---------------------
Jansen's POV
Di ko na alam kung nasaan ako pero nasa gubat pa din ako. Anlayo na nga ng tinakbo at tinatakbo ko, pero pagod na ako. Idagdag mo pa yung ilang beses na akong nadapa. Ayan tuloy, may dalawa na akong pasa tapos andungis ko pa.....
Napahinto naman ako sa isang puno at huminga muna. Saka tumakbo ulit ako.
Huli na nung narealize ko na may napatid akong tali. Buti nalang at nakaiwas ako. "Yikes! Booby traps" sabi ko saka nagingat na sa tinatakbo kong daanan.
Pero wala eh, nahulog pa din ako sa may isang butas. Eh paano ba naman, takpan daw ba naman ng madaming dahon, paano mo hindi malalaman diba?
"Tory, sana ligtas ka. Sana iligtas mo din ako" sabi ko saka umupo.
Napaiyak nalng ako nung naiisip ko yung kapatid ko at si nanay. Miss na miss na siguro nila ako. Paano pa kaya kapag nalaman nilang wala ako? Naiwan pa naman phone ko sa plane.
May narinig naman akong tumatakbo. Sisigaw na sana ako para matulungan ako ng may nagtakip ng bibig ko.
Who the hell is this?!
Victoria's POV
Takbo lang kami ng takbo ng may napansin ako. Isang tali na parang net ang nakababa. "Hindi kaya si jansen ang nakaiwas dito?" Tanong ko.
"Or yung leader?" Pagpaparinig naman nung isa. Inirapan ko nalang siya saka tumakbo pa. Alam kong ito na yung simula papunta sa death pit dahil may traps na.
"Ingat ka niyan" sabi niya. Tinanguan ko nalang siya. Madami din kaming nalampasan na traps. Gaya ng mga knifes, bombs, at arrows na tatama samin kapag may naapakan kami. Halata kaya pagkalagay.
May mga naiwasan din kaming traps na pagkain na alam kong may lason. At yung mga butas na pwede kang mahulog.
"There he is!" Sabi niya sa akin. Napatingin naman ako dun sa sinasabi niya, yung leader nila. Binilisan ko naman yung takbo ko ngayon nang may napansin akong isang babae at lalaki sa may isang puno.
Parang ginagamot nung lalaki yung babae. Narealize ko na si jansen pala yung babae. "Breeze, ikaw muna bahala sa kanya" sabi ko saka pinuntahan si jansen.
"Jansen, finally! Naabutan kita" sabi ko at hingal pa din ako.
"Tory! Buti alam mo kung nasaan ako" sabi niya. Halata mong umiyak ito eh.
"Ehem" sabi naman nung isang lalaking naka-maskara. Napatingin ako sa kanya, "hi. Thanks sa pagalaga sa kanya. But she needs to go" sabi ko.
Tinaasan naman niya ako ng kilay, "and why? Kita mong may sugat pa siya" sabi naman nung lalaki. Tinaasan ko din siya ng kilay, "and bakit naman kita susundan? Sugat lang yan at pasa. Mahiya ka sa kaharap mo na tumakbo paa iligtas siya" sabi ko na nagpatahimik sa kanya.
"Jansen. Kailangan mong bumalik sa airport. Susunod din ako. Diretso ka dun at wag mong sabihin kung saan at anong nangyari. Not one. Ingat ka sa booby traps" sabi ko.
Tumango naman siya at tumayo. Tumakbo din naman siya agad papunta sa north na sinabi ko.
"Tsktsk. Kawawang bata. Pinatakbo at pinaalis agad kahit may sugat" sabi nung katabi ko.
Humarap naman ako sa kanya ngayon, "pake mo naman? Sino ka ba? Stop butting in someone's life" sabi ko.
"I'm trez. At sa tingin mo, you are not butting in her life?" Sabi niya. Napairap nalang ako sa kawalan at dumiretso sa leader na yun.
Pinagtulungan namin yung leader na yun sa pakikipaglaban hanggang sa tinulungan na din kami ni trez. Wow, i admit na ang hirap niyang kalabanin. Tatlo na kami ah?
Pero magaling naman sa pakikipaglaban itong dalawang ito. Lalo na si trez. Sa aming tatlo, ako lang walang maskara. Daya nga nila eh.
"You know, kailangan mong improve yung moves mo. Masyadong makaluma" sabi ni trez. Inirapan ko naman siya, "pake mo naman" sabi ko.
"Anyways, anong pangalan mo?" Tanong nung gagong trez. Sinagot nalang siya ni breeze nung napansin niyang hindi ako magsasalita, "she's tory"
"Wow, tory. For a nerd like you, hindi halatang magaling ka sa pakikipaglaban. Bakit ka nga ba hinahabol ng mga skelenials?" Tanong niya.
"Oo nga eh. Bakit nga ba?" Tanong nung maingay.
"Ewan. Nanghabol nalang sila biglaan eh" sabi ko. Tinanong ko din naman sila, "bakit kayo nandito sa forest? Lalong lalo na malapit pa sa death pit?" Tanong ko.
"I live anywhere in forest" sabay nilang sagot. Tinaasan ko naman sila ng kilay, "eh paano kayo nagkita ni jansen kanina?" Tanong ko kay trez.
"Likipat na sana ako ulit ng forest ng may napansin ako. Ang gulo ng mga dahon sa isang trap eh, ayun, pumasok ako sa loob. Pero bago yun, may nakita akong lalaki na tumatakbo sa ewan. Tinakpan ko naman agad yung bibig nung jansen kasi akala ko sisigaw siya dahil sakin. Hindi pala" mahabang explanation niya.
"Ahh. So palipat lipat kayo ng forest?" Tanong ko.
"Yeah. Madalas malapit sa danger zones" sagot ni gago. Sumingit si ingay, "same with me" sabi niya.
"Family?" Tanong ko sa kanila. Umiling sila parehas. "Lost boy" sagot ni ingay. Sumagot din naman si gago, "dead" sabi niya.
Tumango nalang ako at nagpahinga pa ng onti. Ansarap naman kasing humiga dito sa damuhan. Even though nangangati ako lagi kapag sa damo.
Tumayo na ako at pinagpag ko damit ko, "i need to go" sabi ko saka naglakas papunta sa north. Nagtaka naman sila, "to where?" Tanong ni gago.
"Home. Estudyante ako noh" sabi ko saka pinagpatuloy yung lakad ko. Gusto ko nang mahiga sa kama ko.
Tumayo din silang dalawa at tumabi sakin, "hatid ka na namin, para naman ligtas ka mula sa forest na ito" sabi ni ingay.
Di ko nalang sila pinansin at naglakad. Bahala sila sa buhay nila kung gusto nilang sumunod o hindi. Basta gusto ko nang umuwi, kumain, at matulog.
Trez's POV
Ang weird lang ni tory ah?
Alam kong nerd siya pero imposible naman kasing hidi siya matakot sa amin. Ang galing niya pa makipaglaban. Tapos dahilan pa siya kung bakit hinahabol siya nung leader kanina. Then, parang wala lang yung nangyari sa kanya. At parang may alam pa siya sa skelenials.
I think she knows something is up with the gangster world.
Siguro gangster siya? At alam niyang peke yung queen at princess dun dahil nakipagsundo sila sa skelenials?
I hope na okay lang si dark knight, alam kong nahihirapan na siyang hanapin yung totoong prinsesa ng gangsters. Although, hindi kami sure kung buhay pa siya or hindi.
"Woy, anlalim. Mabunggo ka niyan trez" sabi sakin ni breeze. Matagal na kaming magkakilala dahil nakikita namin ang isa't isa kapag nag-cro-cross ang landas namin.
"Di yan. Ingay mo pa din. Ewan ko ba kung bakit may silent yung codename mo" sabi ko sa kanya saka tinulak yung mukha niya palayo.
"Hmm, iniisip mo pa din si dark noh? Or maybe..... Si tory?" Sabi niya ng nakangiti. Inirapan ko nalang siya. "Manahimik ka nga. Mind your own bussiness" sabi ko.
Hinatid lang naman namin si tory hanggang sa likod ng airport eh. Yun sabi niya. Saka bumalik na ako sa place ko sa forest. Bukas nalang siguro ako lilipat ng forest.
-----------------------------
So sorry guys. Lalong tatagal ang update since pasukan na namin niyan bukas.As a treat. 3 updates bukas ^.^ hehehe xD
-Ishia<3
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...