NOVEMBER 30: Monday
"Ano ba kasi 'yon?" Pagtatanong ni Quin na tila ba naiirita na. Ke-aga-aga eh.
"Bakit parang pareho kayo ng tinanong ni Jacq kahapon?" Bulong na tanong nito sa kaniyang sarili pero narinig ko. Nakatingin pa siya sa itaas na tila ba nag-iisip talaga ng maiigi.
"Hoy! Sasabihin mo ba o aalis ka na?!" Iritadong tanong ni Quin.
Ugh.
Napatingin sa'kin si Justin at tumango nalang ako sa kaniya na cue para sabihin na niya ang kung ano mang gusto niyang sabihin.
"N-nakatanggap kasi ako ng tawag kanina." Nauutal nitong sabi habang nakayuko. "Hinahanap kayo sa'kin." Sabi nito at napatingin sa'ming dalawa.
"Tapos?" I asked boringly.
"Tapos sabi ko," Huminga siya ng malalim. "'Hoy, hindi ako hanapan ng mga nawawa--'"
"Can't you just tell us straight to the point?" I asked him, a bit irritated but I controlled it.
"Uh," napatingin siya sa'ming dalawa. "Kakanta daw kayo."
"A-ano?!" Sabay naming tanong ni Quin kay Justin.
"Tamang-tama, nag-duet kayo." Sabi nito habang natatawa-tawa.
Huminga ng malalim si Quin at napapikit siya. Nabaling naman ang aking tingin kay Justin.
"Sino ba kasi 'yon?" Pagtatanong ko sa kaniya habang inaayos ang aking upo.
"Ang alin?" Pagtatanong ni Justin.
"Alam mo, ikaw. Common sense." Tinuro ko siya. "Hindi ko alam kung ganiyan ka ba talaga o talagang may turnilyong maluwag na d'yan sa utak mo."
"Hala, may turnilyo ba sa utak?" Napa-pikit nalang ako at napasapo ng aking noo. "Aray!" Sigaw nito nang lumapag sa kaniyang ulo ang unan na ibinato ni Quin.
"Ayusin mo pakikipag-usap mo kay Jacq, ah!" Napatingin ako kay Justin at tumingin muli sa kaniya. "Sapakin kita jan eh."
Napabalik naman ang aking tingin kay Justin. Nakayuko siya't natulala. "Sorry naman. Para namang girlfriend mo 'tong si Jacq at itinuturing mong parang si Re--"
"Sino nga kasi yun?" Pagpuputol ko sa kaniyang sinasabi.
Napahinga ako ng malalim nang tumingin sa'kin si Justin.
Ang nakakainis lang. Hindi lang si Quin, kundi pati kaibigan niya. Napakadaming satsat.
Naiinis lang ako sa mga salita nila. Si Quin puro nakakalito at nakaka-ewan ang mga sinasabi. Samantalang si Justin, too explained--detailed. Ugh, darn it. Why is it so complicated?
"'Yong tumawag na naghahanap sa inyo na sinagot ko ng--"
"Oo nga. Oo." I said, irritated. He lifted his head and his face is like a light bulb with his puppy-like eyes.
I roll my eyes. "S-si..." He said stuttering and seems like he can't remember the name of that person. "S-sabi niya galing daw sa school natin t-tapos--"
"Can't you just tell the name?" Napatingin ako kay Quin. Kanina pa ganiyan ang itsura niya. Naiirita at parang kinakabahan.
"Uhm," idini-dikit-dikit at inaalis ni Justin ang kaniyang hintuturo sa isa't isa na para bang kinakabahan. Ugh, bakit ang hirap niyang pasabihin? "Wala siyang sinabing pangalan e."
![](https://img.wattpad.com/cover/111051317-288-k222390.jpg)
YOU ARE READING
Love Suicide
Ficção AdolescenteEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.