
Umakyat ako papunta sa taas at mangilan ngilan na hakbang ang nagawa ko kung kaya't ay pagod na rin ako. Mas malala pa ito kaysa sa practice namin.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa napadpad ako sa isang pintuan. Binuksan ko ito at makikita mo ang mga basag na gamit sa bawat paligid. Parang practice room yata ito dahil punong puno ng basag na salamin hanggang sa kabilang pintuan.
Nagulat ako nung bumukas ang pintuan na pinasukan ko kanina at iniluwa nito ang kaninang apat na lalaki. Naglakad sila papalapit sa akin at kalmado naman akong nakatayo sa gitna nang bumukas ulit ang pintuan.
Iniluwa naman nito ang limang babae. Mahahalata mo ang reaksyon nung mga lalaki, maliban sa isa, na manghang mangha na may halong pagkagulat.
"Alpha Phoenix Gang?" Gulat na tanong nung isang lalaki. Nagsalita naman yung isa, "anong ginagawa ninyo dito?"
"Tumulong malamang. Ano pa nga ba?" Tanong naman ng isang babae.
Nagsalita naman yung isang lalaki, "Bakit? May koneksyon ba kayo dito?" Tanong niya. Sinagot naman siya ng isa, "shut up. It's our bussiness. Mind your own bussiness"
"Teka, anong nangyayari?" Sabay na tanong namin nung isang lalaki. Nagkatinginan naman kami sa isa't isa at nagtaasan ng kilay. Napakunot naman ako ng noo dahil parehas kaming ginagawa ngunit ganun din ang ginawa niya.
"Mamaya na yan. Sino kakampi mo? Sila o ang skelenials?" Tanong nung isang babae sa akin. Napataas nalang ako ng kilay, "Sila? Di ko nga sila kilala. Andito lang ako para iligtas ang isa sa mahal ko. Ngunit skelenials ba kamo? Sila ba ang may pakana na naman nito?"
"Maaari dahil ang Skelenials ang pinakamalalang may nagagawa at ang pinakakalaban naming mga gangsters noon, ngunit ang reyna ng gangsters ay nakipag uhm... Peace deal? Sa kanila noon" sabi naman niya ulit.
Magtatanong pa sana ako ng may nagpaputok ng baril sa direksyon namin. Agad naman akong nakaiwas at ganun din sila. Mahigit 30 ang nandirito ngayon at biglaan ito kaya wala pa kaming proper training kung kaya't napagod agad kami.
Sipa, iwas, suntok, iwas. Mga usual na ginawa namin. Pero di ko akalain na may dala silang mga espada at katana, most especially ay mga baril. Pero naiwasan ko naman ang lahat maliban sa espada na tumama sa akin ng tatlong beses.
"Uhm ano, sa tingin ko ay kailangan mo munang magpahinga" sabi sa akin nung isang lalaki matapos naming tapusin ang lahat ng kalaban dito.
"Salamat pero kakayanin ko pa para sa mahal ko" sabi ko sa kanya at tumayo. Pinagpag ko ang pantalon ko, "Mimick nga pala" sabi ko sa kanya.
Wala lang. Sabi kasi nung isang lalaki kanina ay mimick kaya naisipan kong mimick na rin ang codename ko. Oh diba!
"Hi! Ako si senatorious. Sila naman ay sila Thunder, Silver, Fire, and Ice" sabi ng isang babae habang tinuro sila. Napatango na lamang ako.
"Ako ang Silver Dragon, yun naman ay ang Blue dragon at ang Green dragon" sabi niya kaya napatango na lamang ako.
"Speaking of codenames, sino ka nga pala at nakasama ka namin?" Tanong nung Blue Dragon. Napatingin naman kami sa isang lalaking mystery, "Uhm, ako si... Ako si Esjay!" Sabi niya.
"Hindi kayo gangsters noh?" Tanong nung Silver sa amin. Napatango na lamang kaming dalawa pero may sagot pa siya, "Hindi ako pero siguro oo. Di ako sigurado" sabi niya.
"Ah. Kami nga pala ang Alpha Phoenix Gang pero wala ang leader namin. Uhm, busy" sabi ni Ice. Napatango na lamang kami at nagsalita naman yung Green Dragon, "Kami naman ang Dragon Heir at gaya nila ay wala ang leader namin"
"Ah" nasabi nalang ni Esjay.
"Teka, kung hindi kayo gangsters, bakit anlakas niyo pag dating sa pagaaway? Mahilig ba kayo sa away kaya hindi na ganoon ka-basic ang pagaway niyo?" Tanong ni Green D. Napatango na lamang ako at nagkamot naman ng ulo si Esjay.
Magtatanong pa sana ako ngunit may narinig akong putok mula sa kabilang kwarto. Nagkatinginan naman kaming lahat at napatango. That only means one thing.....
To go in there and do our best to fight and survive.....
![](https://img.wattpad.com/cover/67590619-288-k560898.jpg)
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Ação[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...