DECEMBER 24: Thusday
Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kaniya.
Nakahiga na kami sa kalsada at 'yong kalahati ng katawan namin ay nakalaylay pa din sa may tulay.
Gabi na at pinagmamasdan namin ang mga bituin sa langit.
"What do you think will happen to us in the near future?" He asked out of the blue.
I shake my head. "Hindi ko din alam."
Natahimik kami. Medyo awkward kaya nag-aya ako sa kaniya.
"Tapos babalik tayo dito?"
"Yep. I think, hindi naman tayo hahanapin ni Tita Richie kasi sabi niya kanina, we can spend the Christmas together."
"Eh ikaw? Nagpaalam ka na ba kay Tito?"
Tumingin ako sa kaniya habang papasok sa driver's seat. "Hindi pa."
Pumasok na kaming pareho at nagsisimula na akong mag-drive. "Baka mamaya, ikaw ang hanapin eh."
"It's fine. Tatawagan ko naman sila mamaya eh."
"Oh, okay." Napatingin ako sa kaniya at napangiti.
Nakakailang.
Tahimik lang kami hanggang sa tumunog ang kaniyang cellphone. Nakatulala lang siya sa screen ng kaniyang cellphone kaya binagalan ko ang pagpapatakbo ng kotse.
"Sino 'yan?"
Huminga siya ng malalim at itinapon ang kaniyang cellphone sa likod.
"Oy, ba't mo tinapon?" Umiling lang siya. "Sino ba kasi 'yon?"
"Not a very important person, you don't need to know."
"Okay."
Hindi na ulit ako nagsalita simula no'n. Minsan tinitingnan ko siya pero nakapikit lang siya at minsan, hindi naman.
Itinigil ko ang sasakyan sa tabi ng 7/11 at do'n ako bumaba. Hindi ako nagpasabi sa kaniya basta nakita ko na bumaba din siya.
Kumuha lang ako ng mga pagkain na kakailanganin namin.
"Hey," nilagpasan ko lang siya at dumiretso sa counter. "Hey, Jacq."
Nilingon ko siya.
"What? Bakit hindi mo na naman ako pinapansin?"
"Well then, ask yourself."
Dumiretso na ako sa kotse pakatapos kong mabayaran lahat ng binili ko. Sumunod naman siya agad.
"Hey, tell me what's your problem?" He asked as soon as he entered the car. "Is it because hindi ko sinabi sa'yo kung sino 'yong tumatawag kanina?"
Tumingin lang ako sa kaniya at pinaharurot ang sasakyan pabalik sa kung sa'n kami galing kanina. Hinayaan ko siyang magsalita.
"It was Reign." Napatulala lang ako sa daan sa kaniyang sinabi. "And I don't want to talk about her or talk to her either."
"Yeah, fine. But you still have to tell me that thing 'cause--"
"Jacq, ni hindi nga tayo so why would you even--" tinigil ko ang sasakyan.
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.