DECEMBER 20: Sunday
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humawi sa'king buhok. Napapikit ako ng mariin at saka ko lang iminulat ang aking mga mata.
Nakita ko si Quin na nakadungaw sa'kin. "Good morning."
Napabalikwas ako at napatingin sa orasan.
It's already midnight.
Napatingin ako sa kaniya at naka-upo lang siya ng maayos sa kaniyang kama. Napatingin ako sa kaniya at napatingin naman ako sa'king sarili at parang otomatikong tinakpan ang parte ng aking dibdib.
"A-ano'ng ginawa mo?"
"Ha?"
Napatayo ako sa upuan na kina-uupuan ko kanina. "Ano'ng ginawa mo sa'kin ha?"
His eyebrows furrowed and suddenly, he chuckled. "What the hell are you talking about?"
"You're drunk and--"
"You know I can't do that." He said to me.
Bumalik ako sa pagkaka-upo sa upuan na parang upuan ng isang reyna.
I cleared my throat. "Kung may ginawa ka mang masama sa'kin--"
Tumawa siya. "Grabe. I can't believe you." Tumigil siya sa kaniyang pagtawa at napatingin sa'kin. "Pa'no kita pagsasamantalahan eh flat ka."
Nanlalaki ang aking mga mata at nakakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. "What the--ang kapal naman ng mukha mo!"
Tumawa lang siya sa reaksyon ko. Tumayo ako at akmang lalabas na sana ng kaniyang k'warto. "Oh, sa'n ka naman pupunta?" Pagtatanong niya kaya naman napabalik ang aking tingin sa kaniya.
"Aalis na."
"Ha? Madaling araw na ah."
"So what? I can manage myself." Binuksan ko ang kaniyang pinto at lumabas.
Hindi ko alam na nakatulog na pala ako do'n ng tatlong oras. Matapos ko siyang painumin ng kape.
Napatigil ako at napatingin sa dibdib ko. Flat?
Nag-pout ako at huminga ng malalim. Okay fine.
Wala namang nangyaring kaek-ekan eh, 'di ba?
"Ugh, sana." Mahina kong bulong. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan nila pero napatigil ako nang biglang bumukas 'yong ilaw sa sala.
"Wala namang kahindik-hindik na nangyari sainyong dalawa." Napakunot ang aking noo sa narinig. Naaninag ko si Tita Richie na nasa may pinto malapit sa switch ng ilaw.
"P-po?"
"I can see in your face na nag-aalala ka kung may nangyari sainyong dalawa." Ngumiti siya sa'kin at lumapit. "And you even hope na wala nga by verbally saying 'sana'." Napangiti ulit siya.
"Uhm." Hinaplos niya ang aking buhok.
"Don't worry hija, binantayan ko kayo ni Ken habang natutulog kayong dalawa. Kalalabas ko lang no'ng makita kong kumakamot na si Ken sa kaniyang t'yan." Natawa siya ng bahagya. "That's a trade mark na malapit na siyang magising."
Napatango ako sa kaniyang sinabi. "Ah sige po--"
"Ah, by the way. Sa'n ka pupunta?" Pagtatanong nito sa'kin kaya naman napayuko ako ng bahagya.
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.