LXXVII

5 0 0
                                    

DECEMBER 21: Monday

I close my eyes and sigh.

"Jacq!" Napamulat ako ng aking mata at napapikit muli nang makita ko si Hannah na tumatakbo papunta sa'kin. Hindi ko na siya pinansin dahil alam ko naman na magpapaalam sila na umalis.

"Aray!" Sigaw ko nang yakapin niya ako mula sa'king leeg.

"Thank you so so much!" Tumitili niyang sabi. Inalis ko naman ang kaniyang pagkakayakap sa'king leeg.

Umalis na siya sa pagkakayakap o pagsakal sa'kin nang awatin siya ni Quin. "Tumigil ka nga, Hannah. Tingnan mo, baka ikaw pa ang makapatay d'yan." Naiinis na sabi ni Quin kaya naman ayon, lumayo si Hannah sa'kin nang nanliliit ang mga mata papunta kay Lary.

"Hon, he's too harsh."

"Hon?!" Gulo kong tanong kay Hannah at Lary na ngayo'y nakayakap sa isa't isa.

Narinig ko naman ang pag-ngisi ni Miss Deep na nasa likod lang pala nila. "They're married."

"At the age of 16?!" I asked, wide-eyed.

They all chuckled. "Ang baby face niyo kasi." Natatawang sabi ni Miss Deep.

"We're already 18," huminga ng malalim si Hannah at napatingin kay Lary. "Hays, ang weird niyo talagang mga bata."

Napatingin ako kay Quin. "Sino mas matanda sainyo?" Tila ba hindi makapaghintay na tanong ni Quin habang hinihintay 'yong sagot ni Hannah at Lary.

"Si Hannah." Mahinang sabi ni Lary habang tila ba nahihiya.

"Seryoso?" Pagtatanong ko naman.

"Oo, bakit ba kayo nagtatanong kung sino mas matanda? Does it matter?" Napalunok ako sa kaniyang tanong.

"Uhm, wala naman." Napatingin ako kay Quin nang sabihin niya 'yon. Napatingin nalang ako sa kaniyang kamay na nakapatong na sa'king balikat. "Tara," siniko ko siya sa kaniyang tagiliran kaya naman naalis ang kaniyang kamay na naka-akbay sa'king balikat.

"Sa'n naman kayo pupunta?" Pagtatanong ni Miss Deep at napangiti. "Magde-date ba kayo? P'wede bang sumama?"

Magsasalita na sana ako pero agad naman akong napatingin kay Quin na agad namang sinagot ang tanong ni Miss Deep. "Opo, sama na po kayo."

"So you mean, magde-date nga sana talaga kayo?"

"No!"

"Yeah."

Nagkatinginan kami ni Quin at pinanlakihan ko siya ng tingin pero nakisabay lang siya sa tawanan nila Miss Deep.

Nakadating kami sa kanilang kotse at nasa-back seat na naman kami kasama si Miss Deep.

"So kaya ba kayo magba-back out sa Death End niyo kasi may namuo nang something?" Pagtatanong ni Miss Deep kaya pareho kaming napatingin sa kaniya. Nasa gitna siya namin at nakatingin lang siya diretso sa daan.

"Eh hindi naman ako gusto ni--"

Naputol ang sasabihin ni Quin nang biglang tumawa ng bahagya si Miss Deep. Napa-iwas ako ng tingin kay Miss Deep nang tumingin siya sa'kin. "I can smell something na nga eh."

Love SuicideWhere stories live. Discover now