LXXXIX

8 0 0
                                    

DECEMBER 24: Thursday

JACQ

Naglalakad ako sa corridor, tumakbo ako palayo sa kaniya. Lagi nalang bang ganito?

Matagal na niyang gustong makasama ulit 'yong girlfriend niya. Gusto pa nga niyang magpakamatay dahil sa pagkakapatay 'kuno' sa kaniyang girlfriend.

That made me realize na walang-wala lang ako. Na maaaring 'yong pagmamahal niyang sobrang tagal sa girlfriend niya, biglang bumalik at mawalan ako.

Napapunas ako ng aking pisngi nang maramdaman ko ang pagtulo ng isang butil ng luha do'n. "Don't worry," napatingin ako sa nagsalita, "hindi ba't sinabi niya sa'yo na mahal ka niya?"

Napayuko lang ako, huminga siya ng malalim at inakbayan ako. "Wala akong laban, Dave." Mahina kong sabi.

"Alam mo, kapag sinabi niya, mini-mean niya talaga." Napatingin ako kay Dave.

"Alam ko naman na babalikan niya si Reign."

He smirked. "Baka nga." Inalis niya ang pagkaka-akbay niya sa'kin at ngumiti siya. "Sige na una na muna ako pinapa-uwi ako ni Mama eh, magpapatulong." Then he winked at me. Lumingon pa siya at nagpahabol. "Kapag may nangyaring 'di kanais-nais, o kung ano man, call or text me, I'll be there for you!"

Tumango lang ako at ngumiti.

Ano na, Jacq? Sa'n ka na ngayon pupulutin?

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa mapagod ako.

Nag-isip ako ng mga bagay na masasaya pero... Patuloy na tinutulak ng utak ko na isipin siya.

Ano pa nga ba? Siya lang naman ang nagbigay ng saya sa buhay ko.

Quin... The first time we met, he's seeking for her love. And now that she's here, wala na akong puwang sa kaniyang puso.

What if namatay kami? Hindi na sana magiging ganito ka-komplikado ang lahat. "This is so hard to absorb." I whispered.

Napatahimik ako. Hindi ko dapat siya na-meet kung pinili kong tingnan ang mas magagandang bagay. Hindi dapat.

Nagulat ako nang biglang may bumukas ng pinto ng classroom. Iniluwa nito si Quin na parang kanina pa kakatakbo. "Jacq!" Hingal na hingal siya habang papalapit siya sa'kin.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala nagpunta."

Huminga ako ng malalim at napapikit habang tinapik ang balikat niya. Humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa'kin.

Ngumiti lang ako sa kaniya at sinabing, "Ba't mo pa ako hinanap?"

"Alam mo, ikaw, you don't need to push me to the person I don't love anymore." Huminga siya ng malalim at tumingin diretso sa'king mga mata. "You made me realize that I don't need to tell you that I love you everyday, I just have to make you feel that I do love you."

Napayuko ako sa kaniyang sinabi. "P-pero bumalik siya--"

"Oo bumalik siya pero 'yong nararamdaman ko para sa kaniya, matagal nang kumukupas hanggang sa dumating ka. Iba 'yong ipinadama mo sa'kin." Ngumiti siya. "Sa kaniya kasi, naranasan kong masaktan habang nagmamahal, 'yong sa'yo kasi... Kahit nasasaktan ako, ayos lang basta ikaw 'yong minamahal ko."

Love SuicideWhere stories live. Discover now