DECEMBER 13: Sunday
Huminga ako ng malalim at umirap habang papatingin sa kaniya. "Ano? Tatayo ka nalang d'yan?" Pagtatanong ko sa kaniya.
"Tatayo lang." Nakangiti nitong sabi.
Huminga ako ng malalim. Nakadaan ang isang sasakyan kaya naman sumigaw ako. "Pumunta ka na kasi dito!"
Natahimik na naman ang kalsada at nakatingin lang ako sa kaniya mula sa kabilang kalsada. Kanina pa kasi, hindi pa tumatawid, ang dami pang ka-ek-ekan ang nalalaman.
"Maglakad ka kasi nang kasabay ako!" Sigaw niya mula sa kabilang kalsada kaya naman napa-irap ako.
"Bahala ka d'yan sa buhay mo! Hindi ko naman gugustuhin na maglakad kasama ka!" Sigaw ko t'saka naman may dumaan na mahaba at malaking truck kaya naman nakapagtago ako sa likod ng malaking puno na nasa likuran ko din naman.
Napasilip ako ng kaunti sa puno at nakita ko na napatawid siya nang makita niya ata na wala na ako dito. Huminga siya ng malalim at napakamot ng ulo nang makatawid na siya.
"Damn," rinig kong bulong niya habang inilalabas ang kaniyang cellphone. Halata din sa kaniyang boses na naiinis siya.
Hm, kanino kaya siya naiinis?
Napakapa ako sa'king bulsa nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito at napapikit ako habang kinukuha ko ito.
"H-hello?" Pagsagot ko sa kaniyang tawag pero pabulong lang kasi kahit naman na malayo ng kaunti 'tong puno sa kinatatayuan niya, kailangan, mahina parin kasi delikado na.
["Asa'n ka ba?"] Natatawa na ako sa kaniya kasi ginugulo niya ang buhok niya.
"Hanapin mo." Natatawa kong sabi sa kaniya. Binaba ko ang tawag pero narinig ko pa din ang kaniyang sinabi.
"Asa'n ka--" huminga siya ng malalim at ibabagsak na sana niya ang kaniyang cellphone pero hindi niya itinuloy. Parang gigil na gigil siya pero napahinga nalang siya ng malalim.
I smiled from what he's doing. Tumalikod na siya para umalis pero dahan-dahan akong naglakad sa may likod niya.
I hugged him from his back. "Sabi ko, hanapin mo 'ko. Hindi ko sinabi na iwanan mo 'ko."
Rinig ko ang paghinga niya ng malalim. Rinig na rinig ko ang pagkabog ng kaniyang puso.
Bakit ganito? Bakit sobrang magkasabay kami ng tibok ng puso?
"Hindi ba't ikaw na mismo nagsabi sa'kin dati na h'wag manamantala?"
I roll my eyes and pushed him away. Napaharap siya sa'kin nang may seryosong mukha. "Alis na nga ako--"
Maglalakad na sana ako palayo nang bigla niya akong kabigin at iharap sa kaniya. He moved closer to me and cupped my face, looking at my eyes intently. "Didn't I told you, don't leave me again?"
Huminga ako ng malalim. "Quin..."
"Eh iniwan mo 'ko." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa'king mukha nang sabihin niya 'yon.
"Didn't I told you, look for me." Napakamot siya sa kaniyang ulo at huminga ng malalim.
"Halika na nga." Tumango ako at maglalakad na sana nang harangin niya ako. "Hindi ko naman kasi sinabi na umalis ka."

YOU ARE READING
Love Suicide
Novela JuvenilEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.