LXII

17 0 0
                                    

DECEMBER 15: Tuesday

Pero siguro nga, tama siya.

Bakit nga ba nasabi ko 'yon? Nakakainis. Nabu-b'wisit na naman ako sa mga salita niya.

Minsan, nakakatuwa, minsan nakakainis nang natutuwa ako sa mga sinasabi niya.

"Can I hold you hand?" Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon.

Napatingin din siya sa'kin at napangiti. Napahinga ako ng malalim. "Tingin mo, papayag ako?"

"Ewan ko, kaya nga nagtatanong 'di ba?"

"Tss, ewan ko sa'yo." Huminga ako ng malalim at napapikit ulit habang nakasandal sa pader.

Ilang minutong katahimikan hanggang sa makalimutan ko na nasa labas kami hanggang sa maramdaman ko ang simoy ng hangin na kasabay ng isang bagay na bumalot sa'king mga kamay.

Slowly, I open my eyes and look at him. His eyes, closed and his head, resting against the wall.

I looked at our hands that're intertwined, like it's really fit for each other. I close my eyes and rest my head on the wall then play pretend that I didn't notice what he did.

"Uhm, Jacq?" Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lang.

Matagal siyang hindi umimik pero ramdam ko ang tingin niya sa'kin kaya naman napamulat ako ng aking mga mata.

"Compress tayo." Napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.

"A-ano?"

Hindi na ako nakapagsalita pa nang maramdaman ko ang hawak niya sa'king baiwang at inilapit ako papunta sa kaniya. "I'll pull you closer to me so that I'm sure you'll never leave me."

Napalunok ako nang maramdaman ko ang malakas at ang mabilis na kabog ng aking dibdib.

Huminga ako ng malalim at naramdaman ko na naman ang kaniyang kamay sa'king kamay.

Damn, why does it really fits perfectly?

Tahimik. Katahimikan lang ang bumabalot sa'min ngayon. Hindi ko alam ang aking gagawin pero bakit hindi ko siya magawang paalisin?

Bakit parang mas gusto ko na katabi ko lang siya?

"Jacq?"

"Hm?"

Ramdam ko ang paghigpit niya ng pagkakahawak niya sa'king kamay.

"Naaalala mo ba 'yong sinabi ko sa'yo no'ng birthday ko?"

Napamulat ako at napatingin sa kaniya. "Alin? Fifteen days ago or ten days ago?"

"When I'm still at the hospital." I cocked my eyebrow and look away when he looked at me.

"Alin?"

"Wag nalang 'di mo naman naaalala."

Huminga ako ng malalim at itinaas ang aming mga kamay na magkahawak.

"B-bakit tayo magkahawak ng kamay?" Gulat kong tanong kaya napatingin siya sa'kin at sa'ming mga kamay na magkahawak din.

Maang-maangan, putcha.

Napabalik ang kaniyang tingin sa'kin at napangiti iniwas ko naman ang aking tingin. "Kasi sumasayaw ka ng El Bimbo."

"H-hindi ako--"

Love SuicideWhere stories live. Discover now