LXX

14 0 0
                                    

DECEMBER 19: Saturday

"After that, what happened?" I roll my eyes.

"Quit it, Dave." Hinila ako ni Triex papunta sa arcade. Buti naman at hinila niya ako kasi kung hindi, mapipilitan akong magkwento ng kung ano-ano kay Dave.

Ngayon ko nalang sila dinala sa labas kasi biglang nag-text si Miss Richie sa'kin na may practice para bukas.

Sana, makapag-practice.

Ang kulit ni Dave. Nakita kasi niya kami ni Quin na sabay umuwi kagabi kaya nagtatanong siya. Paulit-ulit eh.

Lumingon ako sa kaniya at napa-iling nalang siya. Nagpunta kami sa arcade at sinamahan kong maglaro si Triex at Areow.

"Thank you Ate Jacq!" Sabi ni Triex at Areow nang bilhan ko sila ng ice cream.

Nginitian ko lang sila at kinurot ang kanilang pisngi. "Sa'n na tayo pupunta?" Pagtatanong ko sa kanilang dalawa at nagulat ako kung sa'n na kami pupunta.

"Uwi na tayo. I'm tired." Areow said while Triex is nodding.

"Oh, okay." Napatingin ako kay Dave na nakangisi sa'kin kaya naman napangiti nalang din ako sa kaniya.

Dumating naman kami sa bahay ng alas dos ng hapon. Nakatulog si Triex at Areow kaya naman ngayon, karga namin dilang dalawa ni Dave. Dinala muna namin sila sa kanilang k'warto.

"Hi Ma." Bati ni Dave kay Tita Zen.

Nagpaiwan siya kanina dahil madami pa daw siyang kailangang tapusin sa trabahao niya. Naka-upo siya ngayon sa table kalapit ang higaan ng dalawang bata at do'n gumagawa ng kaniyang mga gawain.

"Oh, ang aga niyo namang umuwi." Sabi nito habang nakangiti.

"Maagang nag-aya 'yong dalawa eh." Sagot naman ni Dave.

"That's great." Nakita kong nabaling ni Tita Zen ang kaniyang tingin sa'kin. "How about you, Jacq?" Pagtatanong niya.

Napatango lang ako at napa-pilit ng ngiti. "Ayos lang naman po Tita." Sabi ko habang inaayos ang psgkakalagay ko sa kama kay Triex.

"Oh, magpahinga na muna kayo ah?" Napatango ako at naglakad papunta sa k'warto ko.

Agad akong napahiga sa'king kama. Ipinikit ko ang aking mga mata at napahinga ng malalim. Naalala ko na naman 'yong nangyari kagabi.

"Is it hard for you to love me?"

Hindi ako nakasagot dahil parang umurong ang aking dila. I heard him chuckle. "Tara na," tumayo siya at inilahad niya ang kaniyang kamay sa'kin.

"Ihahatid na kita pauwi, wag mo nalamg sagutin. Masasaktan lang naman ako." Nakapikit ako habang inaabot ang kaniyang kamay.

Bakit ngayon pa ako hindi makapagsalita? Bakit hindi ko masabi sa kaniya?

"Hindi ba't sinabi ko na mag-iingat ka? Bakit kanina, mukha kang ewan na naglalakad patawid, ha?"

Napakunot ang aking noo at napatingin sa kaniya. "Ha?"

Love SuicideWhere stories live. Discover now