DECEMBER 5: Saturday
"C-can you come here?" I asked him, hoping that he can.
["Bakit?"] Napahinga ako ng malalim.
"Ah," napaisip ako ng idadahilan ko kung bakit ko siya papapuntahin dito nang hindi siya nakakahalata ng kung ano ang gagawin namin.
["If you're wasting my time--"]
Hindi ko na pinatapos ang kaniyang sasabihin at in-end ang call.
"Lintek naman ang tinamaan, boss!" Umalingawngaw ang sigaw ni Justin sa loob ng k'warto na 'to.
Huminga ako ng malalim nang itapon ni Justin ang pinapalobo niyang letter Q na metallic alphabet balloon sa sobrang inis.
"Wala naman na akong magagawa, Justin."
"Eh, kasi naman boss eh!" Naglulupasay siya sa kaniyang kina-uupuan na para bang bata.
"Tumigil ka nga." Naiirita kong sabi sa kaniya.
Huminga siya ng malalim at tumigil sa kakalupasay. "Babaan niyo na kaya pride niyo?"
"Eh, sa ang arte ng kaibigan mo!" Naiirita kong pahayag. Inirapan ko siya nang napangiti siya ng todo.
"Crush mo naman." Tinaas-baba niya ang kaniyang kilay na parang tanga.
"Ibato ko kaya sa'yo 'tong cake?"
"Sige na, masarap naman 'yan eh. T'saka experience na din na mabato ako ng cake tapos diretso kain!" Tuwang-tuwa niyang sabi.
Napa-upo nalang ako sa sobrang pagod. "Kanina pa tayo nandito."
Napatingin ako sa orasan na nakasabit malapit sa sliding door.
"Magwa-one na oh." Napahinga si Justin ng malalim.
"Eh, wala pa naman tayong nagagawa ah?" Napatingin ako sa buong paligid ng k'warto.
"Ikaw nalang bahala, Justin." Nakapikit kong sabi sa kaniya. "Aray!" Sigaw ko.
"Boss kita pero 'di ko na sagot ang pagbawi mo sa lokong 'yon." Sigaw niya matapos niyang ibato sa'kin ang letter N na alphabet balloon sa'kin.
"Kasalanan ko ba na hindi ko alam? T'saka bakit ako pa ang dapat bumawi, 'di ko naman alam na birthday niya?" Pagtatanong niya.
Napahinga naman siya ng malalim. "Oo, kasalanan mo. Dapat alam mo."
"Dapat? Required?" Napatayo ako at sinimulang ayusin ang mga dapat na ayusin tulad ng banderitas na kulay puti at may kulay itim din na set.
"Oo, kaibigan mo eh. T'saka sa panahon ngayon, ikaw ang nakikita kong pinaka-close niya."
Napatigil ako sa sinabi niya. "So ang pinaka-close lang ang pwedeng mag-surprise sa kaniya?"
Napatawa siya ng bahagya sa'king sinabi. Nagpatuloy ako sa pag-ayos ng mga banderitas at naglakad papunta sa may upuan at tumayo do'n.
"Hindi naman. Kasi his past birthday, 'di din naman siya nagcelebrate." Napatingin ako kay Justin sa kaniyang sinabi.
"Ha?"
![](https://img.wattpad.com/cover/111051317-288-k222390.jpg)
YOU ARE READING
Love Suicide
Fiksi RemajaEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.