DECEMBER 6: Sunday
Naalimpungatan ako nang dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kurtina ng k'warto ko.
Napabangon ako habang nakapikit. "Another day of suffering." Napamulat ako ng aking mga mata at napa-atras ako nang makita ko si Triex sa loob ng k'warto ko. "W-what are you doing here?" I asked but then she smiled.
"Sisimba kami Awe Jacq, sama ka?" I look at her and she's wearing a cute formal dress.
"Ah..." Tumayo ako at napalapit sa kaniya. "Hindi na ata, baby." I smiled but didn't reach my eyes. We use to go to church every Sunday but...
"Ah! Okay po!" She said before going out of my room. Napapikit ako habang inaalala ang nangyari kagabi.
My first indirect kiss. Damn, clumsy Jacq.
Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong lang sa mesa ko. Umiilaw ito't nagba-vibrate. Kinuha ko naman agad ito. "Hello? Quin?"
["Woah, nakakapanibago, Jacq Nav ah!"] I roll my eyes.
"Ano? Ang aga-aga, tumatawag ka?" Napapikit ako nang marinig ko ang tawa niya mula sa kabilang linya.
["Ikaw naman, ang aga-aga meron ka?"] Napamulat ako ng mata nang sabihin niya 'yon. ["You want some fries or something from your cravings?"]
I knitted my eyebrows from what I've heard on the other line. "What the hell are you talking about?"
Hindi ko narinig ang kaniyang sagot. Nanatili nalang siyang tahimik mula sa kabilang linya. ["Uh, akala ko kasi meron ka ngayon."] I imagine him scratching his nape.
I smiled. "Maraming namamatay sa maling akala." Sabi ko.
["Tara, pakamatay na tayo?"] Natigilan ako sa sinabi niya. My smile automatically faded. Hindi ko alam kung bakit ba nagiging ganito na ako. Hindi ko alam kung bakit... Pero... Napatahimik nalang ako sa sinabi niya. ["Hello?"]
Napalunok ako't napapikit. "H-hello, sorry. Uminom lang ako ng tubig." I said while wiping my tears away.
["Kita tayo later?"] Napapikit ako at napahawak sa ulo ko.
"Hindi ba't magkikita naman talaga tayo kasama sila Lary?"
["So you want to be with Lary than me?"]
"Are you jealous?" I knitted my eyebrows while smiling.
["The same coffee shop. 9:30 sharp."] He sounded too bossy that I can't even talk after he ended the phone call.
He's too bipolar.
Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mga mata ko. "Damn!" Sigaw ko kaya naman napatakbo ako papasok ng banyo. I didn't know that it's exactly 9 o'clock.
Dali-dali akong naligo at sinuot ang isang hoodie na white shirt at ang black jeans ko pati na din ang white sneakers ko. Lumabas ako ng k'warto ko't napatigil. Bumalik ulit ako sa loob ng k'warto ko at dumaan sa bintana.
Agad akong naglakad papunta sa same coffee shop at nakita ko agad siya na nakatulala sa taas. He's wearing a black shirt and a maong skinny pants at sneakers. Kinunot ko ang aking noo nang makita ko siyang gano'n.
"Is there something that's bothering you?" Napatingin siya sa'kin at inayos niya ang kaniyang pagkaka-upo. Umupo ako sa katapat niyang upuan.
"Nah," tumingin siya sa'kin at napangisi. What's with his mood? "Good thing you came early." I knitted my eyebrows when he look at me seriously. What the hell.
YOU ARE READING
Love Suicide
أدب المراهقينEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.