DECEMBER 20: Sunday
Hindi na naman ako talagang nakatulog. Nakatingin ako sa kaniya habang siya 'yong natutulog.
Damn, I don't know what to feel.
Napapikit ako nang bigla siyang gumalaw at kumamot sa kaniyang t'yan. Suddenly I heard him yawn. Narinig ko din naman na tumayo siya at pumunta sa kaniyang banyo.
Alas-k'watro palang ng umaga. Napa-upo na ako sa kama at napahinga ng malalim. Inayos ko ang aking pinaghigaan at naghanap ng papel at ballpen na masusulatan.
Ken,
Umalis na ako. Kita tayo mamaya sa school.
-JacqTumayo na ako at inilapag ang letter na 'yon sa may study table niya. Dahan-dahan along lumabas ng kaniyang k'warto. Nadatnan ko ding gising na si Justin at nagkakape na.
"Oh? How is he?" Pagtatanong nito sa'kin.
"Ayos lang naman. Wala naman na siyang hang over."
"How was the night with Vega, huh?" Pagtatanong nito kaya naman nabatukan ko siya.
"Aray naman. Nangangamusta ako dito ng maayos oh." Sabi nito ng mahina habang nagbubukas ng pinto. Nakalabas naman kami ng bahay nila at nagsisimula namg maglakad.
"Kasi iba sa pandinig ko ang tanong mo eh."
"Sabi na't ikaw ang may maduming utak." Huminga ako ng malalim at humarap sa kaniya.
"Isa pa talaga, Justin."
"Eh ano nga? Kamusta nga?" Pagtatanong naman niya.
"Natulog lang naman ako eh."
"Weh?"
"Magtatanong-tanong tapos hindi maniniwala, pang-gago ka eh 'no?" Pagsisita ko sa kaniya.
"Hatid na kita sainyo." Huminga ako ng malalim at napapikit habang naglalakad kami.
"Hindi na din, Justin. Diretso ka na sa bahay niyo. Baka mamaya ma-late ka pa. May pasok pa tayo mamaya."
"That's what I like about you for Ken eh." Napatigil ako at napatingin sa kaniya.
Nakangiti siya at napatigil din sa paglalakad. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"You're so selfless." Nakangiti nitong sabi sa'kin. Dumiretso ako sa paglalakad ko at nauna naman siya sa paglalakad habang nagsasalita. "Kaya ka niya nagustuhan kasi ibang-iba ka talaga."
Hindi na naman siya ulit nagsalita. Hanggang sa maalala ko kung ano ang nangyari kanina.
"You don't deserve someone like me."
Minulat niya ang kaniyang mga mata pero napa-iwas naman ako ng aking tingin at napapikit na. Akala ko nakatulog na siya hanggang sa nagsalita siya.
"But you're deserved to be loved."
Nauuna si Justin sa kaniyang paglalakad kaya naman hinigit ko ang kaniyang braso. "Salamat sa lahat Justin."
![](https://img.wattpad.com/cover/111051317-288-k222390.jpg)
YOU ARE READING
Love Suicide
Teen FictionEscaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that you deserve.