DECEMBER 24: Thursday
Pumayag si Papa sa proposal ko.
Hindi na kami aalis. I just want to be close to Tita Zen. She made me feel that I still have a mom. And I also appreciate their love for me for just a short period of time, and I think, I can give them back the love that they're giving me.
"Pupunta kami mamaya Ate Jacq!" Masiglang sigaw ni Areow habang papalabas ako ng bahay.
"Okay!" I said and wave a hand to him.
Late ako.
Papagalitan na naman ako ni Miss Richie. Tumatakbo na ako palabas ng gate at papunta sa school. Dala ko na mga gagamitin ko para mamaya. Ang dami kong dala kaya napagpasyahan ko na mag-tricy nalang.
Hindi na kasi ako pinapagamit ni Papa ng kotse, baka mamaya daw, mahuli ako.
"Hoy!" Napatingin ako sa kaliwa ko nang makuta ko do'n si Quin na nakataas ang kaniyang kaliwang kamay na may hawak na Star Bucks coffee. Inis din ang nakaguhit sa kaniyang mukha.
"Ba't ka ba nandito?!" Inis kog bungad sa kaniya. Huminga siya ng malalim habang ibinibigay sa'kin 'tong hawak niyang cup. "Late ka na tapos pumunta ka pa dito?"
"Eh ikaw nga late na nakatayo pa d'yan." Reklamo niya. I roll my eyes and walk towards the direction where I can take a trike easily. "Oh, sa'n ka pa pupunta?"
Ba't parang bad mood siya?
"Maglalakad."
"Ha? Eh dito papunta 'yong school."
Lumingon ako sa kaniya. "Wala kang pakialam." Inis ko nang sagot sa kaniya. "Magko-commute ako."
"Wag ka na mag-commute."
"Just mind your own business!" I yelled at him. I can't help myself.
"Ang sabi ko, 'di mo na kailangang mag-commute pa. Cute ka na kaya." Natigilan ako sa kaniyang sinabi at napalingon sa kaniya.
"You better go, Quin." Pagpapaalis ko sa kaniya.
"Hindi p'wede. Tara na." Tumingin ako sa kaniya nang makarinig ako ng kalampag. Do'n ko lang napansin 'yong dala niyang bike. "Sakay."
"Mauna ka na." Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin.
"Kapag hindi ka pa sumakay dito, hahalikan talaga kita." Agad akong napalingon sa kaniya. I glared at him.
"What are you talking about?"
"Isa." Pagbabanta niya. I stayed still there, standing. Just glaring at him. "Dalawa." Nakangiti niya nang sabi.
"Fuck off Vega." I said with an emphasis.
"Tatlo, oh ano gusto mo?"
I roll my eyes. "Gusto ko--"
"Smack, torrid, or french kiss? Anything else you want, just specify."
My eyes were wide open. Binato ko sa kaniya 'yong dala kong maliit na bag. He chuckled. "Bastos ka!"
"Sumakay ka na kasi, gusto mo lang naman ata ng kiss eh." Sabi niya. Huminga lang ako ng malalim. "Ano? Tara na." Sabi niya habang pinupulot 'yong bag na itinapon ko sa kaniya.

YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.