I

197 3 7
                                    

NOVEMBER 10: Tuesday

Bye.

Napakagandang pagsalubong sa sarili ko, tutal, mamatay lang naman ako. Wala na naman ata akong magagawa. Umalis na sila sa buhay ko. Ramdam ko ang pagdausdos ng luha sa'king pisngi.

"Jacq--?"

Binilisan ko ang pagpunas ng luha ko't itinaas ko naman ang kamay ko. I'll cut my teacher's tongue if he dare to say my surname.

Tumango naman si Sir at ngumiti saakin.

"Angel Manlangit?" Sunod na banggit nito ng pangalan na sumunod saakin.

"Sir..." Sabi ng babae naman na nasa-unahan ko, habang itinataas pa ang kan'yang kanang kamay.

Pagkatapos n'yang itaas ang kamay niya, humalumbaba naman ako at ipinikit ang aking mata.

Ang ganda naman ng pangalan na Angel tapos apelyido mo pa Manlangit. Tss. Sana ako nalang 'yong may pangalan na gano'n, 'no?

Bwisit. Bakit ba ako nandito sa school na 'to? Kailangan ko pa ba talaga na pumasok pa sa school na 'to kung halata naman na walang papupuntahan 'to?

Magpapakamatay lang naman ako so, sa'n pa mapupunta ang pinag-aaralan ko?

Ah, it's because of my step mom--ah I forgot. Not mom but step family. They forced me to enter the school after they made me feel miserable. After my mom--real mom--and my brother died.

Pinilit ako at kung ayaw ko naman... Papatayin ako.

Oo, hinahanap ko kung kailan ako mamamatay pero sumunod ako para hindi ako mapatay, sa kamay ng step mom ko. Gusto ko, ako na mismo ang pumatay sa sarili ko.

Wala naman na akong pakialam sa kanila at sa mga kapatid kong hindi ko naman talaga kapatid. And I never have a chance to see them. Wala akong gana para harapin sila. I just don't want to see them. I don't want to have a chance to see them.

"Nav, are you with us?"

Napatingin naman ako sa unahan kung saan nandoon ang teacher namin. Bakit niya sinabi ang surname ko?

"Yes sir?" Pagtatanong ko naman sa kan'ya.

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Joke ba yun?

Matapos nilang magtawanan, hindi ko na sila pinakialaman. Pambihira, pinagti-tripan lang naman ako ng mga bwisit na tao'ng 'to. Nagkunwari nalang ako na para bang natutulog at hindi ko nalang sila pinansin.

Naramdaman ko na lang ang mga presens'ya ng mga tao na paunti-unti nang nawawala. Tumayo na ako at naglakad palabas ng k'warto na 'yon.

Alam naman ng lahat ng estudyante dito kung ano ang nangyari saakin pero hindi nila alam ang kung ano ang buong istorya ng nalalaman nila. Ang alam lang nila... Ako ang gumawa ng masama.

Uwian na at 'yan lang ang gusto ko sa pagpasok ng klase.

At sa araw-araw na ginawa ng Diyos, pagkatapos ng klase, o kahit wala man, pumupunta ako sa isang internet cafe.

Love SuicideWhere stories live. Discover now