Chapter 39

4.1K 103 2
                                    

Chapter 39: Hold hands

______________________________________

Victoria's POV

Ilang saglit lang ay pumasok na yung principal. Umakyat na siya sa stage at nagsalita, "Okay, andito tayo para pagusapan ang nalalapit na sports fest. Alam niyo naman siguro iyon diba?"

Napatango nalang yung mga estudyante dito at ako lang ang hindi sumagot. Task, kailangan pa ba?

"Lahat kayo, isasali namin sa sports fest. Ibibigay ko na yung names niyo at sasalihan niyo sa magiging leader niyo. Siya ang susundin niyo. Kung hindi, I guess na maguusap tayo ng matino. Understand?" Sabi niya at um-oo nalang yung iba.

"As for our leader, I would like her to come up on the stage" sabi niya. Nagbulungan naman yung mga kasamahan ko. Her? Diba dapat him kasi anak si Jeydon ng principal?

Oh wait. Baka babae talaga si Jeydon?

"Victoria Anderson, please come up to the stage" sabi niya. Napatingin naman agad ako sa kanya

"What? Pero bakit ako?" takang tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.

Nginitian niya naman ako, "May nakapagsabi sa akin na magaling ka and pinakita lahat ng certificates mo sa phone niya. Gold medalist in swimming. First place in track and field. Best in arche-"

"Fine. Tss, parang kilala ko na yung nagbigay ah. And di mo na PO kailangan sabihin lahat. Nakakahiya PO," sabi ko at tumayo na. Umakyat na ako sa stage and sinabing lahat ng nakalista dito.

Well, nakalista naman lahat ng mga kaibigan ko dito eh. Okay na rin yun sa akin. Inaannounce ko nalang lahat ng sasali at bumalik na sa upuan ko.

"Uy, di mo sinabi sa amin na ilang beses ka na pala nanalo sa sports" sabi sa akin ni Anne. Sumingit naman si Ynah, "Oo nga. Well, alam naming magaling ka pero hindi namin alam na sumasali ka sa ganyan. Nakakatampo"

"Tigilan niyo ako" sabi ko na lamang at napatingin na lamang sa harapan.

"Sa lahat ng mga sasali, practice kayo. You may use the gym or anywhere here in the school to practice next week. Excuse kayong lahat sa afternoon classes niyo" sabi ni principal.

"Kailan po ba gaganapin ang sports fest?" takang tanong ng isa.

"Well, gaganapin ang sports fest the week after next week. Whole week kayo sa Southern Isle. For Monday, pagdating niyo dun ay pwede munang magpahinga. Free day niyo yun. Tuesday til Friday ang sports fest. Saturday naman ay free day niyo at gabi na kayo uuwi" sabi niya.

"Ma'am, saan po kami mag-stay?" Tanong naman ni Jansen. Sinagot naman siya.

"You will stay at the ASH or mostly known as AnderSon Hotel. And sa Sunday ang alis niyo. Meet kayo dito sa school before 7 dahil aalis na kayo ng 7 para pumunta na sa AS Airline. Baka makarating kayo ng mas maaga dun kaya mas matagal ang pagpapahinga niyi.  And be sure na magdala kayo ng outfits niyo na pang-swimming or hiking or kung ano pa"

Great. Sa hotel at airline ko pa! -.- meron pa bang mas lalala dito niyan? Hay nako.

Natapos na rin yung meeting at pinatawag ako ni principal sa office niya kasama si Jeydon. Pumasok na ako sa loob at sumunod naman si Jeydon. Umupo na kami sa couch nang MAGKAHIWALAY.

"Jeydon, ikaw ang magiging co-leader. Tutulungan mong si Tory mag-handle kapag may mga magugulo. Sana maaasahan kita diyan, Jeydon. At nga pala, walang magrereklamo sa inyong lahat or tututol sa kagustuhan ng leader niyo para sa kaligtasan niyo" sabi ni ma'am. Tumango nalang siya.

Binigay na sa akin yung listahan ng mga sasama at mga sinalihan. May isa rin dun na parang checklist kung sino na yung mga nandun. Binigyan din ng extra copy si Jeydon para tulungan ako.

Lumabas naman na agad kami pagkatapos niyang sabihin lahat ng requirements.

Hinawakan agad ni Jeydon kamay ko at hinila ako.

"Hoy teka, saan tayo pupunta?" asar na sabi ko habang nakakunot ang noo.

"Canteen. Kain muna tayo. Di pa tayo nag-recess" sabi niya kaya dumiretso naman agad kami sa canteen.

Pumunta agad kami sa counter at pansin ko lang ah, andaming nakatingin sa amin.

"Anong gusto mo?" tanong niya.

Tumingin naman ako sa menu. Asih, di ba siya naiilang na nakatingin sa akin? Ako kasi oo, may pangit na nakatingin sa akin.

"Lasagna, iced tea at barbecue nalang" sabi ko sabay tingin sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin at tumingin sa babaeng nasa counter.

"Yun na. Make it two" sabi niya. Nagbayad na siya at sabi niyang libre niya na daw. Hayaan na, may sakit yata ang tao eh.

Umalis na kami dun, knowing na iseserve nila yung pagkain na parnag nasa restaurant. Naghanap na kami ng available seat. Lumingon kami at nakita namin sila Jansen na kumakaway sa amin at nakangiti. Hinila naman agad ako ni Jeydon dun.

"Late ba kami sa balita?" Sabi ni Darren sa amin. Nagtaka naman ako.

"Bakit? Anong balita?" takang tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay.

"Yung balitang ganyan" sabi ni calvin at may nakakalokong ngiti. Balitang ganyan? Huh? Ano daw?

"Balitang ganyan? Meron bang ganun?" takang tanong ko ulit at napakunot naman ang noo.

"Psh, ang slow mo" sabi ni Irish. Napakunot naman ako ng noo. Paano naman ako naging slow?

Lahat sila nakatingin sa amin. Tinignan ko naman kung saan sila nakatingin at napunta ito sa kamay ko. Yung kamay ko at kamay ni Joydon.

Tss, oo nga pala. Magmula pagkalabas namin sa hall ay hinila na agad ako ni Jeydon at di pa din niya tinatanggal hanggang ngayon.

"Pwede ka na bang bumitaw?" Tanong ko kay Jeydon. Napatingin naman siya sa kamay namin at namula yata ng onti? Ewan ko. Gutom na talaga siguro ako.

Binitawan naman niya kaagad kaya umupo na ako sa tabi ni Calvin. Tinabihan din naman agad ako ni Jeydon.

Jeydon--  me--  Calvin--  Jansen--  Darren
Kai--                  TABLE.                         Yra
Irish--     Jarred--     Anne--     Jk--     Ynah

"May tinatabihan yung isa jan" pagpaparinig ni Jk. At dahil curious ako, "Sino?"

Napasapo naman sila ng noo, "si Jeydon"

"Anong meron dun?" Inosente kong tanong. Sumingit naman si Jeydon, "Walang meron. Gusto kong tabihan si Kei"

"Ayie, si fafa Jeydon! Gusto niya akong tabihan!" Sabi ni Kei at kunyaring kinilig. Napatawa naman silang lahat sa inakto niya.

"Aish, tigilan mo ko. Suntok abot mo sakin" asar na sabi ni Jeydon at sinamaan siya ng tingin.

"Sige na nga po fafa Jeydon. Titigil na po ako" sabi niya. Kumain lang sila, oo sila. Wala pa order namin eh.

Ilang saglit lang ay dumating na inorder namin. Binigay agad ito nung waitress at halatang nagpapacute pa kay Jeydon. Tss, ampangit naman niya.

Kumain naman agad ako at nakita kong nakatingin sila sa amin. Napatingin ako sa kanila, "What are you looking at?"

"Nothing. Pero, same order?" Tanong ni Anne. Napatingin ako sa order nilang paubos na. Wala man lang kaming kaparehas sa kanila. At wala ding magkaparehas sa kanila.

"Bakit naman? May problema ba?" tanong ko at nagtaas ng kilay.

"Uhm... He-he. Wala lang master este Iya" sabi naman ni Ynah. Binigyan ko siya ng glare kaya nanahimik na. Nagbigay naman ng topic si Calvin kaya nagdaldalan na sila except sakin at kay Jeydon na nananahimik at kumakain.

Ilang saglit lang ay dumiretso agad kami sa room. Pagdating namin dun ay saktong nag-bell, hudyat na english time na.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon