LXXXVIII

10 0 0
                                    

DECEMBER 24: Thursday

Kinurot ko siya nang maalimpungatan ako that's why he twitched.

"Hay nako." I heard him whisper even though it's too noisy. Naramdaman ko ang kaniyang kamay na nakapatong sa'king ulo at mas inilapit ito sa kaniyang balikat.

The heck is he doing?

But suddenly, I smiled.

"Alam kong gising ka na kaya imulat mo na 'yang mata mo. Pambihira." Rinig kong sabi niya kaya dahan-dahan akong napatingin sa kaniya.

"How the heck you know that I'm awake?"

"May tulog bang nagungurot?" Napaiwas nalang ako sa kaniya ng tingin at umiling habang inilalayo ang aking sarili sa kaniya.

Kakatapos lang naming magperform kanina. Pang-lima kami at mamaya, meron  pa. Ika-walo na ang nagpe-perform at pang-bente-sinko kami nang bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko.

Dave:
Hey Jacq. Umuwi muna si Mama kasi maghahanda daw siya para sa noche buena mamaya hahabol daw siya if ever she can.

Napatayo naman ako at hinanap ko kung sa'n sila naka-upo. Hindi naman naging mahirap para sa'kin na hanapin sila dahil pataas na 'yong upuan. Malayo-layo silang naka-upo sa may sa'min at nakita ko si Triex at Areow na tulog na sa kanilang mga upuan habang si Papa at Dave naman ay nanunood lang ng tahimik.

Umupo agad ako dahil baka maka-istorbo ako. Agad naman akong tinanong ni Quin. "Ba't ka tumayo?"

"Nakakangalay umupo." Simple kong sagot sa kaniya.

He just put his attention back to the show.

Matagal pa kami kaya napagdesisyunan ko munang yayain si Quin na kumain.

"Ha? Eh ang aga pa." Reklamo niya nang hindi man lang ako dinapuan ng tingin.

"Tumingin ka nga sa'kin." Me, seeking for some attention.

Napatingin naman siya sa'kin na parang hindi makapaniwala sa demand ko. "Wow, maka-utos naman 'to."

Napatingin ako sa stage. "Eh sino ba kasi ang tinitingnan mo d'yan?"

Ang alam ko 'yan 'yong sikat na dance troupe sa loob ng campus. Wala akong kilala na miyembro ng grupong 'yan--hanggang sa makita ko si Kate.

"Wala." Huli na siya sa pagsagot niya.

"Ah si Kate." Tumango lang ako at umiwas ng tingin.

"Bakit? Tingnan mo nga siya, ang galing niyang sumayaw."

"Edi d'yan ka na." Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil... Ewan, nagseselos ako kaya ko 'yon naibulong.

"Ha? May sinasabi ka?" Tanong niya kaya napatingin naman ako sa kaniya.

"Wala, ako nalang ang kakain ng mag-isa." Hindi na ako naghintay ng kaniyang sasabihin at tumayo na agad ako at lumabas ng theater.

Tumakbo ako para kung sakali naman na sumunod siya, hindi niya ako masundan. Hays, easy.

Wala masyadong tao sa labas ng campus dahil nasa loob ng theater at 'yong iba, malamang naghahanda na din sa Noche Buena nila para mamaya.

Love SuicideWhere stories live. Discover now