DECEMBER 6: Sunday
Napatango nalang ako sa sinabi niya. I'm overwhelmed, especially ibang tao ang nagsabi sa'kin. At least now, I know kung ano ang tingin niya sa'kin. Na kaibigan na ang tingin niya sa isang barumbadong babaeng tulad ko. Wait, ibang tao pa ba ang tingin ko kay Quin?
"Oh, tingnan mo nga naman," napatingin ako kay Quin nang sabihin niya 'yon. Nakalagay ang kaniyang mga daliri sa ibabaw ng kaniyang labi. Humarap siya sa'kin. "Ano? Horror tayo?" Pagtatanong niya. Napapikit ako, tinatanong ang aking sarili kung tama ba ang ginawa kong pagsama sa kaniya.
Sa huli, tumango nalang ako. Wala naman na kasing ibang magandang panuorin. Pang bata kasi 'yong isa. "Oh, kung sakaling ma-bored ka." Sabi niya sa'kin habang ibinibigay ang isang supot ng mga pagkain.
"Eh? Ikaw, manunuod ka ba talaga?" Pagtatanong ko sa kaniya habang dala ang supot na ibinigay niya sa'kin. Napatango naman siya habang kinukuha muli ang mga supot sa'kin.
"Hm, kailangan ko din ng pagkain. Halos two hours ang papanuorin natin eh." Sabi nito sa'kin habang naglalakad kami papasok ng sinehan. Napa-upo kami sa gitnang parte ng sinehan pero nasa gilid kami.
Nang magsimula na ang takbo ng pelikula, wala pa namang nakakatakot hanggang sa nagsisisigawan na ang mga tao sa kanilang takot. "Tss." Napapa-iling nalang ako.
Kumuha ako ng pagkain sa supot ng pagkain na binili ni Quin kanina. Ewan ko ba dito sa katabi ko kung nanunuod ba siya o nagch-chill lang.
"Fuck!" Sigaw nito at kitang-kita na pumikit siya ng mariin. Napatingin ako sa malaking screen at nagulat ako sa nakita ko.
Napapikit nalang din ako't napatakit ng aking mga mata. Nang tumahimik na ang paligid, napamulat ako at nakitang iba na ang scenario. Napatakip nalang ako ng aking mukha nang makita ang sumilip na hindi-ko-ma-explain na bagay mula sa malaking screen na 'yon.
I heard a chuckle that's why I look at the guy who's sitting beside me. I know he's looking at me at alam ko din na ako ang pinagtatawanan niya. Hinampas ko siya. "Aray naman," natatawa-tawa pa din niyang sabi. Tumahimik siya ng kaunti at maya-maya napatingin ako sa kaniya. "Ganiyan ka lang pala matakot, Jacq." Nakangisi siya sa'kin at hindi ko nalang siya inintindi.
I put all of my attention on the horror movie that we're watching. Nando'n na sa part na mag-isa nalang ang bida na naghahanap ng kasama niya. May dala itong pampalo at nagulat nalang kaming lahat ng nandito sa sinehan ay napasigaw. "Ahh!"
"Shit! Shit! Shit!" Sigaw ko. Kumuha ako ng pangtakip ko sa'king mukha at nagtaka ako nang marinig ko na naman ang tawa ni Quin. "Hoy! Horror ang pinapanuod natin, hindi comedy!" Mahina kong pagsita sa kanya habang nakatakip pa din ako ng aking mukha at nakapikit.
"Nakakatawa ka kasi." Natatawa pa din niyang sabi. "Baka mabali mo ang braso ko ah?" Napamulat ako ng mata nang ma-realize ko ang sinabi niya. Ano? Tiningnan ko nang maayos amg hawak ko na ipinantakip ko sa'king mukha, shit. Braso nga ni Quin.
"S-sorry." Sabi ko habang tinatabig ito ang kamay niya.
"Hindi," tumingin ako sa kaniya at napa-iwas agad nang makita ko na nakatingin siya sa'kin. "Ayos lang." Napatingin ako sa kamay niya na nakalahad sa harap ng mukha ko.
"Kaya ko ang sarili ko." Naka-iwas tingin kong sabi. Nakita ko na tumango lang siya't kumakain.
Tahimik lang ang buong paligid nang scenario sa malaking screen. Dagdag pa ang tunog nang sound effects na kahit ano'ng mangyari, damang-dama ang takot ng mga manunuod. "Boo!"
YOU ARE READING
Love Suicide
Fiksi RemajaEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.
