DECEMBER 17: Thursday
Nadagdagan ata ang pagkainis at ang pagkagalit sa'kin ni Quin Vega nang sabihin ko 'yon sa harap ng lahat kaya naman pakatapos no'n ay tiningnan niya ako ng masama.
"You're so stupid." I looked at Justin while rolling my eyes.
Kadaraan ko lang dito sa may lounge at nakita ko na naka-upo siya do'n. Hindi ko na sana papansinin si Justin nang bigla niya akong tawagin kaya naman umupo ako sa upuan sa harap niya. Pagkatapos 'yan na nga ang unang bungad niya sa'kin.
"Stupid? Bakit alam mo ba ang buong k'wento?" Mali 'yong tanong ko.
Syempre siguro alam naman ata niya dahil kinuwento sa kaniya ni Quin.
Huminga siya ng malalim at napapikit habang napapamasahe sa kaniyang ulo. "Try mo kayang suyuin."
At napakunot naman ang aking noo sa kaniyang sinabi. "Ano ako?"
"Tao, like duh."
Pft. Parang babae ang pagkakasabi niya no'n ah.
Huminga ako ng malalim. "Halos hindi ko nga alam kung bakit siya nagkagano'n eh. Basta..." Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang maalala ko ulit ang mga pangyayari noong nakaraang gabi.
"Basta ano?" Tumayo na ako sa kinauupuan ko.
"Basta." I said in a matter of factly tone. Isinukbit ko ang aking bag sa'king balikat at tiningnan kong muli siya. "Una na ako." Sabi ko sa kaniya. Naka-upo na siya ngayon at nakatingin na sa malayo.
Napa-iling nalang ako habang naglalakad dahil sa inasta ni Justin. Huminga ako ng malalim at napapikit.
"Hey Jacq." Napamulat ako ng aking mga mata nang marinig ko ang pagtawag na 'yon napaangat din ako ng aking tingin at nakita ko ang mukha niya.
"J-joshua." Tawag ko sa kaniya.
"P'wedeng pakibigay kay Kate?" Napalunok ako at napababa ang aking tingin sa isang kahon na itinapat niya sa may t'yan ko.
"Hm, okay." Kinuha ko ito at napatingin ulit ako sa kaniya. Nakangiti siya at inilagay ang kaniyang kamay sa'king ulo at ginulo ang aking buhok.
"Salamat, maasahan ka talaga." Napatango nalang ako. "Dito lang ako Jacq ah." Sabi niya habang itinuturo ang direksyon taliwas sa tinatahak kong direksyon.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa mapatingin ako sa corridor. Tahimik nalang ito. Napalunok ako nang may malamig na hangin ang dumapo sa'king pisngi.
Ganitong oras, naglalakad na siya papunta sa classroom niya at parati kaming nagkakasalubong no'n pero ngayon...
"Oh my..."
Nakarating naman ako ng maayos sa classroom pero...
Inangat niya ang kaniyang tingin sa'kin matapos niyang tingnan ang kahon na puno ng cookies.
Napangiti ako sa kaniya.
Wala 'yong thrill at 'yon saya pagdating ko sa loob ng k'wartong ito. Walang naghahatid sa'kin.
"Tara kainin natin ng sabay Jacq!" Masiglang sabi ni Kate pero napangiti nalang ako.
"Ah, hindi na. Uhm, busog pa naman ako kaya ikaw na muna ang kumain." Nakapilit-ngiti kong sabi sa kaniya kaya naman napangiti siya.
YOU ARE READING
Love Suicide
Ficção AdolescenteEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.
