XIII

21 2 0
                                    

NOVEMBER 16: Monday

I look at him in the eye.

"I don't think I can answer your question." Aalis na sana ako nang bigla na naman niya akong higitin.

"Fine, hindi ko muna ipagpipilitan na sabihin mo saakin." Sabi niya at dahil do'n napatingin ako diretso sa kaniyang mata. "Pero gusto ko kapag nalaman ko ang dahilan mo, sasabihin ko na din ang dahilan ko."

Napakibit balikat nalang ako at marahas kong inalis ang kaniyang kamay na nakahawak pa din sa akin.

"Ah, Jacq, bakit mo ako tinakasan kanina? Sa'n ka ba nagpunta?" Nagtataka niyang tanong.

"Kasama si Yumiko." I said in a monotonous tone.

"Ha? B-bakit kasama mo siya?" Tanong pa niya at hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa pagmumukha niya na bigla nalang nagbago.

"Ewan." Nagkibit balikat lang ako at inalala ang phone ko na nasa kaniya pala.

"Hindi ko ibabalik sa'yo 'yung phone mo kapag 'di mo sinabi." Pagbabanta niya na ikinangisi ko.

"Bakit ka ba nakikialam?" Tiningnan ko siya ng seryoso at ipinikit niya lamang ang kaniyang mga mata na tila ba nagpipigil.

"Hindi ba't sinabi ko na ang dahilan kung bakit?"

"Fine. Sumunod lang naman siya saakin kanina nang makita niya ako. Pumunta ako ng 7/11 at tatakasan ko na sana siya no'n at sabi niya--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil kapag itinuloy ko, baka malaman niya ang lahat. "At sabi niya?" Tila ba naghihintay niyang tanong.

"Sabi niya papatayin daw niya ako kaya nilabanan ko." Patay malisya ko lang na sabi.

"A-ano?! S-sinabi niya 'yon? Ayos ka lang ba?" Tila ba nag-aalala niyang tanong habang hinawakan ang aking magkabilang balikat. "A-ayos ka lang ba, Jacq?" Pag-uulit niya.

Huminga ako ng malalim at inirapan siya bago tumingin sa kaniya. "Binalian ko siya ng buto." I said in a monotonous tone.

Napabitiw siya sa pagkakahawak saakin ng dahan-dahan. "A-ano?" Pagtatanong pa niya saakin at halatang takot na takot siya dahilan para mapatawa ako saaking isipan.

"Gusto mo ng demo?" Tanong ko sa kaniya dahilan para mapatingin siya saakin ng seryoso.

"Demo?" Pag-uulit niya sa sinabi ko ng seryoso. "Eh, kung halikan kaya kita d'yan?"

D-damn. What the. Napatingin lang ako sa kaniya at hinihintay na sabihin ang mga salitang, "Joke lang." Pero mukha talaga siyang seryoso.

Hindi ko na din mapigilan ang malakas na pagtibok ng puso ko at ang kung ano mang bagay na naro'n sa aking t'yan.

Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya at ganoon din siya. Hirap naman, bakit ganito ang ginagawa namin? Bakit ganito?

Huminga ako ng malalim at aalis na sana nang bigla niya na naman akong higitin. "Here's your phone." Sabi niya habang iniaabot saakin ang phone ko.

Love SuicideWhere stories live. Discover now