Chapter 16

6K 133 0
                                    

Chapter 16: Andrei Nicolas

______________________________________

Victoria's POV

Ugh, nagising ako ng mga 5 ng umaga. Late na nga ako natulog, ang aga ko pa bumangon? Tss.

Nagbihis lang ako ng jogging pants, sando with hood at cap. Kinuha ko yung iphone ko na nakasaksak mula kagabi at yung headset. Wala akong magawa eh, kaya jogging muna.

Lumabas ako ng bahay at nagsimulang mag-jogging. I want to get exercised. Makakasira ito sa model ko. Wahahaha, echoss. Sabi ko eh sa august nalang mag-accept ng offers sa manager ko.

Speaking of, sino ba yung tumawag sakin kagabi? Maliban kay tanda ah. Yung unkown ang number. Hindi kaya yung mga gangsters? Halla.

Bwisit naman kasi yang impostor na yan. Papatayin ko yung mga walang hiyang impostor na yun! Mangaagaw yun. Kita nilang hindi sa kanila yung trono eh.

Sana bumalik na ang tunay na reyna at prinsesa. Alam kong buhay sila.

Grrrr

Sabi ng tiyan ko. Anong oras na ba?

Halla, ganun na ba ako katagal mag-jogging?! Malapit na mag-7?! Ano ba yan.

Di bale, naka-23 na akong ikot dito sa buong village na ito. At sakto, nasa park ako. Pumunta ako sa isang tindahan at bumili. At dahil likas ang kaartehan ko sa pagkain, nagpaluto ako ng 6 na barbecue sa ganitong araw. Bumili na din ako ng snacks ko.

3 Japanese potato chips, 2 cheese cupcake, 2 nova at 2 piattos, at siyempre bumili na din ako ng 3 mineral water. Oh diba? Hindi ako matakaw. Nag-jogging ako kaya mag-didiet ako.

Well, depende sa pagkain.

Kinain ko na yung 4 na barbecue. Iniwan ko muna sa baso yung dalawa dahil gusto kong kumain ng chips. Binuksan ko yung isa at kumain. Hihihi, favorite ko ito eh.

Naglakad ako habang nakasabit yung plastic sa kamay ko na may laman na mga binili ko kanina habang hawak ng left arm ko yung baso kung nasaan yung barbecue at yung potato chips. Eh sa kumakain ako.

Pupunta sana ako sa duyan para kumain habang nag-duduyan, malamang. Kaso may nakita akong batang umiiyak na nandun, malapit sa duyan. Nilapitan ko naman siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

Napatingin naman siya sakin at umiling. Umiiyak pa din siya. Umupo ako para mapantayan siya.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Hindi niya ako sinasagot, takot yata sa mga taong naka-hood kaya tinanggal ko yung hood ko.

"Don't worry, hindi ako nangangain" sabi ko at ngumiti.

"Wow, ate ang ganda mo! May kamukha kang model pero hindi ko na maalala. Pero, masakit pa din po yung sugat ko" sabi niya at umiyak ulit. Bipolar lang ang peg?

Tinignan ko yung sugat niya, hindi naman pala ganun kalala.

"Nadapa?" Tanong ko. Tumango siya.

"Teka, jan ka lang" sabi ko. Sinuot ko ulit yung hood and cap at bumili ng band aid at betadine, pati na rin yung cotton.

Binalikan ko siya at nilagyan ko ng betadine at band aid. Tumigil naman siya sa kaiiyak.

Habang nilalagyan ko siya ng betadine, nakatingin lang siya sakin. Argh, bakit ko ba ito ginagawa? Hay. Basta ewan ko, feeling ko magiging close ko siy- I mean, naaawa ako.Wala kayong ibang nabasa dun!

"Thank you po ate!" Sabi niya at hinug ako. Bumitaw din naman agad siya.

"Ako po pala si Andrei Nicolas, Nick nalang po. Eh ikaw ate, anong name mo?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Victoria. Tory" sabi ko. Nginitian niya ako.

"Ang ganda po ng name niyo, kasing ganda niyo po" sabi niya. I smiled at that thought.

Siguro pag laki nito, it's either bolero siya o playboy.

"Nick, andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!" Sabi ng isang lalaki. Napatingin ako sa kanya pero bigla ding yumuko. What the heck is jeydon doing here?!

"At saan ka galing bata ka?" Tanong niya kay nick. Wait- What? Magkakilala sila ni Nick?!

"Eh kasi pupunta sana ako dito para mag-slide kaso eh... Nadapa ako.... Ayun, nagkasugat ako. Tinulungan ako ni ate tory"

Manahimik kang bata ka!

"Tory? Ahh" sabi ni jeydon at napaharap sa akin.

"Hi, I'm Jeydon Vincent. Sorry kung naistorbo ka pa ng kapatid ko ah. Makulit kasi siya" sabi niya at napatingin sa kapatid niya na binigyan niya ng glare.

"M-magka-apatid kayo?" Tanong ko. Tumango naman si Nick.

"Opo ate. Kuya ko po itong panget na mukhang unggoy na ito" sabi niya. Napangiti ako, may kakampi pala ako eh.

"Teka, tory? Familiar ang name mo, familiar ka din. Do we know each other?" Tanong ni jeydon. Umiling ako ng mabilis.

"Uhm, sige. Una na ako Nick and Jeydon. Nice meeting you" sabi ko at umalis agad dun.

"Teka lang" sabi ni jeydon at hinawakan ako sa kamay. Babawiin ko sana yung kamay ko kaso mas hinigpitan niya.

"Tory? Victoria Anderson?" Sabi niya. Wow. Shocking. Note the sarcasm.

"Kilala mo siya? Oh my gosh, ang ganda niya kaso sabi ay nerd daw siya" sabi ko at pinipilit kong maging hyper boses ko. Nalito naman siya.

Ganun ba kahalata na palusot lang sinasabi ko? Waaa~

"As much as I want to talk to you para sana magtanong ng mga details about her, I have to go" sabi ko at binawi na talaga kamay ko.

"Bye ate Tory, nice meeting you" sabi niya. Napatingin ako sa kanya.

"Nice meeting you too" sabi ko at tumakbo palayo sa kanila.

Phew, my gosh. Malapit na yun ah.

Bumalik na ako sa bahay ko na pagod na pagod. Nakita ko naman sila na andaming niluluto.

"Uhm, may occassion ba?" Tanong ko. Napatingin sila sa akin.

"Ah, wala hehehe. Sige, una na po kayo ma'am" sabi nung isa. Hmm? I wonder....

I just shrugged at my thoughts at umakyat na. Pag dating ko sa kwarto, putek?!

Bakit may two piece na swim suit sa higaan ko?! Anong gagawin ko dito?!

"Sino ang may pakana nito?!" Sabi ko. Tss, bahala sila diyan.

Kapag nalaman ko kung sino ang pumasok sa kwarto ko, I swear na lagot yun sakin mamaya.

Aba, swerte siya at nakapasok sa kwarto ko ng walang galos o hindi pa patay. Mga pinapapasok ko lang ang pwedeng pumasok. Kahit importante yan.

Tinapon ko yung two piece na swim suit sa isang cabinet at pumasok sa walk in closet ko. Kumuha ako ng white shorts at sando at panloob at saka twalya. Pumasok na ako sa bathroom at naligo na ako. Pagkatapos nun ay nagbihis na ako ng pambahay ko.

May mga naririnig akong sigawan sa labas. Mga bwisit, hindi manahimik!

Lumabas ako ng kwarto ko. Tinignan ko buong bahay kung sino ang mga nagsisigawan pero wala akong nakita.
Last place: garden.

Pumunta ako sa garden. Inopen ko yung sliding door at pumasok. May bigla namang pumutok at sa akin pa talaga tumama.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon