DECEMBER 21: Monday
After what happened to Quin's hands the last time, lagi ko nang pinipitik 'yong knuckles niya.
Nag-text si Miss Deep kay Quin na pumunta daw kami sa roof top at do'n daw nakahanda 'yong private dinner namin na ipinahanda daw niya. Kaya naman nagpunta kami agad do'n pero wala pa naman sila kaya naghintay na naman kami.
"Siguro, gustong-gusto mo talaga na nasasaktan ako 'no?" Natigil ako nang dahil sa kaniyang sinabi.
"Eh, 'di ka naman nagsasabi ng 'aray' eh." Napalayo ako sakaniya nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa'king mukha.
"You're definitely hurting me silently."
Napaatras pa ako nang pitikin niya ang aking noo.
"Move, lovebirds." Napatingin kami kay Miss Deep na naka-pamewang sa harap namin kaya naman napa-ayos kami ng upo.
She chuckled and seat beside me. "Uhm," I cleared my throat and sigh. "Miss Deep sa'n po 'yong room niyo?" Pagtatanong ko sa kaniya, napangiti naman siya sa'kin.
"Room 1226." Napatango naman ako at napangiti sa kaniya.
Magkatabi lang pala no'ng room natin." Nakangiti kong sabi at napatango naman siya.
"Asa'n na ba sila Lary? Ba't ang tagal nila?" Napatingin kami kay Quin nang itanong niya 'yon.
"Oh, speaking of." Nakita namin na naglalakad na papunta sa'min sila Lary at Hannah. "Ano bang ginawa niyo at ang tagal niyo?" Intrigang tanong ni Miss Deep habang papa-upo sila sa harap naming upuan.
"Eh ang tagal ni Lary mag-ayos ng mga gamit niya." Nakakunot-noong sabi ni Hannah. Halatang badtrip na nga eh.
Maglalagay na sana si Hannahng pagkain sa kaniyang plato nang biglang paluin ni Miss Deep ang kaniyang kamay. "Ouch!" Tiningnan niya ng masama si Miss Deep pero mas masama ang tingin sa kaniya ni Miss Deep.
"May hihintayin pa tayo." Napasandal ako sa upuan at napapikit ng bahagya. "Oh, ayan na pala siya." Napamulat ako ng aking mata at nakita ko ang lalaking naka-bonet at naka-face mask.
Too familiar.
"Dito ka na umupo, Yumiko." Inalis niya ng dahan-dahan ang kaniyang face mask at napangiti sa'min. Niyakap niya si Miss Deep at tumabi sa kaniya.
"Salamat po sa pag-imbita, Miss Deep." Ngumiti naman si Miss Deep sa sinabi ni Yumiko.
"Wala 'yon. Kung hindi dahil sa'yong bata ka, edi sana kulong na kami, patay na 'tong dalawa." Natatawa-tawang sabi ni Miss Deep habang nakaturo sa'kin.
Nakangiti lang ako sa kaniya habang nakatingin lang siya kay Quin na ngayon ay tila ba walang pakialam.
"So, let's start!" Masayang anunsyo ni Miss Deep. Nakahanda na ang kamay ni Hannah nang muling paluin ni Miss Deep ang kaniyang kamay.
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.