DECEMBER 21: Monday
Binato ko sa kaniya 'yong binagay niya sa'kin kanina na kumot at tumayo. "Edi namatay ako?" Huminga ako ng malalim at nagpunta sa may salamin para kunin 'yong mga nakalagay na sabon do'n at nagpunta ng banyo.
"Oy baka may mumu d'yan ah!" Rinig kong sigaw niya kaya naman napalabas agad ako.
Sinamaan ko siya ng tingin habang naka-upo siya sa kama at nanunood ng TV. Natawa naman siya ng bahagya. "Sapakin kita d'yan, gusto mo?"
"Joke lang naman, sige na punta ka na." Sabi niya habang may hand gestures pa siya.
Umiling ako. "S-samahan mo 'ko." Mahina kong sabi pero alam ko na narinig niya 'yon dahil tumayo siya at napatingin sa'kin ng seryoso.
"Ito naman nagbibiro lang naman ako." There's a sincere and concern on his tone. Inilagay niya 'yong kamay niya sa'king ulo at ginulo ang aking buhok. Nag-pout lang ako habang nakayuko. "Sige na, dito lang ako sa labas." Mahinahong sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"H'wag mo akong iiwan ah." Sabi ko sa kaniya at pinilit ang sarili ko na magmukhang galit sa kaniya.
Ngumiti siya sa'kin at tumango. "Oo naman."
Pumasok ako sa banyo at napatingin sa salamin.
"But we can still see our selves shining so bright if we're looking at the mirror."
I smiled from what I remember. Umiling ako at nagsimula nang maghilamos.
Pakatapos kong mag-ayos ng sarili ko, lumabas na ako. Napatingin ako kay Quin na ngayon ay nakasandig sa may pinto ng banyo pero nakapikit ito.
Napakunot ang aking noo. "Q-quin?"
Seryosong nakatulog siya ng nakatayo?
Pinindot ko 'yong pisngi niya kaya nagising siya ng bahagya. "Oh, J-jacq." Mahina nitong sabi. Hinawakan niya 'yong balikat ko at pumunta kami sa may kama at napa-upo lang ako do'n. Tumabi naman siya sa'kin pero pinigilan ko siya.
"Ako dito matutulog."
Tumawa naman siya ng bahagya sa'king sinabi. Ipinadulas niya ang kaniyang sarili sa tabi ng kama at umupo sa sahig habang nakasandal sa kama. "I'm just kidding, you know."
Napahiga ako sa kama habang nakatitig lang sa kisame. "Hay nako." Napatingin ako sa kaniya at nakita ko na papahiga na siya sa sahig. Inayos ko ang higa ko at napaharap sa kaniya.
"Okay ka lang ba d'yan?" Pagtatanong ko sa kaniya. Nakita ko naman na ngumiti siya sa'kin at tumango.
"Oo naman." Tumango nalang ako at humarap sa kabilang direksyon.
Huminga ako ng malalim bago ko ipikit ang aking mga mata.
"If you wanted to die, Jacq Nav." Nakita ko ang pagtigil niya sa paglalakad palayo. Nang makita ko siyang tumingin saakin, I looked away, looking at the sun setting down to give place to the moon. "I also want to die. No one can stop me. Better to be with me, they're watching us."
Napamulat ako ng aking mata. Pinihit ko ang aking ulo para makaharap sa kabilang parte ng k'wartong 'to.
Napatingin ako sa kaniya at nakita ko na tulog na siya. O baka hindi naman, nakapikit lang.
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.
