NOVEMBER 15: Sunday
Naguluhan ako sa sinabi niya.
Inalis ko naman ang pagkakahawak niya saaking braso. "Protecting me from what? And why are you even--"
"Basta." Tila ba naiirita niyang sabi saakin.
Napa-iling-iling nalang ako habang naglalakad kami. Tahimik lang at walang nag-iingay. Wala na din ata sila Justin. "Hey, why're they keep on calling you Ken?" I asked him, my eyebrows knitted.
"Ahh." Nakita ko naman ang pagyuko niya. "None of your business, Jacq."
Napahinga nalang ako ng malalim. "Okay." Iyan lang ang nasabi ko.
"Tara na, baka maabutan pa nila tayo. Ayoko sa lahat yung nasisira ang lakad ko." Sabi pa niya pero huli na ang lahat.
"Kung tutuusin, ikaw ang nagyaya sa kanila." Mahina kong bulong.
"Ayun na 'yong arcade mga dre!" Malakas na sigaw ni Justin na aakalain mong ngayon lang nakakita ng arcade.
Napa-iling-iling na lamang si Quin at huminga naman ako ng malalim. Mukhang no choice kami nito.
"Hey, Jacq." Napatingin naman ako sa tumawag saakin at nakita ko si Dave. Napangiti lang ako ng pilit sa kaniya at napangiti naman siya saakin.
"Hindi mo naman nasabi na magkakilala pala kayo ni Ken? Tsaka, bakit ganyan pa din ang suot mong damit? 'Di ba kagabi pa 'yan?" Nagtatakang tanong ni Dave habang nakatingin sa suot ko.
Actually, naka-jeans lang ako at naka-shirt. Hindi ko naman kasi alam na hanggang ganitong oras pa kami magkasama ng lalaking 'yan.
Napatingin naman ako kay Quin at nakita ko na seryoso siya ngayon na nakatingin saamin. Habang ang iba naman ay nakatingin din saamin ni Dave.
"What do you mean Dave?" Singit ni Justin saamin na seryoso din.
Dave smiled. "We lived in the same house, bro." He said and suddenly I realized what he said.
Nanlaki ang mga mata ko. Agad akong nag-isip ng ipangrarason pero hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoong rason nito.
"Mga dre, tama na nga." Seryosong tugon ni Quin. Pinapaawat sa mga nagbabadyang katanungan na ibabato sa'ming dalawa.
"Bro, siya ba ang bago mo?" Napatingin ako kay Quin nang tinanong siya ni Yumiko pero nagulat ako nang nakatingin lang siya saakin ng seryoso habang ang kamay niya ay nasabulsa niya lamang.
"Siya na ba ang bagong Reign?" Singit pa ni Justin, habang si Dave naman ay napatingin lang sa kanila.
Lahat sila ngayon ay seryoso na nakatingin kay Quin. Pasalin-salin ang kanilang tingin saakin at kay Quin.
Huminga ako ng malalim at magsasalita na sana nang narinig ko ang pagbulong ni Dave. "Don't be with him, Jacq. Stay with me, you're more safe being with me. Reign is--" Sabi niya pero naputol ito.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari at nakita ko nalang na nakabulagta sa sahig si Dave at nakahawak sa kaniyang panga.
"Come on, Jacq." Malamig niyang sabi saakin. Nakita ko na napatingin muna siya kay Dave na ngayon ay pinagtutulungan nila Yumiko at Justin na tumayo. "Dave, wrong move. Mentioning her name will put you in vain." Sabi niya dito at sabay na umalis.
Hindi lang ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sinundan ko lang ang kaniyang paglalakad palayo. Nakita ko na lumingon siya at nakatingin saakin. "Jacq!" Sigaw niya dahilan para sumunod na ako sa kaniya.
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.