NOVEMBER 27: Friday
Napamulat ako ng aking mata nang marinig ang katok mula sa'king pinto. Napahawak ako sa'king ulo. Huminga ako ng malalim.
Napatingin ako sa orasan at pagtingin ko, alas tres na ng umaga.
"Awe Jacq?" Nagising ang aking natutulog na kaluluwa nang marinig ang mahina na boses ng batang babae na tumawag sa'kin sa kabila ng pintuan. "Awe?" Naririnig ko na naman na para bang naiiyak na ang pagtawag niya sa may pintuan ko.
Napatayo ako at dahan-dahan na binuksan ang pinto ng aking k'warto. Nakatingala siya sa'kin at nanggi-gilid ang kaniyang mga luha. Agad siyang napayakap sa'kin.
"Awe Jacq, ayaw ko umalis." Sabi niya na nagpagulo ng aking isipan.
Kinarga ko siya--kahit na hindi ako marunong kumarga. "Bakit? Sa'n ka ba pupunta?" Nagtataka kong tanong habang inilalapag ko siya sa kama ko.
Napatingin ako sa orasan at nagtaka kung bakit laging ganitong oras siya kumakatok sa'king pinto. "Alis daw kami." Malungkot na sabi ng bata.
"Sa'n kayo pupunta?" Pagtatanong ko.
Niyakap niya ako sa may tiyan dahilan para maitaas ko ang aking kamay. "Ayaw ko alis." Sabi niya habang umiiling-iling na nakayakap at nakabaon sa tyan ko ang kaniyang ulo.
Pinatahan ko siya sa pag-iyak kahit na hindi ko alam kung pa'no ko nagawang patigilin siya sa pag-iyak.
"T-tulog ka na." Sabi ko habang nilalagyan siya ng kumot. Halata na din kasi sa itsura niya na antok na siya.
Napatayo ako at napatingin sa orasan. Halos magti-thirty minutes na ang lumipas. Dahan-dahan akong lumabas ng k'warto ko at nagulat ako nang nakita ko si Tita Zen na kakatok sana sa'king pinto.
"T-tita..." Tawag ko sa kaniya. Napatingin siya sa'kin ng gulat at napangiti.
"S-sorry ulit Jacq. Uh, nandyan ba si--"
Hinawakan ko ang kaniyang braso na handa na sanang buksan ang aking pinto.
"T-tita, c-can we talk later?" I asked her.
×××
Napahinga ako ng malalim. Ibinaba ko ang aking bag sa lapag ng kitchen dahil kadarating ko palang galing sa eskwela. "A-about what?" She ask. I can feel the tension in her eyes.
"B-bakit k-kilala nila ako?" Pagtatanong ko agad kay Tita habang diretso akong nakatingin sa kaniya.
Napatigin siya sa'kin at napatigil sa paghalo ng kaniyang kape na tinimpla. Napangiti siya. "Ikaw ba, bakit kilala mo ako?" Nakangiti pa din niyang tanong sa'kin.
Napayuko ako. "K-kinuwento ni Papa." Mahina kong banggit.
Napatingin ako sa kaniyang kamay nang dumampi ito sa'king balikat. "At dahil din sa kaniya, kaya kilala ka nila." Nakangiti pa din nitong sabi sa'kin na tila wala lang siyang nararamdaman sa'kin pero ang totoo niyan... Mayro'n, parang si... Si Mama.
Napahinga ng malalim si Tita Zen. "Pagpasensyahan mo na si Triex, sadyang makulit lang ang batang iyon, oo." Sabi niya habang ipinagpapatuloy ang paghalo ng kaniyang kape.
"A-aalis kayo?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
Napatingin siya sa'kin. Umupo na siya sa upuan na katapat ko. Napahinga na naman siya ng malalim. "It's Dave's choice." She said, sighing.
![](https://img.wattpad.com/cover/111051317-288-k222390.jpg)
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.