DECEMBER 19: Saturday
Kumatok na si Justin matapos niyang sabihin 'yon sa'kin. Napatingin ako sa pinto na katapat namin.
"Ito na pala 'yong bahay ni Ken." Nakangiting sabi ni Justin kaya naman napatango nalang ako sa kaniya.
"S-salamat."
Bumukas ang pinto at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Miss Richie. "Ano'ng nangyari sainyong dalawa?" Pagtatanong niya.
"Po?"
"Bakit ba siya lasing?"
"H-hindi ko po alam." Itinuro niya ang sofa sa'ming dalawa ni Justin kaya naman na-upo muna kami.
"Op, not you, Jacq." Huminga siya ng malalim. She looked exhausted. Under her eyes are dark spots like she's been awake all night. "Come with me." Napatingin naman siya kay Justin. "Wait for me there." Masungit na sabi ni Miss Richie kay Justin.
Umakyat kami sa anim na hakbang nialng hagdan at parang corridor ito. Sa pinaka-dulong pintuan, do'n tumigil si Miss Richie at binuksan ang pinto.
Nakita ko agad si Ate Kiena na naka-upo sa may tabi ni Quin na nagsususuka sa isang palanggana. "Oh finally, the 'Jacq Nav' is here." Ate Kiena said and then hugged me. "Please, patinuin mo naman siya." Nakangiti nitong sabi at lumabas na ng k'warto.
"Uhm, Miss--"
"Tita Richie, Jacq." Napalunok ako. Shit, this is awkward. "Iwan ko muna kayo." Nakangiti nitong sabi. "I hope you'll take good care of him."
Tumango nalang ako sa kaniya nang may pilit na ngiti sa'king labi. Lumabas na siya sa k'warto at napatingin naman ako kay Quin.
"Ah yeah right."
"Jacq?" Tumingin siya sa'kin at niyakap niya ako.
"Lumayo ka nga, amoy suka ka eh." Inis kong sabi sa kaniya.
"Eh kasi ikaw." Sabi nito sa'kin. Tinuro pa niya ako pero mukhang may tama nga talaga siya. "Masyado kang walang pakialam kung ano ang nararamdaman ng isang tao para sa--"
Hindi na niya naipagpatuloy ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang nagsuka na naman siya. Huminga ako ng malalim dahil sa kaniyang ginawa kaya naman hinagod ko ang kaniyang likod hanggang ss matapos siya sa kaniyang pagsusuka.
"Bakit ka ba kasi naglasing?"
Tumingin siya sa'kin at itinuro ako. "Hindi ba't dahil sa'yo?"
Napatigil ako. Oo, ako na masama.
Ibinalik niya ang kaniyang daliri at itinuro ito sa kaniyang kaliwang dibdib. "Kasi sumakit ito ko, ikaw lang makakapagpagaling but you keep on making me believe with false hopes."
"Halika." Hindi ko inintindi 'yong kaniyang sinabi bagkus inakay ko siya papunta sa kaniyang kama. "Umupo ka lang d'yan ah, upo lang."
Para akong nakikipag-usap sa isang bata--
Oo nga pala, bata pa siya ng isang taon.

YOU ARE READING
Love Suicide
Roman pour AdolescentsEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.