LVIII

16 0 0
                                    

DECEMBER 14: Monday

I tightly grip the strap of my back while walking on the corridor. Hindi ko alam pero ang weird ng feeling.

Parang anytime magbe-break down ako. Napapikit ako at napatigil sa paglalakad at huminga ng malalim. Kasabay no'n ang malakas na hangin na tumama sa'king pisngi.

Then, I realized something.

Napalunok ako at napalingon sa likod nang may maramdaman akong nakatingin at nakasunod sa'kin mula sa'kin likuran.

Ang sabi nila, kapag may naramdaman ka na katulad no'n, wag ka daw lilingon.

Pero bakit ba kasi ako lumingon?

Humangin ng malakas. Akala mo'y nasa horror movie ako dahil na din sa dilim ng panahon na akala mo may bagyo na paparating.

Wala namang tao sa likod ko pero nakarinig ako ng malakas na kalabog. Napalunok at napapikit na ako at napakapit ng mahigpit sa strap ng aking bag. Huminga ako ng malalim at magsisimula na sana ako na maglakad pero narinig ko ang palapit na palapit na mga yapak.

Nagsimula na akong mataranta at matakot nang may makita akong lumulutang na bagay or something sa dulo ng corridor. I'm barely breathing and my heart is beating faster.

Tumakabo ako habang nakatingin sa dulo ng corridor. Hanggang sa mapatigil ako dahil may nakabunggo ako.

Nakapikit ako at hindi ko kayang buksan ang aking mga mata. Ang lamig.

Dahan-dahan kong naramdaman ang paghawak nito sa'king magkabilang braso at napasinghap ako.

Ayaw ko sanang imulat ang aking mga mata pero naamoy ko siya at alam ko kung sino siya. Kahit na hindi ko na imulat ang aking mga mata, alam ko siya. Kilala ko ang amoy niya.

Niyakap ko siya agad ng mahigpit at napapikit nalang ako.

Baka mamaya, masundan kami no'n. Baka mamaya, kung ano'ng kamalasan dumapo sa'min. Tae 'yan.

"Uh," his voice vibrated on my face. "Jacq?" 

Bakit ba kasi ang bango niya?

Hindi ako umimik. Ramdam ko ang kaniyang kamay sa'king likod. Niyakap niya ako pabalik na dahilan para mas yakapin ko siya ng mahigpit.

Ramdam ko ang pagkatigil niya pero 'di kalaunan, ramdam ko ang kaniyang baba na nasa bumbunan ko.

"Kilala mo si Jacq?" Nanginginig ako, hindi ko alam kung bakit. Kung ano ang nangyayari. Kung bakit ganito. "Kasi ang sabi niya sa'kin wag manamantala."

Agad ko siyang tinulak palayo. Kitang-kita ko ang kaniyang pagkagulat pero agad naman siyang napangisi. Umiwas ako ng tingin at napadpad ang aking tingin sa dulo ng corridor kung sa'n may nakita ako.

A clown, smiling at me. Big shot!

Napa-lingon ulit ako sa may parte ni Quin at biglang napatakip ng aking mata. Nakarinig ako ng hinga ng malalim at nagulat nalang ako nang biglang may humawak sa'king magkabilang balikat at hinarap sa kaniya.

"Jacq, ano ba'ng nangyari sa'yo?" Pagtatanong niya sa'kin. I shook my head and sniffed. "Natatakot ka ba do'n sa killer clown?" Agad kong inalis ang kamay ko na nakatakip sa'king mukha.

"H-ha?" Pagtatanong ko sa kaniya pero na-realize ko naman agad kaya inalis ko na ng tuluyan ang nakatakip sa'king mukha at tumayo ng maayos. "H-hindi ah."

"Talaga?" He chuckled and covered his mouth by his hands. "Kaya pala ang higpit ng yakap mo sa'kin ah." Natatawa nitong sabi kaya naman pinanliitan ko siya ng mata.

"You're really conceited huh?" Naiinis ko nang sabi sa kaniya.

"You're touchy, Jacq." He said that made me pissed off.

"You know what, I'm just scared, okay?" I heavily sigh. "Nakakatakot 'yong panahon tapos may makikita ka pang gano'n sa dulo ng corri--Ahhhhhh!"

Shit, shit, shit.

Ang lakas ng kabog ng puso ko.

Ang bilis ng pangyayari. Nakita ko nalang na nasa likod na pala namin 'yong killer clown tapos may dala pa siyang kutsilyo.

"He wouldn't hit us, Jacq. Don't be so coward." He said while pushing my head on his chest.

"P-pa'no ka naman nakakasigurado?!" Natataranta kong tanong sa kaniya.

"S'yempre si Justin 'yan oh." Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya. Napatingala ako at napatingin sa killer clown na nasa harapan namin ngayon.

"Ayos ba, Jacq?" Pagtatanong nito sa'kin. Napabalik ang aking tingin kay Quin na ngayon ay ngiting-ngiti.

Agad kong tinulak si Quin at napa-hinga ng malalim. "Ayusin niyo pagmumukha niyo, mga bwisit kayo ng umaga." Naiiritang sabi ko.

Maglalakad na sana ako palayo nang higitin ni Quin ang aking kamay. "Oh, Jacq." Napatingin ako sa kaniya. "Where are you going?"  Tanong niya sa'kin.

"Aalis. Lalayo. Sainyo." Madiin kong sabi sa kanila habang inaalis ko ang pagkakahawak niya sa'king braso.

I walk fast for them not to follow me from where I am going but suddenly, someone grabbed my wrist. I snap my head to look at him.

"Jacq naman eh." I heavily sigh. "Bakit ka naman umaalis agad-agad?" Napaharap ako sa kaniya at marahas na inalis ang pagkakahawak niya sa'kin braso.

"Kasi nananakot kayo agad-agad."

Napatawa siya ng bahagya. "So you're really scared?"

My lips closed and heavily sigh. "Look, Quin." I put my hands on the strap of my bag and grip it tightly. "I'm not in the mood. I'm not fooling around with the two of you so please stop." I seriously said. Hindi siya umimik ng ilang segundo at napaangat ng kaniyang tingin sa'kin. Seryoso ang kaniyang itsura.

"Jacq, don't act that you're not scared. Don't act that you're brave. Don't act that you're not afraid to die but you're afraid of the dark. You're coward, Jacq Nav." Napapikit ako sa sinabi niya at biglang kumulog habang naglalakad siya papalayo.

A-ano daw?

Napalingon ako sakaniya at nakita ko siyang nakaharap ng kaunti sa'kin. Bigla nalang kumidlat kaya naman napapikit ako. "Oh, don't tell me you're also afraid of lightnings and thunders?" He asked. "Come on, I don't want to see you hugging other guy who'll just pass by." I heard him say.

"You know that I won't hug any other guys." I said but whispered the last six words. I looked at him and his brows are knitted.

"What?" Huminga ako ng malalim at napa-tingin ng diretso sa kaniya at inayos ang aking sarili.

"Wala akong sinasabi."

"Halika na."

"Bakit ako sasama sa'yo?"

"Kasi ihahatid kita." Sabi niya kaya naman napa-iwas ako ng tingin.

"Bakit mo naman ako ihahatid? Alam ko naman kung pa'no maglakad. T'saka malaki na--"

"You know what, you're talking to much." He said and I really don't have any idea how did he manage to move from 1 meter away from me to only a half meter. "Kapag niyaya kita, all you have to do is agree with me."

Huminga ako ng malalim pero hindi ako sumangayon sa kaniyang sinabi. Hawak na din niya ang aking braso habang kinakaladkad na ako papasok ng cafeteria.

"Bakit tayo nandito? Akala ko ba sa classroom na?" Pagtatanong ko sa kaniya.

Love SuicideWhere stories live. Discover now