P55- Volley Ball Unknown

3.4K 84 0
                                    

-------------------

Victoria's POV

Pumunta ako sa volleyball match dahil makakatulog lang din naman ako sa chess. At bawal ding manuod dun dahil baka daw kami makaistorbo sa laro. Tch, dami nilang alam.

Actually, hindi rin naman ako nanunuod sa volleyball match. Tutok lang ako nanunuod sa phone ko sa ilalim ng bleachers. May kinuha akong photographer para namang may pictures.

"Oh, leader, bakit ka nandito?" Tanong ng isang lalaki. Napatingin naman ako dun at napataas ng kilay na parang nagsasabi kung sino ka. "Relax ate leader. Ako si ashley. School mate mo" sabi niya.

"Bakit nandito ka? Diba dapat nanunuod ka sa match?" Tanong ko.

"Naboboring ako ate eh" sabi niya. "Kung naboboring ka, huwag kang mangistorbo ng taong busy" sabi ko at binalik yung focus ko sa pinapanood.

"Lilibot lang muna ako ate" sabi niya. Tumango nalang ako at umalis na siya. Tch, kids.

Natapos na yung movie kaya tumayo na ako at lumabas na sa likod ng bleachers. Umupo nalang ako at nakinuod na. Laro na nung school namin Vs. yung Greathills Univeristy. Girls match lang naman eh.

Napansin ko naman na nangdadaya sila at mukhang hindi naman napapansin nung ref. nung nagpa-time out sila, tumayo ako at lumapit sa kanila. "Oh, leader? Anong problema?" Tanong ng isang babae.

"Napansin niyo naman siguro ang pandadaya nila diba?" Tanong ko sa kanila. Tumango naman sila. "Wag kayong mandadaya pabalik. Kung malakas man tira nila at sa tingin niyo ay hindi niyo masasalo ay huwag kayo magpapatama. Injury ang mangyayari at magsu-sub tayo ng mag-sub hanggang sa wala na. At kapag wala na, maaaring disqualified na tayo sa lahat ng laro. Remember, first day palang. Mas importante ang kalagayan niyo"

"Concern si tory oh" sabi ni ynah. Yes, kasama siya. "Tss, basta yun lang. Pabayaan niyo kung matalo tayo basta ginawa niyo ang lahat para manalo" sabi ko at bumalik na sa kinauupuan ko.

Nagsimula naman na din sila after ilang minutes simula nung kinausap ko sila. Nilabas ko yung camcorder ko at nag-video patago para malaman kung sino yung nandadaya.

Habang hindi pa naman nag-seserve dahil kinakausap nila yung coach nila ay nilibot ko yung camcorder hanggang sa tumama sa isang tao. Isang lalaking nakahood at nakatingin sa mga players ko.

"K-kei, hawakan mo itong camcorder. Ivideo mo kung paano mahlaro yung players sa kabilang team ng patago. May aasikasuhin lang ako" sabi ko kay kei habang nakatingin dun sa lalaki. Binigay ko naman agad kay kei yung camcorder at tumayo na.

"Saan ka pupunta tory?" Tanong sa akin ni jeydon pero hindi ko muna pinansin. Pumunta agad ako dun sa lalaki ngunit napansin niya ako kaya umalis siya.

Hinabol ko naman siya ng hinabol. Ikutan at hanapan lang ito. Familiar ba? Yung pinaikot ka lang at hinabol habol mo. Ganun lang. Parang sa track and field diba?

Sumakay agad ako kay dark nung nakita ko siyang sumakay sa motorcycle. "Dark, sundan mo siya. Now!" Sabi ko. Nagstart naman agad yung engine ni dark, "yes VS" sabi niya at pinaharurot na ni dark sarili niya.

"Dark, machines" sabi ko. Bumukas naman agad yung isang drawer dun at kinuha ko yung palaso ko. Shit, kay deadly viper ito kaso wala na akong choice. Kukunin ko nalang ulit mamaya yung arrow ko.

Binuksan ko yung car top at humahanap ng tantsa na itira ito. Hindi pa ako pwedeng tumira dahil madaming tao.

Umupo na muna ako ng maayos sa driver seat at inayos ko damit ko. Sinara ko muna yung car top at ginawang tinted yung windows. Sinuot ko yung mask ni deadly viper at nagpalit din ng damit. White long sleeves at black leggings. Sinuot ko din yung boots kong black.

SHE'S THE VICTORIOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon