NOVEMBER 30: Monday
She chuckled while nodding her head slowly, again. "I see." Aniya ng mahina habang patuloy na pinupukpok ng dahan-dahan ang dulo ng ballpen sa lamesa. "Pero bibihira ko lang kayo makitang magkasama ah?" Pagtatanong nito na nagpa-irita sa'kin lalo, pero hindi ko ipinahalata.
Ngumiti ako ng pilit sa kaniya. "Miss Richie," napapikit ako. Ano ba kasi'ng naisipan ko? "Hindi kailangan sa isang relasyon na laging naka-attach kayo lagi sa isa't isa." Huminga ako ng malalim.
Ano ba kasi'ng pagkaka-alam ko sa buhay ng may pag-ibig?! Wala. WALA.
"Tsaka, nakaka-abala po sa studies. But we still have enough time for each other." I added at napapikit ng hindi niya nahahalata.
"Hm." Sabi nito habang tumatango-tango na tila ba nakukuha niya ang gusto kong iparating. Napangiti siya't inikot muli ang kaniyan swivel chair at ibinalik sa drawer ang files na tiningnan niya kanina. "That's a good relationship, anyway. Sana magtagal pa kayo." Sabi nito habang naglalagay ng files.
Kinabahan agad ako sa sinabi niyang iyon. Halos sabay kaming huminga ng malalim.
"Okay." Banggit nito.
Agad akong natuwa sa sinabi niya. Okay? Okay na, na hindi na kami magpe-perform?
"That's an acceptable reason." She said smilingly while nodding slowly, again and again.
Napangiti ako sa sinabi niya. "But, Mrs. Manansala told us that if ever there's someone who'll decline our invitation, there's no other choice." Napabagsak ang aking balikat at napahinga ng malalim. "It's like an option of 'tatanggapin mo ba o tatanggapin mo?' You know, Mrs. Manansala is like that." She added.
"What can we do to--"
"Maybe..." Inikot niya ang paningin niya na tila ba nag-iisip. Itinuro niya sa'kin ang ballpen na hawak niya at kanina pa niya pinupukpok. "Kayo nalang mag-usap ni Mrs. Manansala." Sabi nito habang nakangiti.
Why is it that she's pretty like Dawn Zulueta? Ugh, brain, focus.
"Uh, okay po." Napatango nalang ako. Tingin ko, hindi ko talaga siya mapipilit. Dapat kasi hindi na ako nagpunta dito sa school.
"Sige." Nakangiti nitong pahayag habang papatayo na ako't papalabas ng opisina niya.
Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas nang may sabihin siyang nagpatigil sa'kin.
"I know you're a good kid, Jacq. Take care of my son huh?"
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Po?" Pagtatanong ko sa kaniya.
Napangiti nalang siya at pinukpok muli ng dalawang beses ang kaniyang ballpen sa lamesa. "Wala. Thank you for coming. See you around?"
Napatango nalang ako habang nakapilit ng ngiti.
"Thank you po." Sabi ko at tuluyan nang lumabas ng opisina.
Pakasarado na pakasarado ko ng pinto ng opisina, agad akong napa-sandal dito at huminga ng malalim.
Does it mean... Mama siya ni Quin?
×××
Dahan-dahan akong napatingin sa pintuan. Huminga ako ng malalim bago ko ito buksan. Napatingin ako sa relo ko't nakitang maga-alas dos palang ng hapon.
"Aray!" Sigaw ko nang biglang may bumato sa'kin ng isang throw pillow.
"And that is why, it is called as throw pillow." Napatingin ako sa hindi pamilyar na boses.
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.