DECEMBER 22: Tuesday
Damn. I don't know why I have this urge feeling that I want him to know the truth. My feelings towards him.
But why am I so coward?!
Pinatahan ko ang aking sarili at dumiretso sa canteen para bumili ng tubig. Kumain na din ako ng breakfast nang walang kasama.
Alam ko, masyado na akong nasasanay nang nand'yan siya pero pa'no nalang kung nawala siya? I shake my head and tried to forget what I've done a while ago even though later, I expect the guidance office will call me.
Matapos kong kumain, dumiretso ako sa may kiosk. Magka-cutting nalang ako, at matutulog dito.
Nagising ako sa malakas na hangin na nararamdaman ko. Kasabay ng malakas na hangin na 'yon ay ang malalamig na patak ng butil ng tubig. Agad akong napadilat at napatingala.
"Shit." Bulong ko sa sarili ko. Basang-basa na ako at wala na naman akong magawa. Siguro uuwi muna ako.
Kinuha ko 'yong cellphone ko at dinial 'yong number ni Dave. After how many rings, sumagot na siya. Sinabihan ko siya na uuwi muna ako at ibibilin ko 'yong bag ko sa classroom na iuwi nalang niya, pumayag naman siya kaya umuwi na ako ng mag-isa.
"Oh, Jacq." Bungad sa'kin ni Tita Zen nang makita niya akong papasok ng bahay. "Ba't umuwi ka at..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ba't basang-basa ka?"
"Ayos lang po ako Tita." Napapikit ako ng mariin at pinunasan ang basa kong mukha ng kamay ko. "Akyat lang po ako." Bago pa siya makapagsalita, umakyat na ako.
Nagpalit na ako at pakatapos ay humiga na ako sa kama. Hindi ko alam pero ang bigat-bigat ng nararamdaman ko. Nahihilo din ako at hindi ko alam kung ano ba'ng pumasok sa utak ko nang magpa-ulan ako.
Nilakad ko lang papunta ng bahay habang malakas 'yong ulan. Ayos lang, enjoy naman eh.
"Ahh, you're such a dork, Jacq Nav." I said while rolling on my bed.
Napatingin ako sa basang-basa kong cellphone nang makita kong nagba-vibrate 'yon. When I take a look at it, I saw his number flashing on the screen.
"No, Quin. Just leave me."
Matapos niya akong sabihan ng kung anu-ano?
Pero sabagay, totoo naman kasi mga sinabi niya eh.
Those thoughts made my lips curved down. I'm such a stupid weirdo, kissed a guy who don't want to be kissed.
Ilang beses ko pang narinig 'yong cellphone ko na nag-vibrate pero hindi ko pa din pinapansin. Kinuha ko 'yong phone ko at pinunasan ko 'yon.
5 messages.
35 missed calls.I heavily sigh. I felt so dizzy.
Napahiga nalang ako sa kama ko at hinayaan ang sarili kong makatulog.
QUIN
"Ano? Hindi pa rin ba siya sumasagot sa mga tawag mo?" Justin asked me while I'm still contacting her. She's not even picking up.
And I'm so worried as fuck.
"Hindi pa eh." I said, boringly. I looked at him. "Ikaw kaya ang tumawag? Baka naman sagutin niya." Justin shook his head while hooking his phone on his pocket.
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.