LXI

12 0 0
                                    

DECEMBER 15: Tuesday

Napapikit ako habang nakasandal sa pader. Naka-upo kami ngayon sa malamig na sahig ng terrace. Huminga ako ng malalim.

"Bwisit." Bulong ko.

"Weird." Kahit na antok na ako, napatingin ako sa kaniya at kitang-kita ko na nakatingin siya sa'kin.

"Kukutusan na talaga kita." Naiinis kong sabi sa kaniya.

"Alam mo, Jacq," hinarap niya ang sarili niya sa'kin. "May na-realize ako."

Hindi ko siya pinansin at napa-iwas ng tingin t'yaka nalang ulit ako napapikit.

"Nakikinig ka ba?" Huminga ako ng malalim at hindi siya pinansin. "Sige, aalis nalang ako."

Napangiti ako ng bahagya sa sinabi niya. "Buti naman." Bulong ko.

"Ano? Ayaw mo akong umalis?" Napakunot ang aming noo sa kaniyang sinabi at napatingin sa kaniya.

"Sabi ko, buti naman na aalis ka na. Buti nga 'yon at makakapagpahibga na din ako sa wakas." Tiningnan ko siya nang matahimik siya. Nakangiti siya at nakatingin siya sa'kin na para bang nang-aasar. "Oh ano? Akala ko ba aalis ka?"

"Ayoko nga." Huminga ako ng malalim at napapikit ulit saka napasandal sa pader.

"Epal ka."

Hindi ko narinig ang sinabi niya pero ang tahimik na. Tanging ang pagaspas lang ng mga dahon at ang tanging nararamdaman ko lang ay ang malakas na simoy ng hangin.

"Ang weird talaga."

"Weird ka."

Natahimik na naman ang lahat kaya napamulat ako ng aking mga mata at napatingin sa kaniya.

Nakasandal na din siya sapader at nakatingala. Ang kaniyang kaliwang paa ay nakababa lang habang ang kabila naman ay pinapatungan niya ng kaniyang siko.

"I thought everything would be fine."

Napalunok ako sa sinabi niya. "What are you talking about?" I asked him.

"Ang weird ko na ba Jacq?" I roll my eyes and heave out a heavy sigh.

"Oo, super."

"Hindi," napatingin ulit ako sa kaniya at napatingin ako sa kaniya at nakita ko na seryoso ang itsura niya.

And I guess, this is the time that we need to be serious.

"Quin..." I uttered his name with boredom.

I just realize, I'm the one taking it as a joke.

"Siguro nga weird ako." Huminga siya ng malalim at napapikit. "Ang weird ko na ata talaga kung sasabihin ko na..." Napatingin ako sa kaniya nang hindi niya itinuloy ang kaniyang sasabihin.

Nakatingin siya sa'kin habang nakasandig ang kaniyang ulo sa dingding. Hinahangin din ang kaniyang buhok pero hindi niya ito pinapansin.

"Kung?"

Love SuicideWhere stories live. Discover now