Kei's POV
Lumipas ang ilang minuto at lumabas na siya ng cafe. Bumili lang siya ng isang wine at saka dalawang baso. Para kanino kaya yung isa? Sino ang kasama niya na iinom dun?
Sumakay na siya sa kotse niya at sinundan ko din ulit hanggang tumapat kami sa isanv bahay. Bahay niya kaya ito? Maganda siya kaso hindi ko naman alam na may bahay pa pala siyang iba dito.
Lumabas siya daladala yung isang boquet of flowers, wine, mat, and a box. A mysterious box. Ano naman kayang laman nun?
Lumabas ako ng kotse ko saka pumasok sa loob ng patago. Nakita ko naman na nilatag niya yung mat dun at umupo siya dun. Katapat naman niya ay isang parang puntod yata. "Hi..."sabi niya.
Kausap niya yun? Baliw ba siya? Alam naman niya sigurong hindi tao kausap niya diba? Cement yun for pete's sake. Galing ba to ng mental?
"I kinda miss you. Sorry kung 3 years na din akong hindI nakakadalaw sayo" sabi niya saka yumuko. "Alam kong mataas ang pride ko sa lahat ng bagay and I never give up. Pero hindi ko alam na mangyayari ang ganung trahedya"
Trahedya? Car accident? Geeze kei. Don't jump into conclusions. Baka marinig pa ako.
"Hindi ko ginusto yun dad. Hindi ko alam na susulpot nalang silang bigla. Hindi ko alam na naghahanap lang sila ng timing para patayin tayo... para patayin ka" sabi niya. Dad? Patay na nga talaga siya. Ito yung niresearch ni red nun ah?
"Dad, sorry din pala kung ganun ako dati. I know na bata pa ako nun so that is why sa simpleng bagay ay kinaiinisan ko na" sabi niya. Kinuha naman niya yung dalawang baso saka binuhos dun yung wine. Nilapag niya yung isang baso sa tapat ng puntod na iyon, "uhm I don't know how to greet you dad kasi hindI naman talaga masaya ang pagkamatay ng isang tao lalo na at mahal mo pa... pero... happy 3'rd death anniversary dad"
3'rd death anniversary?
Tory's POV
Yung araw na namatay siya, may inis pa ako kay dad nun. One week before nun ay may family reunion kami. Lahat ng mga tito at tita ko ay dumating maliban kay tito janver na hindi namin alam kung nasaan. Pero hindi nakadating si dad kaya ayun, nainis ako dahil hindi kami kumpleto.
One whole week ay wala siya dahil nasa isang meeting pala siya. And hanggang dumating yung araw na namatay siya, hindi ko siya pinansin nun.
Dahil alam niyang mahilig ako sa rides nun ay pumunta kami sa carnival, nasaktuhan nga yung oras eh. Yun yung ginawa niya para makabawi pero nakadisguise siya. Ang hindi ko lang alam ay sinusundan na pala kami.
Bawat sakay ko ng rides ay hindi siya sumasakay. Sabi niya binabantayan niya lang daw ako. Yun pala alam niyang may sumusunod sa amin. At bawat oras na hindi ako nakatingin sa kanya ay nakikipaglaban siya ng patago. Hanggang nalaman ko nalang na nakikipaglaban na siya, susugod na sana ako. Pero pinigilan niya ako by secret signs.
Nagtago ako sa isang lugar na walang makakakita sa akin at ilang minuto lang ay nakita ko siyang duguan na. Buhay pa siya, kinakayanan niya para sa amin pero hindu niya na kayang maglakad o makipaglaban pa dahil puno na din siya ng bala. Hinila ko siya papunta sa akin para matago ko siya. May narinig akong paparating kaya pumasok ako sa ferries wheel na patago buhat buhat si dad. Nang biglang huminto ay nasa pinakatuktok kami, kaya ayun. Dun ako nagiiiyak nun ng magdamag. Wala naman kasing makakarinig sa akin eh.
At yung time na buhay pa siya nun, madami din siyang pinaalala sakin. At ang hindi ko kinalimutan nun ay bantayan ko ang pamilya ko kahit na anong mangyari, kahit mawala na sa amin ang buong yaman namin. Meron pang isa, ang hanapin ang nawawala kong tito, si tito janver.
Nahanap na namin bangkay ni tito janver ngunit hanggan ngayon ay di namin mahanap ang tinatago niyang pamilya niya.
Hayst buhay, daming drama.
"Dad. Sorry din po kung hindi ko na naprotektahan si mama at yung isa kong kapatid. Sory din po kung tinakasan ko yung risk na dumating kila kambal, na hanggang ngayon ay nilalayo ko pa din sila" sabi ko. Pinunasan ko yung tumulo kong luha.
Oo, tinakasan ko yung problema. Walang maalala sila kambal patungkol sa mga nangyari dun at sa pagiging gangster nila. Si lolo ay walang kaalam alam sa mga nangyayari dahil lagi siyang nakafocus noon sa pagkamatay ni lola.
"Dad, alam kong madami na akong kasalanan pero sana mapatawad pa ninyo akong lahat. Sana maintindihan nalang ako ng mga kaibigan ko sa mga gagawin ko. Sana balang araw ay makikita ko nalang sila na masaya na kasama ang kanilang pamilya nang walang namatay" sabi ko.
Magsasalita pa sana ako ng may narinig akong ringtone ng isang cellphone. Impossibleng sa akin yun dahil iniwan ko ang phone ko sa sasakyan ko. "Sinong nandiyan?"tanong ko ng malakas.
Walang sumagot.
"Uulitin ko. Sino ang nandiyan?" sabi ko ulit. Ngunit gaya kanina ay wala pa ding sumasagot.
May narinig naman akong tumalon sa labas kaya dumiretso agad ako sa labas. Nakita ko naman yung kotse niya na umalis kaya agas akong sumakay sa sasakyan ko. "Whoever you are, mas maganda ang nangyari sayo kung sumagot ka kanina sa tanong ko" sabi ko saka napasmirk.
"Sana lang nakahanda na yung burol mo ngayon...." sabi ko saka pinaandar ko yung kotse ko.
------------------
Next UD on saturday :)
-Ishia<3
BINABASA MO ANG
SHE'S THE VICTORIOUS
Action[Under re-writing for a new and clearer version] In a world where gangs, mafias, assassins, reapers, and other killers exist is a world where demons and devils also exist. But one is different from the others. 5 identities as one. Is it even possibl...